Hindi ko maigalaw ang katawan ko, namamanhid ito mula ulo hanggang paa. I might be subconscious but I can clearly hear the loud noises around me. Every single day iba-ibang boses ang naririnig ko sa paligid ko...
"Lex, wake up soon okay? I'll stay here with you no matter what."
Zic. It's him I'm sure.
"I miss you."
--------------------------
"What did the doctor say? When is she gonna be awake?"
"Sorry Drey di pa sure kung kelan eh pero okay na daw ang lagay nya so anytime soon."
Drey. Casey.
--------------------------
"Look Zic! I know you're worried about her but you should be worried about your company too. Your father needs you there. It won't take long okay?"
"That's better be true Shira. If you're just making excuses to get me out of here, I swear ----"
Z-zic. Gusto ko sana siyang pigilang umalis pero wala akong lakas. I can't even open my eyes. I feel so tired.
**************
"Hmmmm..."
o_-
Parang gusto ko ulit ipikit ang mata ko pero mukhang pagod na din itong matulog nang matulog. May naramdaman akong gumalaw sa gilid ng kama ko. Bat dyan siya natutulog? Ang uncomfy naman. Bigla netong inangat ang ulo niya at lumingon sa akin.
"You're awake."
"Drey? Anong ginagawa mo dito?"
"Guarding you? Wait, I'll call the nurse."
Bigla siyang tumayo pero hinawakan ko siya sa kamay. Bigla siyang tumitig sa hawak ko sa kanya kaya napabitaw ako. Weird. Bigla akong na-awkward.
Medyo madilim pero maaliwalas naman sa loob. Napatingin ako sa wall clock, 2 am.
"Wag na Drey. Okay naman ako. Mamaya na."
"Sure ka?"
Tumango lang ako. Babangon sana ako but wrong move. Napansin ko nalang ang apparatus na nakakabit sa may paa ko. Ramdam ko na ang sakit. Bigla akong nalungkot.
"May kelangan ka? I can get it for you."
I shook my head. Naiiyak ako. Buti nalang madilim kaya hindi nya mapapansin. I cleared my throat before speaking.
"Ano palang ginagawa mo dito ng gantong oras?"
Curious lang ako. Eh kasi hindi nya naman kelangan gawin ito. Umiwas siya ng tingin.
"I-i'm sorry you're hurt because of me. Kung napansin ko lang sana nang mas maaga baka wala kang fracture ngayon."
I smiled.
"Drey, it's not your fault okay? Ikaw? Okay lang ba? Sobrang nag-alala ako sa 'yo kasi hindi ka kumikibo nun. May masakit ba sa 'yo? Ah!!"
Pinitik niya ko sa noo. Hindi naman masakit pero nagulat ako. Close na? Kung pwede lang magtakip ng bibig baka ginawa ko na. Totoo ba tong nakikita ko? Nakangiti si Drey? Madilim pero kitang-kita ko yung ningning sa mata nya. Ang gandang tingnan. Ano ba tong pinagsasabi ko? >."Happy birthday to you,
Happy birthday to you,
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to you."
I smiled at them. Andito sina mama, papa, Casey, Kira, Ree. Nakakatuwa naman. Pero...
"Uy, Lex. Tulala ka dyan? Make a wish na and blow."
Ginawa ko naman agad. *sighs* May kulang pa rin.
"Yehey! Happy birthday ulit Lex! Oh eto regalo ko sa 'yo."
"Syempre may regalo din ako!"
Kanya-kanya silang lapag ng dala nilang gifts sa kama ko.
"Thank you ha? Nag-abala pa kayong magpunta dito."
"Ano ka ba? Syempre special day mo ngayon. Di pwedeng wala kami." -Ree
"Saka alam mo ba ang good news? Next week makakalabas ka na dito! Pero syempre wheelchair muna kasi di pa magaling ang paa mo." -Casey
"Mga iha, kumain na muna kayo. Maya na yan."
Sambit naman ni mama.
"Sige po tita. Thank you."
Umayos na din ako ng upo at nakisalo kasama nila.
"Nga pala Lex anong balak mo? Papasok ka na ba agad? Mukhang matagal pa bago ka tuluyang makalakad."
Tumango naman ako habang kumakain.
"Gagamit nalang ako ng crutches. Isang paa lang naman ang fractured sa akin. Nga pala..."
Huminto ako sa pagkain.
"Uhm, s-si Zic. Alam nyo ba kung asan sya?"
Nagtinginan sila. Anong meron? Bigla akong kinabahan. Bat ganto nararamdaman ko?
"Lex kasi... ang alam namin masyado syang nabi-busy sa family business nila nitong mga nakaraang araw."
"Hindi namin alam kung kelangan mo pa tong malaman pero lagi silang magkasama ni Shira sa WU."
Siniko agad ni Ree si Casey nang sabihin nya sa akin ang tungkol dun.
"Ikaw talaga Casey. Ay naku Lex, walang meaning yun. Eh diba partners yung family nila sa business? Kaya siguro lagi silang magkasama."
"Ganun ba?"
"Nasabihan na namin sya na bibisita kami sayo pero may kelangan lang daw siyang asikasuhin kaya mahuhuli siya." -Kira
Tumango nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Bat ganun? Ang bigat ng pakiramdam ko sa mga narinig ko? Calm down, Lex. Okay lang ang lahat.
Matapos kumain ay nagkwentuhan at naglaro lang kami ng baraha saka nagpaalam na din agad sina Ree dahil babalik na daw sila sa WU. Si mama at papa naman umalis na din muna para makapagpahinga na raw ako.
Eto ako ngayon nakatunganga sa tv. Halos wala na din akong maintindihan sa pinapanood ko sa lalim ng iniisip ko. Kinuha ko ang phone sa side table. No new messages. Kahit text lang na happy birthday wala. I opened my chatbox.
Hi Zic. Anong oras ka dadating? :)
Errr.. Delete delete delete.
I miss you. Chat me when you come over.
Napaangat ako ng tingin. I closed my eyes. Ugh. No. Bahala nga siya. I deleted my message. Taksil na mga luha ito. Bakit kasi wala pa siya? Kahit text lang sana para naman mapanatag ako. Bakit? Bakit ang sakit na naman?
Hindi ko na kayang magmukmok dito. Wala na palang nakakabit na apparatus sa akin, bandage nalang. I can say na medyo gumagaling na ko. Nagagawa ko na ring tumayo. Kinuha ko ang wheelchair na nasa tabi ko. I need some fresh air. Matapos kong umupo, I made a sign of encouragement. I'll get used to this. At least for now. Kaya ko namang gumalang mag-isa. Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay pansin ko agad ang bitak bitak sa wall ng hospital. Safe pa ba to? Kinabahan ako sa mga nakita ko pero kalmado na ang mga tao. Wala naman na sigurong masamang mangyayari.
Napadpad ako sa garden ng hospital. Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Grabe. Alam ko kung gano kalala ang nangyaring earthquake dahil napanood ko na rin sa balita pero iba pa rin ang makita ng personal.
Ang daming gumuhong gusali, yung iba naman kung hindi sira ay tabingi na. Kita mula dito kung gaano ang naging epekto ng lindol. Grabe. Hindi ko mapigilang maiyak sa nakikita ko.
Ang magandang balita naman na narinig ko ay hindi gaanong naapektuhan ang lugar namin sa Cavite. Hindi nga lang ako nailipat duon dahil nga daw kelangan kong magamot agad. Pero... hindi ba sila nag-aalala na baka biglang gumuho tong hospital? Kakatakot. >_Happy birthday, Lex. I love you. :)
Handwriting ni Zic. Alam kong sulat nya mismo ito kabisa ko na ang sulat-kamay niya highschool pa lang kami. I smiled. Kinuha ko naman yung maliit na box, necklace na heart-shaped ang pendant na may maliliit na stones sa gilid.
"Thank you Zic."
Bakit ganto? Bakit matamlay pa rin ako? Pinatong ko na ang box sa side table at tatayo na sana para lumipat sa kama nang bigla akong napatid. Napatakip ako ng mukha gamit ang kaliwang braso ko. Asdfghjkl!! Ang sakit. T_T Sh*t talaga. Huhuhu.
Biglang bumukas ang pinto pero hindi ako gumalaw sa pwesto. Ramdam ko yung sakit ng paa ko.
"F*ck Lex! What happened?"
Agad kong naramdamang may humawak sa balikat at binti ko. Inangat ko ang tingin ko, mangiyak-ngiyak na ko.
"Drey. Ang sakit. TToTT"
Nataranta naman siya sa sinabi ko.
"Okay. Calm down. I'll call the doctor. Stay there!"
May choice ba ako? 2 minutes ay nakabalik agad siya kasama ng doctor at nurse. Tinurukan ako ng pain reliever saka nilipat sa kama.
"Hindi naman napano ang paa mo iha. Wag ka na muna lilipat sa wheelchair nang walang nurse."
"Opo."
Sagot ko na medyo guilty.
"Maiwan ko na kayo. Tawagin nyo lang ang nurse pag may kelangan kayo."
"Thank you tito."
Ah, tito nya pala yung doctor na yun.
"No problem."
At umalis na sila ng nurse.
"Thank you Drey."
Tumango lang siya. Nakaupo siya ngayon sa may gilid ko. Inikot nya ang tingin. Medyo naconscious tuloy ako sa ayos ng room. Napatingin sya sa side table kung san ko pinatong yung box saka regalo nina Ree pero mas napako ang tingin nya sa bouquet at bear na nasa sofa.
"From a boyfriend?"
"H-huh? Ah, suitor. Hehe."
Boyfriend na sana kung nagpunta dito. Tsk. Pero... sasagutin ko ba talaga siya ngayon kung nangyari man?
Tumango lang ulit siya.
"Ano palang ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?"
Pag-iiba ko ng topic.
"Katatapos lang kaya pumunta na ko dito. Here."
"Ano ito?"
Sabay kuha ko ng sobrang cute na box na binigay nya.
"Open it."
Sobrang natulala ako. Ang gandaaaa. Brooch pin sya na stethoscope ang design. Gold-plated siya, sobrang simple ng design pero yun ang mas nakadagdag sa ganda neto. Hindi ko maiwasang ngumiti.
"D-do you like it?"
"Like it? I love it. Thank you Drey."
Sabi ko habang nakapako ang tingin sa brooch.
"Happy birthday by the way."
Napahinto ako.
"Pero teka, pano mo nalaman?"
"Oh, Casey."
"A-ah."
Biglang nagring ang phone nya.
"Hoy Drey!? San ka nagpunta!? Hindi pa tayo tapos sa report natin, iniwan mo ko! Alam mo ba--"
Wala na kong narinig, in-off nya siguro yung speaker. Hindi pamilyar sa akin ang boses pero tingin ko kaklase nya yun. Teka akala ko ba tapos na ang klase niya? Reporting nila?
"Excuse me."
Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Hindi ko nalang masyadong inisip ang narinig kanina. Kinuha ko yung bag ko na nasa side table. Buti dinala to dito nina Ree. Kinuha ko yung brooch saka kinabit sa may gitna ng bag ko para kitang-kita. Awww, ang ganda. ^____^
*******************
puzzled_emo