"Not unless binayaran mo ang hospital bill, hindi mo maililipat ang pasyente sa public hospital. At saka, siksikan ang mga pampublikong ospital at sa kondisyon ng pasyente, I strongly suggest to avail a private room. Kung wala ka. anumang mga katanungan, please excuse me."
Pumasok kami sa loob ng kwarto para tingnan ang kalagayan ni papa. Bumagsak ang mga luha ko habang nakaupo sa tabi niya.
"Hindi ko dapat iwan mag-isa ang tatay ko sa bahay! Hindi ako dapat nag-apply kung alam kong mangyayari ito!"
Inilapag ni Kent ang pagkain sa mesa. "Hindi mo ito kasalanan, Sarah. Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Wag mo nang sisihin ang sarili mo at kumain na tayo."
Inihain sa akin ni Kent ang pagkain pero biglang tumunog ang phone niya. Sinulyapan niya ito at mabilis na tinapos ang pagkain.
"Ano ang problema, Kent?"
Uminom siya ng tubig bago ako sinagot. "Nakatangap ako ng text galing kay Ronald. Sabi n'ya dumating na raw ang delivery ko sa bahay. I'm sorry, Sarah, ayaw ko lang siya maghintay sa akin, sobrang abala nun sa kanya!"
Ngumiti ako kay Kent. "Sige lang. Kaya kong alagaan ang tatay ko, ingat ka!"
Tinapon niya ang plastic sa trash bin at tinignan ako ng seryoso. "Bago ako umalis, gusto kong ipangako mo na hindi mo na kakausapin ang lalaking iyon kahit kailan. Sorry, alam ko kasi ang karakas ng mga lalaking manloloko!"
Muli akong sumimangot at nagtaas ng kilay. "Ano bang problema mo? Mukhang inosente ang lalaking iyon. Nawalan na siya ng asawa, kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga sinasabi mo!"
Lumingon naman siya na parang nairita sa sinabi ko. "Pinapangako ko, babalik ako kaagad. Susubukan kong humiram ng pera sa mga kaibigan ko para matulungan kita sa bayarin sa ospital."
Tumayo ako at nagpamewang. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na Mr. Dan ay mabait na tao? Sabihin mo sa akin kung bakit ako dapat magtiwala sa kutob mo?"
"Sorry Sarah, pinagkakatiwalaan ko ang kutob ko. Babantayan ko ang lalaking 'yon at kung lapitan ka niya ulit, baka mata lang niya ang walang latay!"
Lumabas si Kent sa pinto at ramdam na ramdam ko na nagseselos siya kay Mr. Dan. Madalas itong nangyayari sa tuwing nakikipag-usap ako sa ibang mga lalaki.
"Damn it! Ang short-tempered at seloso talaga ng lalaking 'yon. Siguradong ikukulong niya lang ako sa bahay!"
Isasara ko na sana ang pinto nang makita kong naglalakad mag-isa si Mr. Nang magtama ang aming mga mata ay masayang sinalubong niya ako.
"Hello? Kamusta ang tatay mo?" tanong niya.
Ngumiti ako ng pilit para itago ang lungkot sa mukha ko. "Sana po ay maging okay na talaga ang kondisyon ng tatay ko..." Hininaan ko ang boses ko at nagtanong sa kanya. "Tungkol po sa asawa ninyo... kailan ba siya libing?"
Tumingin siya sa paligid at muling ibinaling ang tingin sa akin. "Pwede ba akong pumasok sa loob para makapag-usap tayo ng masinsinan?"
Binuksan ko ang pinto, saka sumagot ng masiglang boses. "Oo naman!"
Pinapasok ko siya at isinara ang pinto. Magkaharap kaming naupo at sumagot siya, "Actually, medyo busy ako ngayon kaya bukas na kaagad siya ililibing!"
Nabigla ako sa narinig ko. Akala ko ay labis siyang nasiraan ng loob na nawalan siya ng asawa.
"You looked surprise, well I am not doing this because I don't love her... I just don't like spending a few days lamenting as my daughter will be traumatized. She is too young to lose a mom. Aside from that, I am really busy taking care of my business. Sana huwag mong husgahan ang biglaang desisyon ko."
Ngumisi ako. "Wag kang mag-alala, hindi naman ako ganoong tao... Still, naniniwala ako na malalampasan mo itong pagsubok ng buhay mo."
Bigla akong niyakap ni Mr. Dan, bagay na labis kong ikinagulat... bagay na hindi ko naramdaman nung niyakap ko si Kent.
"Gusto ko na ring mamatay. Wala na akong mahanap na layunin sa buhay ko!" bulong niya.
“Alam kong mahirap tanggapin ang sakit pero, sa bandang huli, masasanay ka rin. Sa totoo lang, nawalan din ako ng lola maraming taon na ang nakakaraan and yet, sariwa pa rin sa puso ko ang sakit."
Hinarap niya ako at nagtaka. "Bakit parang namumutla ka?" hinawakan niya ang mukha ko. "Ayos ka lang ba?"
Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko sa dibdib ko nang hawakan niya ang mukha ko. There is something with Mr. Dan na nagpapagaan ng pakiramdam ko.
"Well, kung buhay ko ang tinutukoy mo, I guess hindi ako okay!" Sagot ko.
The way he look at me, parang may interes siyang ligawan ako.
"I just realized your jaw-dropping beauty. Kung hindi lang ako kasal ay niligawan na kita, Sarah!"
Namula ang pisngi ko. Hindi ako sigurado kung ano ang naramdaman ko sa sandaling iyon. Gayunpaman, isang bagay ang sigurado: Hindi ako dapat umibig sa isang taong may asawa na. Hindi tama! Iniba ko ang topic bago pa ito lumalim.
"Nga pala, nasaan na ang anak mo? Gusto ko siyang makilala!"
"She is in the house with her yaya. Of course, you are very welcome to visit her once you agree to work for me."
"Well, siguro ay mayroon tamang panahon para makilala ko ang anak mo, Sir Dan. Speaking of the job, nakausap ko na si Kent kanina at..." Isang kasinungalingan ang dumulas sa bibig ko. "Pumayag siyang tanggapin ang trabaho na inaalok mo sa akin."
"Yung lalaking nagalit sakin kanina? Siya ba ang tinutukoy mo?"
"Opo Sir, kahit masungit siyang tingnan, kapag nakasama mo na siya, mapagtatanto mo na mabait siyang tao at masarap pakisamahan!"
"Well, I am a man and I honestly think he was really jealous. Yet, the fact that he agreed to let you work only means that he is really kind and cool. Sana hindi siya makahadlang sa trabaho mo. Sa katunayan, gwapo rin naman siya pero may pagka maangas ang dating niya sa akin."
"So, okay lang bang pag-usapan kung anong uri ng trabaho ang ia-assign mo sa akin, Sir Dan?" Excited na tanong ko.