"Ma'am, nai-deliver na po namin ang mga order. Sabi po ni Sir, p’wede na kami umuwi." Tumango naman ako sa kanya, "Sige, isara niyo na. Ingat sa pag uwi." Nagpasalamat siya sa akin at lumabas na. Mayamaya'y pumasok si Xander na may dalang pagkain. Maaga kaming nagsara ngayon dahil tapos na ang lahat ng orders at para makapagpahinga na rin ang mga tauhan dito. "Kumain ka muna. Bawal ka magpalipas. Pagkatapos, ihahatid na kita pauwi," aniya. Inilapag niya sa harapan ko ang pagkain. Alam na ni Xander na buntis ako. Kaya naman sinisiguro niya na kumakain ako sa tamang oras. Gusto nga niya na nasa bahay lang ako pero ako 'tong mapilit na gustong tumulong sa shop. "Huwag mo na ako ihatid. Kaya ko naman umuwi. Sunduin mo na si Lily. Kailangan ka niya," sabi ko sa kanya nang matapos ako kumai

