"I'm sorry..." napayuko ako at hindi na napigilan ang aking luha. Mayamaya'y gumalaw ang kanyang daliri kaya nag angat ako ng tingin. "Van? Kumusta ang pakiramdam mo?" Hindi niya ako sinagot, humigpit lang ang kapit niya sa aking kamay. "Magpahinga ka na muna," sabi ko dahil mukhang hindi pa maayos ang kanyang pakiramdam. Nagpaalam na si Samantha sa akin. Kailangan niya umuwi dahil may trabaho pa siya bukas. Si Xander naman ay kailangan ni Lily. Babalik na lang daw siya pagkatapos ng trabaho. Ilang oras ang lumipas bago nagising si Van. Nakabili na ako ng pagkain at nakahanda na rin ang kanyang gamot. Inalalayan ko siya makaupo. Kinuha ko ang lugaw at inabot sa kanya. "Kaya mo na ba kumain mag isa?" Umiling siya at pumikit. Kinuha ko iyon para ako na ang magpakain sa kanya. Nakaka

