Napangiti ako nang makita ang maamong mukha ni Van na mahimbing pang natutulog. Malapit na siyang mahulog sa kama dahil sa pwesto niya. Masyado na kasi siyang nasa gilid para bigyan ako ng espasyo. Nakatagilid kasi ako matulog at malaki ang tiyan ko kaya nasisiksik na siya sa gilid. "Baby, nagugutom ako," sabi ko habang sinusundot sundot ang pisngi niya. "Hmm..." dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. "Good morning," bati ko at ngumiti. "Good morning, baby. Gutom ka na?" tanong niya sa akin. "Oo. Bangon ka na," sagot ko sa kanya. "Sige, mag hahanda na ako ng breakfast mo. Mag shower ka na muna," aniya at bumangon na. Tinulungan naman niya akong makabangon. Nakaalalay siya sa akin. "Gusto mo bang samahan kita sa banyo? Baka kasi mahirapan ka eh," sabi niya sa akin. "Hindi

