Umakyat ako sa kwarto para puntahan si Van. Kanina ko pa siya tinawag ngunit hindi pa rin bumababa. Hindi ko alam kung may problema ba o may iniisip lang siya. Pansin ko kasi na hindi siya mapakali nitong mga nagdaang araw. Kapag tinatanong ko naman kung ano ang problema ay ngingiti lang siya sa akin. Nag aalala na rin tuloy ako para sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto'y nakita kong may kausap siya sa cellphone. Ayoko sana makinig dahil mukhang personal iyon ngunit hindi ko kasi mapigilan ang sarili. "Huwag ka na tumawag ulit. Pupuntahan na lang kita at pag uusapan natin diyan. Please, tumigil ka na muna. Saka na tayo mag usap," rinig kong sabi ni Van. Sino naman kaya 'yon? "Van? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ako. "B-baby! Kanina ka pa ba

