The Ghost Of You 2

2012 Words
MIA Sakay ng red Mustang bumyahe kami papunta ng Arizona Resort. Isang oras din ang tinagal ng byahe namin. "We're here." Hindi ko siya pinansin. Pagkahinto ng sasakyan kaagad akong bumaba. Iginala ko ang paningin sa buong paligid. The ambiance looks refreshing, relaxing and mesmerizing. Nawala bigla ang init ng ulo ko. Nakangiting itinaas ko ang dalawang kamay sa ere at nakapikit ang mga matang nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. "What a wonderful place." I murmured. Pagmulat ko nakatayo sa harapan ko si. . . nilingon ang kotse pero wala doon si Sir Chad. Muli kong hinarap ang lalaking nakapamewang at salubong ang mga kilay. "Who are you?" "Mr. Brown." boses ni Sir Chad pero iba ang mukha. How does that happen? "Baka nakakalimutan mong naparito tayo para magtrabaho hindi para magbakasyon, Miamor." "O-Ofcourse I never forget that, Amore." matamis ko siyang nginitian sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Niliyad ko ang aking dibdib at nag-beautiful eyes sa kanya. Hinaluan ko din ng landi ang boses ko. "May chewing gum ka ba diyan, baby?" Sunod-sunod siyang napaubo. "Ano naman ang kailangan mo sa chewing gum?" "Oh--wala ka no'n?" Nagpalinga-linga ako sa paligid. I saw two foreign guy accompanied with two young filipina girl. Kung maikli yung suot ko mas maikli ang suot nila. Kita ang pusod at nangingitim na kuyukot. Napangiwi ako ng irapan ako no'ng isang babae sabay hatak sa ka-partner nito na ang mga mata nakatutok sa akin, kinindatan pa ako ng afam. Exaggerate naman akong napahawak sa aking dibdib sabay iwas ng tingin. Pagbaling ko sa kabila may grupo ng afam at filipino na mga binata. Naging puso ang mga mata ko. Muntik ng malaglag ang panty ko sa mga adonis na nagtatawanan papunta sa gawi namin. Wala sa sariling inayos ko ang suot ko, ilang ulit pa akong tumikhim. "Don't tell me sa kanila ka hihingi ng t'ngnang chewing gum na yan?" "Watch me." kinindatan ko pa siya saka naglakad papunta sa grupo. "Excuse me!" agaw ko sa pansin nila. Nagtagumpay naman ako dahil huminto sila at napatutok ang mga mata sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng pasadahan nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik pa. "Wow! Chicks pare." ani ng isang bida-bida na nakatawang lumapit sa akin. He got an army haircut, mamula-mula ang balat, pamatay ang muscles sa katawan. Mukha siyang Filipino at saksakan ng gwapo. "Yes, Binibining maganda? Wanna join with us?" Maarte akong tumawa kahit nilulukuban na ako ng subrang hiya at kaba. "Oh I loved to but. . . may extra chewing gum ka ba diyan pogi? Naubusan kasi ako e." Tumawa ang lalaki pati ang mga kasama nito sabay dukot sa kanyang bulsa. Binigay sa akin ang isang pellet ng doublemint gum. Wala pang bawas. Inabot ko iyon pero mabilis nitong hinawakan ang kamay ko, dinala sa kanyang labi at hinalikan. "Woooo," Nagkantiyawan ang mga kasamahan nito. "I'm Seb. What's your name, Mademoiselle?" "Kitty--" "She's mine." sabad ng mapanganib na boses at basta na lang hinablot ang kamay kong hawak ni Seb saka kinaladkad palayo sa mga ito. Tinawag ako ni Seb. Nilingon ko ito at nakangiting kinawayan. "Nice meeting you, Seb! Thanks for this--aww! Ano ba?!" angil ko kay Sir Chad ng akbayan ako nito, kung akbay pa ba 'tong ginagawa niya. Para niya na akong sinasakal. "Let me go--" "Umayos ka." banta niya saka binilisan lalo ang paghakbang. Nahirapan ako sa paghabol sa kanya. Ang hahaba ba naman ng mga biyas. Isang hakbang niya tatlo yata sa akin. Hinihingal ako. Pagdating sa unahan nakawala ako sa kanya sa pagpupumiglas ko pero 'di niya binitawan ang kamay ko. Hinarap niya ako saka sapilitang kinuha sa kamay ko ang binigay sa akin ni Seb na doublemint gum. "Problema mo?" Nginisian niya ako saka itinaas ang kamay kong hawak niya. Napatingin ako sa nilagay niya sa ibabaw ng palad ko. "Here's your chewing gum. It suits you better, Miamor." "Juicy fruit?" "Uhuh," may dinukot pa siya sa kanyang bulsa saka nilagay ulit sa ibabaw ng palad ko. "Or baka mas bet mo yang JUDGE? Meron pa akong icool at VFresh--" "Ang cheap mo," ani ko pero kinuha ko pa rin iyon. "Meron ka naman pala ba't pinahirapan mo pa ako." Padaskol kong binuksan ang chewing gum na bigay niya saka nilagay sa loob ng purse yung iba. Naiinis kong nginuya-nguya yung chewing gum sa loob ng bibig ko habang nakatitig sa kanyang shet na mukha. "Anong gagawin ko pagkakita kay Amadeo De Luca? Kakandong ba ako agad?" Hindi ko inaasahan na pagtatawanan niya ako sa sinabi ko. Pagigil pang pinisil ang pisngi ko. Kaagad ko naman iyon tinabig. "Spill out now your damn instructions Mr. Brown or whoever you are. Tumatakbo ang oras. And FYI napakahalaga ng bawat segundo sa akin." "You amazed me Kitty," aniya sa pangalan na sinabi ko kay Seb. Iba na rin ang boses niya. "Hindi ko akalain na ganun kabilis ng transformation mo. From naive, prim and proper Miss Marquez to wild hello kitty." "Pwede ba?" I sighed then roll my eyes. "Ano na?" untag ko ng patuloy niya lang akong tinititigan. "Ano ba talaga ang ipapagawa mo sa akin? Tsaka akala ko ba bar ang pupuntahan natin e ba't nandito tayo sa Arizona Resort?" Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. Sumeryoso ang mukha. Mariin akong tinitigan. "Ang gagawin mo is. . . aakitin mo si Mr. De Luca." aniya sabay abot ng black sunglasses sa akin. "Kailangan magustuhan ka niya." Kinuha ko iyon at agad isinuot. "Yun lang?" "Yun lang." ulit niya. "Ako ng bahala sa iba." "Triple ang isasahod mo sa akin tapos yun lang ang gagawin ko? Pinaglululuko mo ba ako Mr. Del Valle?" "Bakit, ayaw mo ba?" "G-Gusto--" "Call me Mr. Brown." "Ok, Mr--" "Iluwa mo na yang chewing gum mo. Para kang kambing." Tinalikuran niya ako. Humabol naman ako sa kanya. "Diba ganito naman talaga ang galawan ng mga pick up girl?" "Pick up girl na ano?" "Hindi mo alam e ginawa mo na nga akong isa sa kanila?" "Don't tell the truth if Mr. De Luca ask about yourself, mag-imbento ka." pag-iiba niya ng usapan. May nilapitan siyang dalawang lalaki sa magkaibang cottage. Saglit nag-usap saka muli din umalis. Nakasunod lang ako sa kanya. Ang bilis ng lakad niya. Kung saan-saan pa sumusuot. Habang naglalakad busy siya sa kanyang cellphone. May ilang tinawagan at mabilis ang mga daliri na nagpipindot sa screen no'n. Sinisilip ko kung ano ang tina-type niya kaya ng bigla siyang huminto nangudngud ako sa kanya. "What are you doing?" Pinagsalikop ko ang aking mga braso, patay malisyang umiwas ng tingin at lumayo sa kanya. "Anong itsura ni Mr. De Luca?" "Ayun siya," turo niya sa kanang gawi ko. Sinundan ko naman iyon ng tingin. I saw a couple of girls near in the pool. Wearing on their skimpy bikini. Nagtatampisaw yun iba, may nag-iinuman. Some were flirting with the guy sitting in an in-pool lounger chair with a goblet on his left hand. Humahalakhak habang hawak ng kanang kamay ang cellphone na nasa tainga. May ilang kalalakihan na nakatayo 'di kalayuan, pare-pareho ang suot na damit. Looks like a bodyguard. I gulped when he turned his gaze in our way. Nakangiting kumaway ito. Paglingon ko kay Sir Chad, nakataas ang kanang braso niya kumakaway pabalik sa lalaki. "That's Amadeo De Luca." Oh gosh. . ! "S-Siya?" tila robot na muli ko iyon tinanaw. "Ba't 'di mo sinabi agad na b-bata pa pala siya? Ang akala ko nasa mid sixties or seventies na." "Does it matter?" Hinapit niya ako sa aking bewang at iginiya papunta sa kinaroroonan ng lalaking yun. "He's in fourties. Nakaya mong makipaglandian doon sa grupo ng mga kalalakihan kanina so it means sisiw lang 'to sayo. Mag-isa lang si Mr. De Luca but. . . matinik yan so be careful baka matusok ka." T'ngna! Habang palapit kami ng palapit sa lalaki palakas naman ng palakas ang kalabog ng dibdib ko. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Parang hindi ko na kayang ihakbang pa ang aking mga paa. "You're trembling Kitty." aniya. "Relax. Kapag pumalpak ka wala kang sasahurin ngayon at tanggal ka na sa trabaho. Pati mga kapatid mo ipo-pull out ko sa school na pinapasukan nila ngayon." Shet! Hindi pa nga ako nagsisimula tanggal na agad? Ba't ba ang malas ko ngayon? "Mr. Brown!" nakangiting sinalubong kami ng lalaki. Lalong lumapad ang ngisi nito ng mapadako ang tingin sa akin. Pinasadahan pa ang kabuuan ko. He even licked his damn lips while staring at me from head to toe. "I'm glad you came. Akala ko iindyanin mo na ako." anito pero sa akin pa rin nakatingin. Sir Chad chuckled. "May isang salita ako Mr. De Luca. The last time I checked; wala pa akong binibitawan na pangako na 'di ko tinutupad." tumawa ang lalaki. "Anyways, meet Kitty." niyuko niya ako. "Kitty, siya si Mr. Amadeo De Luca. One of the successful businessman in Asia." "Oh wow! Businessman," matamis ko itong nginitian. Tinanggal ko ang suot na shades at inilipat sa ibabaw ng aking ulo saka maarteng kinawayan ito gamit ang mga daliri. "Hi Deo," Natigilan ito ng mabistahan ang mukha ko. Bumagsik ang mukha pero saglit lang kaagad din itong ngumiti. Tinungga nito ang alak na hawak saka tinawag ang tauhan na kaagad naman lumapit. Nanatili pa rin ang kanyang mga mata sa akin habang nagsasalita. "Tell the chef to cook for us the best food they've ever had or their specialty. Good for three. Make it fast. And bring us a bottle of wine that I reserved this morning." "Yes Master." nakayukod na sagot ng lalaki sabay talikod. "Come, join me in my cottage, Mr. Brown, Kitty." Iginiya ako ni Sir Chad pasunod dito. Malayo-layo din ang nilakad namin. Pagdating sa destinasyon napanganga ako sa ganda ng view. Ang daming afam! Humakbang papunta sa isang floating cottage si Mr. De Luca. Pagkasampa doon nakangiting nilingon kami nito. "I prepared this special meeting, Mr. Brown. I hope you will like it." "Oh wow sure, Mr. De Luca. Hindi naman ako mahirap e please." binalingan niya ako. "Ladies first." Humakbang ako papunta kay Mr. De Luca. Nakasunod ang matalim at nagniningning nitong mga mata sa bawat paghakbang ko palapit sa kanya. Sa subrang tensyon na nararamdaman ko na out balance ako. "Ayyy!" "Kitty!" Buti mabilis ang reflexes ni Mr. De Luca at kaagad akong nasalo. Swerte dahil bumagsak ako sa kanyang mabalahibong dibdib hindi sa dagat. Nakakapit ako sa kanyang damit. Muntik pang mangungud ang mukha ko sa kanyang mga labi ng bahagyang gumiwang ang floating cottage. Subrang higpit ng pagkakahapit niya sa aking bewang. "You ok?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagtama ang mata naming dalawa. His jaw dropped while staring at my face. Matamis ko siyang nginitian sabay kapit sa kanyang balikat. Sinadya ko ding idiin ang dibdib ko sa kanyang dibdib. Bumaba ang kanyang mga mata sa boobs kong litaw ang cleavage. Sunod-sunod itong napalunok. "Thank you, Deo. You're my knight in shinning armour. You save me from falling. You didn't let me to get... WET." I saw his adams apple moved again at my last words. I mentally grin. "You. . . you looked familiar. Nagkita na ba tayo noon?" "NO." I sweetly smile at him. Kinalas ko ang braso niyang nakapalibot pa rin sa bewang ko saka pinisil ang matangos niyang ilong. "You're very handsome in my eyes. Kung sakaling nagkita man tayo noon I'm sure hinding-hindi kita makakalimutan Deo." "Yeah, right. Me too." he chuckled. Inabot ang kamay ko saka matunog na hinalikan ang likod niyon. "You look like a living barbie doll, Mademoiselle." lumapas ang tingin niya sa likod ko. "You really know my taste when it comes to women, Mr. Brown. You exceed my expectations." Tumawa si Sir Chad. "I told you, I'm an expert. Hindi ka malulugi sa ibinayad mo sa akin, Mr. De Luca." "Will give you the full payment then. Pipirmahan ko na rin yung business proposal mo." "Very pleased to hear that, Mr. De Luca." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD