The Ghost Of You 3

2653 Words
HINDI MALULUGI. IBINAYAD. FULL PAYMENT. BUSINESS PROPOSAL. Ano 'to? Kinalakal ako ni Sir Chad? Hindi sasapat ang salitang gulat sa narinig kong palitan na salita nilang dalawa. But Sir Chad dangerous voice echoed in my head. Baka kasama 'to sa palabas? Hindi niya ako pagbabantaan kung hindi. T'ngna.. Hindi ako prepared! Bigla kong naalala yung red lipstick na binigay niya sa akin doon sa loob ng kompanya. So. . . kaya may tranquilizer yun dahil mapapasabak ako today? Peste siya! I swear makakapatay akong tao kapag pwenersa ako ng De Luca na 'to. "Kitty?" boses ni Deo. "H-Ha?" Napatingin ako sa kamay nitong nakahawak na sa likod ng bewang ko saka nag-angat ng tingin sa kanya. Tinuro nito ang upuan. Matamis ko itong nginitian at kaagad tumalima ng igiya ako nito papunta doon. Hindi na ako nagulat ng tumabi ito sa akin. As in dikit na dikit. Bumagsak pa ang kamay sa ibabaw ng hita ko. I glared Sir Chad with my dagger eyes nang makita kong nakatingin din siya doon. Nakaupo siya sa kabilang panig, paharap saamin. Malamang nasilip niya yung suot kong bikining pula. Damn him! I crossed my legs right away. Nakita kong tumaas ang gilid ng kanyang nga labi sa ginawa ko. "Breathtakingly beautiful," aniya saka iginala ang paningin sa buong paligid. "I loved this place." Dumating ang tatlong waiter. May bitbit na appetizer yung dalawa, yung isa may dalang tatlong goblet at bote ng alak. Inilapag iyon sa gitna ng mesa. Si Deo na nagsalin ng alak sa bawat goblet pagkaalis ng tatlo. "Yeah. That's why I choose this resort instead. Naalala kong sinabi mo sa akin dati na may sentimental attachment sayo ang mga beach." nilingon ako ni Deo. "How about you sweetheart?" "Oh me?" maarteng tinuro ko pa ang sarili saka iginala ang mga mata sa paligid. "I feel at home talaga pag nasa tabing dagat ako. Feeling ko kasi dati akong serena." Parehong natigilan ang dalawa sa sinabi ko, napamaang pa sa akin. Deo blink back twice his eyes then laughed. Si Sir Chad umubo sabay dampot ng goblet at sumimsim doon. Kita ko ang sinusupil niyang ngisi sa mga labi. "Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" "Mermaid is not just only the creatures living in the ocean." wika ni Sir Chad. "Remember; their's a seahorse too." "Anong sinabi mo?!" "Meron ding s**o at balyena" sabad ni Deo. "Pati ba naman ikaw?" "Oh I loved your sense of humor my sweet Kitty." sabay ng napahagalpak ng tawa ang dalawa. Inirapan ko silang dalawa. May sentimental attachment din naman sa akin yung dagat kaya yun ang nasabi ko. Beach is part of my childhood that I never forget. It may seems impossible but I'm still hoping that one day or somehow we've cross our path. Magkikita ulit kaming dalawa ng kababata ko at nararamdaman kong tutuparin niya ang pangako niya sa akin. Dumating yung lalaking inutusan ni Deo kanina. May binigay dito na magkaibang size na brown envelop. Subrang taba no'ng maliit. I wonder kung ano ang laman. Nilabas nito ang mga papeles sa loob ng malaking envelop. Inabot ang ballpen na bigay no'ng lalaki saka pinirmahan iyon lahat. Pagkatapos ibinalik din sa loob ng envelop lahat. Umalis ang lalaki. Nakangiting inusod naman ni Deo iyon lahat kay Sir Chad. "Thanks for bringing her here with me, Mr. Brown. I think..." nilingon ako nito. "...I think I'm in love with Kitty." "Oh. . . you're so fast, Deo." bulalas ko. Nilapit nito ang mukha sa akin. Naduling ako bigla. He grin. "Mabilis talaga ako, Kitty. But for you, dadahan-dahanin ko. I want to savour every inch of you." anas nito sabay amoy sa leeg ko. Naramdaman kong pumisil ang kanyang kamay sa aking hita. Linukuban ako ng kakaibang kilabot sa katawan. Inabot ko yung stick kung saan nakatusok sa salami and cheese skewers appetizer. "Deo..?" "Yes, sweetheart?" he huskily whispered. Hinawakan ko ng kabilang kamay ang mukha niya at ipinaling paharap sa mesa. "Say ahh," Tiningnan nito ang iniumang ko sa kanya sabay nganga. Parang gusto kong itusok yung toothpick sa kanyang ngala-ngala. Kainis. Kailan ba 'to matatapos? Subrang aga pa. Baka 'di ko matagalan ang papisil-pisil at himas-himas ng damuhong na 'to at masapak ko ito ng wala sa oras. But... Sinulyapan ko si Sir Chad. Nagbabanta ang kanyang mga mata. I'm dead. Double dead! Kumuha akong panibagong salami and cheese skewers isinubo sa aking bibig. Hindi ko gusto yung lasa no'ng olives kaya bigla kong natungga yung laman na alak sa goblet. Lalo akong napangiwi. "Why the wacky face?" "Am I?" "Yea, parang nakainom ka ng suka. Hindi mo ba gusto yang alak at appetizer?" "Oh its delizioso, bebe." maarteng sabi ko pa pero ang totoo parang gusto ko ng ibuga sa kanyang mukha ang nasa loob ng bibig ko kanina. Ang pait! Kaso tiyak maaaward ako kay Sir Chad kaya nilunok ko na lang lahat. "And the wine," hinalikan ko ang dulo ng aking mga daliri. "...superb." Deo chuckled then took his goblet. Napakislot ako ng muling humaplos ang kanyang palad sa hita ko. Binalingan nito si Sir Chad. "Stag party mamaya ng pamangkin ko. Ipapasara ko yung Eclipse Nightclub. Doon ang venue. Baka gusto mong sumama." "I loved to," wika ni Sir Chad sabay dampot ng smoked salmon and cream cheese cucumber bites. Nakatingin siya sa ibang dereksyon habang ngumunguya. Sinundan ko ang tinitingnan niya. I saw a sexy girl. Nasa kabilang floating cottage. Nakatingin din ito kay Sir Chad habang sumisimsim sa hawak na margarita cocktail. Halos lumuwa na ang hinaharap sa pagkakadungaw. Nagsalubong ang mga kilay ko ng dilaan ng babae ang rim ng margarita glass. Alam kong may asin iyon at parte ng iniinom ng babae but the way she licked the rim of glass while holding gaze with Sir Chad seems like she's seducing him. Nakita kong ngumisi si Sir Chad. Then took another bites. "Besides matagal-tagal na rin akong hindi nakakapag-unwind. Tiyak maraming chickabes doon." Muling tumawa si Deo. "Ofcourse. That's gonna be a big night. Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko. And ofcourse to a young and hot babes. You can choose who ever you want." "Great! This gonna be fun. I'm excited." "I'm excited too with my Kitty," Akmang hahalikan ako nito ng dumating ang tatlong lalaki. Kinuha ang mga nasa mesa maliban sa mga goblet at bote ng alak saka umalis. Napausal ako bigla ng pasasalamat sa isip pero kaagad iyon napalitan ng dasal ng hapitin ni Deo ang bewang ko palapit sa kanya. Alanganin akong kumapit sa kanyang balikat. Matamis itong nginitian at pagigil na pinisil ang ilong. "I loved your nose." "I liked your lips. It looks sensual and I wonder how it taste like." Maarte akong tumawa. Inis na sinulyapan ko si Sir Chad. Nakatanaw pa rin siya doon sa babaeng may kaharutan ng ibang lalaki. T'ngna niya. Sabi niya siya ang bahala pero ngayon ano 'tong ginagawa niya?! Ako ang kawawa sa Amadeo De Luca na 'to. Kasama ba yung loving-loving sa trabaho ko--peste. Hindi ko kayang makipaghalikan sa lalaking 'to! "Alam mo Darling," ipinatong ko ang chin ko sa balikat nito. Gahibla na lang mahahalikan na ako nito pero kailangan kong galingan umarte. Kapag pumalpak ako, yari. "Someone told me that my lips is like a poison. Kaya 'wag mo ng tikman. Sige ka, gusto mo bang matigok ng hindi man lang muna natitikman ang langit? Mas titirik ang mga mata do'n, swear!" "Talaga?" he chuckled again. "Ilang taon ka na, Kitty?" "Ha? Am twenty." ofcourse that was a lie. I'm twenty three. Pero syempre bawal at kailangan ko daw mag-imbento ng talambuhay ko. "Twenty?" ulit nito. "Yep." "You look like sixteen to me. Sweet sixteen. How about your real name?" "Kailangan mo pa ba talagang malaman yun, il mio cavaliere?" "Not necessary but I just want to know you better, sweetie." "Kitt Tanya Villania. That's my real name." "Your name really suits you. But I'm still confused. You really looked like my sunshine." "Sunshine? Your. . . girlfriend?" Muling dumating ang tatlo ulit na waiter. May kanya-kanyang bitbit na pagkain sa magkabilaan na kamay. May seafood, beef steak at vegies. Natakam ako sa naglalakihang lobster at crabs. Pagkatapos maiayos ang lahat ng iyon sa ibabaw ng mesa muli ding umalis ang mga ito. "Lets eat," wika ni Deo. Nagulat ako ng lagyan nito ng pagkain ang plato ko. Ang ginawa ko nilagyan ko naman ang plato nito na ikinalapad ng ngiti nito. "How thoughtful of you. Parang nagdadalawang isip tuloy akong ipahiram ka sa pamangkin ko." nabitawan ko ang serving spoon sa sinabi nito. "Something wrong?" "Uhm--wala naman." muli kong dinampot ang serving spoon at pinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa plato nito. "Mas gwapo ba yang pamangkin mo sayo, Deo?" "Mas expert ako sa kanya, sweetheart." Napa-O shape ang labi ko. "I can't wait to experience your expertise, Darling. Mapapasigaw kaya ako niyan?" Sabay kaming napabaling ng sunod-sunod na napaubo si Sir Chad. Kitang-kita kong dumaan yung ininom niyang alak sa kanyang ilong. Gusto kong mapahagalpak ng tawa pero todo pigil ako sa aking sarili. Tumayo siya sabay takbo 'di kalayuan at doon pinagpatuloy ang pag-ubo. "What's wrong with him?" Tinuro ko kay Deo ang plato ni Sir Chad. "Baka 'di niya kinaya yung hot sauce," sinulyapan ko yung babaeng nagpapapansin sa kanya kanina na may kalaplapan ng iba. "...or baka naman 'di niya na take yung hot view." "Hot view?" "Ahh--don't mind him. Nasamid lang siya. Lets eat." binalingan ko ang plato ko saka nagsimulang kumain. Hinintay nitong makabalik si Sir Chad sa mesa bago nagsimulang kumain. Deep inside nahiya ako do'n but who cares? Nandito ako para landiin 'to hindi para paibigin sa akin. "You ok, Mr. Brown?" "Yea, nasamid lang ako." aniya saka naupong muli at pinagpatuloy ang pagkain. "Uhm--Deo?" "Yes, sweetheart?" "Sino si Sunshine?" "Sunshine who?" "You said kanina kamukha ko yung Sunshine mo. Sabihin mo na ngayon habang maaga pa kung may asawa ka. Mamaya niyan biglang sumugod dito, ibalibag ako sa dagat." Ngumiti ito saka umiling. "I'm divorce with my filipina ex-wife. Don't have any girlfriends nor lover. I'm all yours sweetie. And about that Sunshine,"muli itong umiling. Umigting din ang panga. "That b***h insulted me to the bones." "Oh... really? She's bad. Truly a b***h. Nagawa niya yun sayo?" "Unfortunately yes but just forget about her. Hindi naman ikaw yun diba?" Bigla akong nasamid sa sinabi nito sabay tawa. "Why? Kasing hot ko ba siya Deo para ipagkamali mo ako kay Sunshine?" "You two got similar eyes." "Oh--meaning she got puppy eyes too like mine?" I blinked my eyes many times. Nagpa-cute ako sa kanya. "Kasing sarap ko din kaya siya?" "Will know later." "Bakit natikman mo na ba siya?" "Siya hindi pa but YOU. . . sure will." ___ PAGKATAPOS kumain naglakad-lakad kami sa dalampasigan. Nagkwentuhan ang dalawa about business. Wala akong alam kaya tahimik lang ako sa tabi ni Deo. Nakaakbay ito sa akin. Habang tumatakbo ang oras lalo akong sinasalakay ng kaba at takot. Hindi ko alam kung tama ba yung ginagawa kong pang-aakit or sumubra yata ako. Dumoble yung kaba at takot ko ng magpaalam na si Sir Chad. Bigla akong nag-panic pero ang nagbabantang tingin na pinupukol niya sa akin ang nagpapatigil sa akin. But it never calmed my nerve! Anong balak niya? Sumama ako kay Mr. De Luca? Iiwanan niya akong mag-isa? "So pa'no? Kita na lang tayo mamaya sa Eclipse Nightclub. 7pm. Sharp." "Sure. But... may alam ka bang mas malapit na hotel sa club na yun na pwede akong magcheck in for the whole night?" "Oh... you don't have a place to stay yet?" "To be honest, wala. I planned to travel back to Manila after this contract signing with you and your invitation is quiet unexpected. So," he shrugged his shoulder. "I'm not prepared. But maybe you have something to recommend to me." "No worry its on me." Dinukot nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Saglit lang iyon saka nginitian si Sir Chad. "Will drop you off with my chauffeur in La-Shangri---" napatigil ito ng biglang tumunog ang hawak na aparato. Nagsalubong ang mga kilay. "Excuse me. Will take this call." sabay talikod saamin. Nilingon ko si Sir Chad. He wink at me. Inirapan ko naman siya sabay iwas ng tingin. Maya-maya nagmamadaling bumalik saamin si Deo. "May problema ba?" salubong ko sa kanya. "Yeah--emergency. Uhm," nagpalipat-lipat ang tingin nito saaming dalawa. "Pasensya na pero baka pwedeng ipasabay ko na lang sayo si Kitty, Mr. Brown? May mag-aasekaso naman sainyo pagdating doon sa Hotel--" "Its fine with me." agap ni Sir Chad. "Thank you so much." sinundan namin ang tinuro nito. "That my chauffeur. Siya na ang bahala sa inyo. See you in the club later." nagulat ako ng bigla akong hinapit ni Deo at siniil ng halik sa labi. "Wait for me in my room, my Kitty." sabay layas. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Awang ang mga labi. Wala sa sariling nasundan ko na lamang ito ng tingin. Nahimasmasan lang ako sabay kurap-kurap ng bumalandra sa harapan ko ang mukha ni Sir Chad. "Bunganga mo baka mapasukan yan ng langaw. First time mo bang ma-kiss? Nakanganga ka pa talaga or baka naman gusto mo ng aftershock kiss mula sa akin?" Umasim ang mukha ko. Malakas ko siyang binatukan sa ulo pero nasangga niya iyon. "Walang hiya ka, ba't mo ako ibenenta ha?!" Nakatawang tinalikuran niya lang ako. Hinabol ko siya. Pinagsusuntok sa kanyang likod. "Uuwi na ako!" "Your job not done yet, Miamor." "Ayoko! Ayoko na! Hindi ako handa sa mangyayari saamin ni Deo!" Madilim ang mukhang hinarap niya ako. "At sino naman may sabing may mangyayari sa inyong dalawa? I told you to seduce him. Pero hindi ko sinabing tumalon ka sa kama niya." Hinatak niya ako sa aking braso at kinaladkad papunta sa kinaroroonan ng lalaking tauhan ni Deo na nakatanaw saamin. "Mr. De Luca said--" "I know. He instructed me already." agap nito. "Get in the car. Will take you in Hotel." Naupo kami sa backseat. Makalipas ang matulin na oras ipinarada ng chauffeur sa harapan ng Hotel ang sasakyan. May sumalubong saamin na dalawa pang lalaki. Pinagbuksan kami ng pinto ng kotse. Yumukod ang mga ito. "Welcome to La-Shangri Royale Hotel and Casino Cebu. Miss Kitty, Mr. Brown. This way please." Sumunod kami sa mga ito. Pati yung dalawang guwardiya sa entrada yumukod din pagdaan namin. Maraming tao sa Lobby. Halos magkakapareha. Nasa kalagitnaan na kami no'n, iwan kung saan patungo nang may makasalubong kaming grupo ng mga kababaihan. Nagtatawanan ang mga ito, naghaharutan. Pero kita ko yung bilis ng kamay no'ng isa sa kanila. May kinuha sa bulsa no'ng lalaking mukhang negosyante na palabas ng hotel sabay bangga kay Sir Chad at may nilusot sa bulsa niya. Napakunot-noo ako sa aking nakita pero hindi ako nag-react. "Ops--Sorry." wika no'ng babae. "Careful." sabi ni Sir Chad saka nilampasan ito. "s**t ang pogi." "Ang hot niya." "May kasama na siyang bebot. Kalimutan niyo na yan." Narinig ko pang sabi nila bago kami pumasok ng elevator. Pagdating sa fourth floor lumabas na ng lift si Sir Chad at isang tauhan. Kami dumeritso pa sa tenth floor. ___ PASADO ALA SINGKO may kumatok sa labas ng kwarto. Pagbukas ko dalawang babae ang nabungaran kong nakatayo doon. "Kitty, right?" "Ako nga." Nakangiting pumasok ang mga ito sa loob. May kanya-kanyang bitbit. Hindi na ako nagprotesta pa ng ayusan nila ako. Utos daw ni Mr. De Luca. Pinagpalit din ako ng damit. Kung kanina asiwang-asiwa ako sa suot ko mas malala ngayon. Naka orange sexy lingerie front closure babydoll lace V neck ako. Dinaig ko pa ang bagong kasal at makikipag-honeymoon sa itsura ko. Pagkatapos lumabas na ang dalawa. Pinagpawisan na ako ng malapot. Gusto kong tawagan si Sir Chad pero wala naman akong number niya. Nagpapabalik-balik ako ng lakad sa loob ng biglang bumukas ang pinto. Pumasok si. . . Deo. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD