The Ghost Of You 11

2435 Words
KINUHA niya iyon at muling isinuot sa daliri ko. "It's yours and for your safety. May hidden cam 'to at GPS kaya wag na wag mong tatanggalin sa daliri mo." Tinitigan ko iyon. Kasyang-kasya sa daliri ko at napakaganda sa aking paningin. Bagay sa kamay ko pero. . . "Hindi pala 'to engagement ring?" "Bakit gusto mo bang ma-engaged sa akin?" Umiling ako. "OO." "Oo tapos umiiling ka?" tinalikuran ko siya pero mabilis niyang hinuli ang mukha ko at pinihit paharap sa kanya. He even caress my cheek with his thumb. "Tell me, do you want me to be your husband?" "NO," it came out in my lips so softly. Halos hindi ko nga marinig sa subrang hina. Nilamon sa lakas ng kalampag ng dibdib ko at ugong ng chopper. Parang may maliliit na aspiling tumutusok doon saying YES to him pero alam kong mali ang umibig sa kanya at walang katugon ang umuusbong na nararamdaman ko kaya muli akong umiling. "Rule number one; NEVER fall for you." I saw his adams apple moved. Binitawan niya ang mukha ko. Tumikhim at umayos ng upo. Tumingin siya sa unahan. "You said... you were engaged with your long time boyfriend named Liam. Who is he--I mean where is he? Bakit never kong nakitang kasama mo?" sinulyapan niya ang kamay ko. "Never ko rin nakitang may suot yang daliri mo ng kahit anong klasing singsing." "Why do you asked?" "I'm just. . ." nagkibit-balikat siya. "Just curious. That's all." "Rule number four Mr. Del Valle; walang pakialamanan ng personal na buhay." He sighed. "Fine. But what about Mr. De Luca, magkakilala ba kayong dalawa?" "Sasagutin ko lang yang tanong mo kung sasagutin mo rin ang tanong ko, magkakilala ba kayo ng kababata kong si Mcdo?" "Mcdo," he chuckled. "His nickname really suit him." "Magkakilala ba kayong dalawa?" ulit ko. "Yes. I know him. . . VERY WELL. Ikaw... gaano mo ba siya kakilala?" Umayos ako ng upo. "Kilala ko din si Mr. De Luca--I mean yung mukha niya kilala ko pero ibang pangalan ang gamit niya hindi Amadeo De Luca kundi Liam." "Liam... really sounds familiar to me." aniya. "Saan mo nakilala si De Luca?" "Dating site." "What?" then laughed. "Ako yung babaeng tinutukoy niya sayo pero never akong nag-ask ng pera sa hayop na yun kahit tanungin mo pa si Eli. At mas lalong never akong nag send ng nude photos sa kanya. Binabaliktad niya ako. Siya yung bastos na g-go na kahit gi-block ko na ng paulit-ulit gumagawa pa rin ng bagong account at pinepeste ako. So I ended up deleting my account." Lalo siyang napahalakhak sa sinabi ko. Inis ko siyang hinampas sa balikat. "Nakakabwesit ka." "Naghahanap ka ba ng afam na may jumbo--" "Ofcourse not!" "O so anong ginagawa mo sa dating site na yun kung hindi?" "Well, it's Eli's idea!" "O ba't ka nagagalit e nagtatanong lang naman ako?" halos mawala na ang kanyang mga mata sa laki ng ngiti niya sa akin. "Masyado kang defensive." "Nakakainis ka kasi e." sabay irap. "Now I understand where did he get those girls. Diyan mismo sa dating site na sinasabi mo." "What do you mean?" "Sabi nong mga babaeng biktima ni De Luca, he offered them a sum of money para makipagkita. He used a different names to his victim but same profile picture." "Animal talaga." "By the way, he's dead." "What?" "Patay ng natagpuan sa loob ng banyo sa selda." "Jesus Christ..." LUMAPAG ang chopper mismo sa rooftop helipad ng kompanya ng mga Altamonte. Inalalayan ako ni Chad makababa doon. Dumeritso kami sa Penthouse. "Kailangan mong magpalit ng damit. May lakad tayo." tinuro niya sa akin ang malaking box na nasa ibabaw ng sofa. "You know some self defense right?" Pinaningkitan ko siya ng aking mga mata. "Pwede bang iba na lang ang ipagawa mo sa akin?" He shook his head. "NO. Its YOU whom I need the most. Hindi ka hassle kasama." "Buwis buhay ba talaga lahat ng ipapatrabaho mo sa akin?" "Hindi naman. Minsan sa opisina ka... office staff as my spy pero madalas sa labas ang trabaho mo kasama ko." "Wala ka bang ibang mahatak na pwede mong isama sa mga lakad mo sa labas?" hirit ko pa. "Parang mas safe kasi ang puso ko--este ako kapag 'di kita kasama... kapag nasa loob lang ako ng opisina. Malayo sayo. Yung hindi kita nakikita. Pwede bang lumayo ka na lang sa akin?" Pailalim niya akong tinitigan. Bigla akong nailang. Mariin kong kinagat ang ibabang labi sabay iwas ng tingin. "Sino ba ang boss sa ating dalawa; ikaw o ako?" "AKO." "Miss Marquez--" Matamis ko siyang nginitian. "Sabi ko nga magbibihis na po ako BOSS." ani ko sabay sara ng pinto sa kanyang mukha. "T'ngna mo!" Nagdadabog kong nilapitan ang box. Binuksan ko iyon. Isang black fitted semi formal long sleeve dress off shoulder at left arm ang laman niyon. Kaagad ko iyon isinuot. Saktong-sakto sa akin. Above the knee length. Matching with four inches nude pointed pumps and nude handbag. I wore light make up. Itinali ang buhok paitaas at nag-iwan ng kunting hibla sa magkabilaan ng aking pisngi saka lumabas. Nagkagulatan pa kaming dalawa paglabas ko ng pintuan. He looks dashingly handsome. Wearing black coat and white long sleeve underneath. Tuck in gray fitted pants with brown belt. Matching with brown leather boots. Bakit parang habang tumatagal lalo siyang sumasarap? "Miss Marquez...?" Napakurap-kurap ako ng lumapit ang mukha sa akin ni Chad. Isang hakbang akong umatras palayo sa kanya. "I told you not to fall for me, Miss Marquez." Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. "Kapag napapatitig ako sayo ibig sabihin in love na ako kaagad sayo, ganun kabilis ng pana ni kupido?" He sexily chuckled. Shet... ang gwapo talaga kahit saang angulo tingnan kahit nakakabwesit siya! Kaagad kong kinastigo ang sarili sa tinatakbo ng makasalanan kong utak. "I can tell the way you moaned and kissed me back, Miamor." My face heat up right away. Siguradong nagkaroon ng blush on ang pisngi ko sa sinabi niya pero nagawa ko pa ring tawanan siya sabay hampas ng marahan sa kanyang balikat. "Ikaw naman... Nakakatawa ka talaga kahit kailan, Boss." ani ko. "If I didn't response with your touch and kisses e 'di sasabihan mo na naman akong hindi ako marunong humalik." nilapit ko ang mukha sa kanya. I mentally smirked when I saw him gulped. His brows were frowning. "I can tell you're a good kisser. Dapat lang akong masarapan lalo't nagugustuhan ko yung ginagawa mo diba?" Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Don't play mind games on me, Miss Marquez. I assure you," nilapit niya rin ang mukha sa akin. Hindi ako gumalaw kahit gahibla na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. Nasisinghot ko na ang mabango niyang hininga. "...matutupok ka sa mga bisig ko." "Wag kang pakasiguro Mr. Del Valle dahil hindi ka naman talaga ganun kagaling. Pinagpalit ka nga sa iba ng LONG TIME EX-GF mo diba? Ako pa kaya na empleyado mo lang?" Natigilan siya sa sinabi ko. Dumilim ang mukha. Umigting ang panga pero kaagad din iyon naglaho at nawalan ng reaksyon ang mukha. Umayos ng tayo. "We're having a lunch meeting with Mr. Fuentebella. Act as my wife." aniya at tinalikuran ako. "Ano? Bakit kailangan pang magpanggap na asawa kita? Hindi ba pwedeng secretary or--" Huminto siya sa paghakbang at nilingon ako. "I'm the boss so you better follow my instructions. No buts No nothing. I don't need your opinion and you have no right to question me." Sinamaan ko siya ng tingin saka humakbang palapit sa kanya. Nilampasan ko siya pero hinapit niya naman ang bewang ko kaya napasubsob ako pabalik sa kanya. "Nagkakaintindihan ba tayo, wifey." "Kung kagaya mong tupakin ang asawa ko malabong magkakaintindihan tayong dalawa." "Kapag hinalikan kita siguradong magkakaintindihan tayo, Miamor." "S*x maniac ka ba?" salubong ang kilay na tanong ko. "Or laging nakahithit ng ecstacy?" He was taken aback at what I said for a sec then laughed and pinch my cheeks. "Ang cute mo talaga!" Ginagap niya ang kamay ko saka kinaladkad papunta sa elevator. Hindi ako magkandaugaga sa paghabol sa malalaking hakbang niya. "Mr. Norman Fuentebella is the owner of the high and mighty Fuentebella Group Company." aniya pagkapasok namin sa loob. He pressed the basement button. "Istrikto ang matandang yun. May sa laser ang mga mata at ala detective conan so you better act accordingly and convincingly. Kailangan namin siya sa panibagong branch na bubuksan naming negosyo sa Santa Monica." "O so anong connect ko naman diyan at kailangan ko pang mag-act accordingly and convincingly, Boss?" Naiinis niya akong niyuko. "Gusto niya family oriented, husband material, may mga anak. In that way makakampante siyang hindi malulugi ang e-e-invest niya sa negosyo dahil responsable daw ang lalaki. Can you imagine that?" nagpakawala siya ng marahas na buntong hininga. "Lahat meron ako maliban sa asawa't anak kaya sinama kita. Gets mo na ba?" "Akala ko ba ala Detective Conan siya? Hindi mo man lang ba naisip na baka pinaimbestigahan ka na din niya? Tiyak kilala ka na no'n. Tsaka isa pa wala naman ako or ikaw... wala tayong dalawa na anak." "Advance ang utak ko so malamang mas nauna pa akong nakaisip niyan kaysa sayo. Pero sa lakas ng chemistry nating dalawa siguradong mapapayag ko din yun kahit wala pa tayong anak kaya galingan mo. Sayo nakasalalay ang project na 'to." "Seriously?" bulalas ko. "Pano kung sumablay? Ako ang sisisihin mo, ganun ba? Hindi mo ako sasahuran? Sasayangin mo lang ang bawat araw at oras ko. Naisip mo din ba yun ha?" "Wag ka ngang negative diyan t'ngna." "Wag na wag mo akong mamura-mura diyan Mr. Del Valle. Baka gusto mong masapak." "Oo na. Sumablay ka man o hindi sasahuran pa rin kita." tinalikuran niya ako. Kinalikot ang phone niya. "Mga babae talaga nakakainis. Puro na lang pera ang utak." mahinang sabi niya pero malinaw ko iyon narinig. "Anong sinabi mo?" "Wala!" asik niya. "Meron e. Narinig kong puro pera na lang--" "Will you just shut up your mouth?" angil niya. "Nag-iisip akong paraan kung pa'no ko makokombinse si Mr. Fuentebella tapos ikaw..." he paused. "O ano ako?" untag ko ng 'di niya na iyon dugtungan pa. "Ano ako ha? Ano ako? Ba't 'di mo deritsuhin?" He playfully smirked. "You're my wife so act like one." PAGDATING SA BASEMENT, muli niya akong kinaladkad palabas ng elevator. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto ng kotse. Nakasunod ang tingin ko sa kanya ng umikot siya sa kabila at naupo sa driver seat. Then started the engine. "Wala ka bang instructions na gagawin ko ngayon?" basag ko sa katahimikan habang nasa byahe kami. Sinulyapan niya ako at muling itinutok ang mga mata sa kalsada. "Just be yourself and be a loving wife." "Tss, pa'no yung act as loving wife? Wala akong idea." "Trabaho mo yun diba ba't mo ako tinatanong?" "Direktor ka ba?" Muli niya akong nilingon. Nagdugtungan na ang mga kilay. "Ano?" "Iniisip ko kasi baka ma-discover ako kapag nag-artista ako. Tingin mo?" "Ano bang pinagsasasabi mo?" "Ginagawa mo kasi akong artista e. Sasabihin sa akin kung anong e-a-arte ko sa harapan ng tao. Ang kaibahan lang bahala na si batman kung anong mangyari sa akin. In fairness malaki yung talent fee mo ha. Pero mas bet ko pa rin yung mapapanood ako sa TV." "Nakatulog ka ba kagabi?" "Bakit anong kinalaman ng pagtulog ko kagabi sa sinasabi ko sayo?" "Nakulangan ka siguro sa tulog kaya kung ano-anong lumalabas diyan sa bibig mo. Idlip ka kaya muna. Hindi ako makapag-isip ng magandang idea sa subrang daldal mo e." "Ah ganun? Ang daldal ko? Pwes ngayon pa lang sanayin mo na yang sarili mo kung gusto mo akong maging asawa dahil yung bibig ko kagaya talaga ng newscaster sa TV. Yung sa imbestigador. Alam mo ba yun? Hindi kita tatantanan." He laughed. "Iwan ko sayo." Half hour passed. Ipinarada niya ang kotse sa harapan ng napakalaking building. Manghang-manghang iginala ko ang paningin sa labas. "You ready, babe?" Nilingon ko siya. "Binondo 'to diba?" "Yes." "Akala ko ba makikipagmeeting ka sa may-ari ng Fuentebella--" "Dito siya nakatira." "Oh--" "Natatakot ka ba?" "Kinakabahan ako. Ang ganda ng lugar pero--" Inabot niya ang kamay ko at marahan iyon pinisil-pisil. Napatingin ako doon saka nag-angat ng tingin sa kanyang mukha. His dazzling eyes met mine. And I felt like it penetrate through my soul. Kapag nahulog talaga ako sa kanya... patay. "I'm here. Hanggat kasama mo ako walang mangyayaring masama sayo. But you have to be attentive, ok. Our rival is just in a corner." "Sure kang wala tayong ibang gagawin dito kundi makipagmeeting lang? Baka naman--" "Babe," sabad niya. "It's just only a lunch meeting, ok. We're not doing any rescue operation." "Sure yan ah." "Oo nga." bumaba siya ng kotse. Umikot papunta sa akin. Binuksan niya ang pinto saka inilahad ang kamay sa akin. "C'mon... he's waiting for us." Inabot ko iyon ng nanlalamig kong kamay sabay baba ng kotse. "Gosh--you're trembling!" nakatawang bulalas niya. Niyakap ako at hinaplos-haplos ang mga braso at likod ko. Bahagya siyang lumayo at sinapo ng kamay ang aking mukha. Kay lapad ng ngiti sa akin. "Ang daldal mo kanina tapos ngayon. . . baka naman mahimatay ka?" Sinimangutan ko siya. Tinawanan niya naman ako sabay hapit sa aking bewang at iginiya papasok sa loob. "Good morning Mr. and Mrs. Del Valle," bati saamin ng dalawang bantay. Tinanguan ito ni Chad. Bahagya lang akong ngumiti. "Señor is waiting for you two in dining area. This way please." Tahimik kaming sumunod sa lalaki. Subrang gara ng bahay. Kumikinang halos lahat ng maraanan ng mga mata ko. Yung marmol na sahig na dinadaanan namin makailang ulit akong sinampal ng kahirapan. Nanliliit ako. Natatakot na baka may masagi akong gamit at magasgasan ko. "Señor, nandito na po ang mag-asawang Del Valle." "Papasukin mo." Nakangiting nilingon kami no'ng lalaki. Napatingin ako kay Chad. Niyuko niya naman ako. Marahan na hinaplos ang pisngi ko. "Everything will be fine, my wife." nakakagat labing kinindatan niya ako saka iginiya papasok sa kusina. Pagbungad ko pa lang nakita ko kaagad ang malapad na ngiti ng isang may edad na lalaki. Nakatayo ito sa harapan ng malaking hugis bilog na mesa na puno ng sari-saring pagkain. Ngunit unti-unti ding naglaho ang ngiti nito ng dumako ang mga mata sa akin. Namutla. Umawang ang mga labi. Namilog ang mga mata. Bahagyang napaatras. Naglikha ng ingay ang biglang hawak nito sa sandalan ng upuan. "Señor..!" "Mr. Fuentebella!" Magkapanabay pang sigaw ni Chad at no'ng lalaki na patakbong dinaluhan si Mr. Fuentebella na bigla na lang nahimatay pagkakita saamin or... sa akin? ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD