The Ghost Of You 10

2317 Words
"Yang..! "Yang-Yang..!" "Mia!" Malakas kong naitulak si Chad ng marinig ko ang matining na boses ng bestfriend kong si Nicky sa ibaba ng treehouse. Pareho kaming napaatras palayo sa isa't isa pero muli niya akong hinatak. "Ano ba?" mahinang angil ko sa kanya. "Nandiyan yong bestfriend ko----babae mo nga pala." "Wala akong babae." "Yohooo! Yang..? Nandiyan ka ba sa itaas?" Binaklas ko ang braso niya sabay silip sa labas ng bintana. "Nics!" Nakangiting kinawayan niya ako pero kaagad iyon napalitan ng gulat. Napatakip ng kamay sa bibig at namilog ang mga mata. Hindi na ako nagtaka dahil ramdam ko ang presensya ni Chad sa likuran ko kasabay ng pagdantay ng mainit niyang palad sa akin bewang. "Hi Nicky!" Speechless. Shock. Hanggang sa makababa ako ng treehouse at sinugod ito ng yakap na mahigpit yun pa rin ang reaksyon ng kaibigan ko. Nagpapalipat-lipat ang nagtatanong na tingin nito saamin ni Chad. "Ano? Parang natuklaw ng makamandag na ahas ang peg, Nikay?" She laughed. "Grabe sa Nikay. Ang bantot!" We both laugh. Napaigtad ako ng bigla ako nitong kinurot sa tagiliran. "Anong milagro ang ginawa niyong dalawa sa itaas?" tanong nito saka lumapit kay Chad na ngiting-ngiti at nagyakapan sila. Napakurap-kurap ako sa aking nakita kasabay ng pinong kurot sa puso ko. Wala akong karapatan magselos dahil wala naman kaming relasyon na dalawa pero yun ang naramdaman ko habang nakatingin sa kanila. Pag-angat ko ng tingin kay Chad nakatingin din siya sa akin; nakangiti. Kaagad akong umiwas ng tingin. "Ang lakas-lakas ng boses ko hindi niyo man lang ba ako narinig? Kaloka kayo a." I cleared my throat then smile again. "Ba't kahapon 'di ka pumunta or kagabi? Nagbudol fight kami do'n sa labas ng bahay. Libre niyang dyowa mo." "Dyowa ko?" nag-angat ito ng tingin kay Chad na umakbay sa kanya. "Mag-dyowa ba tayo?" then laughed while staring at each other. "Yang," tawag sa akin ng baritong boses. Pagbaling ko nakangiting mukha ng kababata ko ang nabungaran ko. Magkabilaan ang bitbit na plastik. Nilapag ang mga iyon sa lupa. "Mcdo!" patiling sigaw ko sabay sugod ng yakap dito. Bahagya pa itong gumiwang dahil sa ginawa ko habang tumatawa at gumanti rin ng yakap sa akin. "Kumusta? Parang gumanda ka lalo a. Nahiyang sa Manila?" aniya sabay gulo ng buhok ko. Nakatawang sinuntok ko ang dibdib nito. "Ikaw itong parang nahiyang sa ibang bansa e. Balita ko big time ka na daw ngayon." "Naku, tsismis lang yun." "Di nga?" niyuko ko ang kanyang mga dala. "Ano yang mga dala mo?" "Pasalubong." "Naks. Last month ka pa daw dumating ba't may pasalubong ka pa ngayon na nalalaman?" "Alam ko naman na wala kang pasalubong sa akin e kaya ako na lang magpapasalubong sayo." "Hmm--echosero." pagigil kong pinisil ang kanyang matangos na ilong na ikinatawa nito. Malakas na tikhim saaming likuran ang nagpatigil sa akin. Paglingon ko matalim na mata ni Chad kay Mcdo ang nakita ko pero saglit lang kaagad nawalan ng ekspresyon ang kanyang mukha. Nakaakbay pa rin siya kay Nics na alanganin na ang ngiti sa labi. "Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa kanya, babe?" "Babe?" ulit ni Mcdo. "Totoo pala yung nabalitaan ko kagabi. Kasama mo yung boyfriend--" "Ah--hindi." sabad ko. "Si Chad--" "Richard Del Valle." agap ni Chad sabay lahad ng kamay dito. "And you're Donald McAlister, right?" "Ki--Kilala mo si..." nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa habang nakaturo ang kamay ko sa kaibigan ko. "Kilala mo si Mcdo, Chad?" "Ah--yes. What a small world," nakatawang sabi ni Mcdo saka inabot ang kamay ni Chad para makipag-shake hands. "Nice to see you here Mr. Del Valle. Hindi ko alam na magkakilala kayo ni Yang." "Hindi ko rin alam na magkaibigan pala kayong dalawa, Mr. McAlister." "Ano ba yan ang pormal niyo namang dalawa." nakatawang singit ni Nics. "Don't tell me magbi-business meeting tayo ngayon?" I laughed too to ease the tension in the air. Hindi ko kayang ipaliwanag ang lalim ng titigan ng dalawa pero tingin ko hindi sila basta lang magkakilala. Sigurado akong may mas malalim pang kahulugan iyon. "Nicky, come here." boses ni Mcdo. Nics gave Mcdo a warning stares before she walk towards his side. Pinisil ko rin ang braso nito. "Ang seloso mo naman. Kaibigan ko lang yan si Chad." "Uhm--kumakain ba kayo ng buko at mangga? Maraming kinuha sina--" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ng biglang hatakin ang braso ko ni Chad papunta sa kanya. Sabay akbay sa akin. "Actually, Mia and I... we're engaged. Invited kayo sa kasal namin a." Sabay kaming napasinghap ng malakas ni Nics sa sinabi niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Mcdo sa gulat sabay tingin sa kamay ko. I even saw his evil smirked. Tinitigan niya ako saka nginisian si Chad. "Wow congrats. Pero ngayon lang yata ako nakakitang engage na lahat-lahat but didn't see any ring around her finger." "Oh the ring," nakatawang wika ni Chad. Bahagyang lumayo sa akin. May dinukot sa bulsa. Umawang ang labi ko ng bigla niya na lang isinuot ang singsing sa daliri ko. "Here it is. Ngayon lang ako nagpropose sa kanya bago dumating si Nicky. We sealed her sweet YES with a torrid kiss--" "Chad!" Nakangising niyuko niya ako. "Yes, babe?" "Shet--sabi ko na nga ba e!" kinikilig na bulalas ni Nics. Lahat napatutok ang tingin namin sa kanya. "May milagro talagang nangyari kanina kaya kahit mamaos ako kakatawag sa inyo 'di niyo man lang ako narinig." Tila nahulog ako sa lumiliyab na baga sa naramdaman kong subrang pagkapahiya sa sinabi nito. "Aminin niyo... may bunga na kaya nagmamadali kayong magpakasal?" banat pa ni Nics na ikinainit lalo ng mukha ko. Pakiramdam ko may usok ng lumalabas sa magkabilaan na tainga ko sa subrang hiya. "Kaya ba apat na taon kang nawala? Itinago ka nitong si Pogi at biglang uuwi dito para--" "T'ngna--pwede ba?" sabad ko. "Hindi--" "Hindi pa alam ng pamilya ni Yang ang tungkol dito." mabilis na agap ni Chad. Humigpit din ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng balikat ko ng tingalain ko siya. Makahulugan niya rin akong tinitigan. Hinatak pa lalo ako palapit sa kanyang katawan. "Wala pa kaming plano kung kailan at saan ang venue ng wedding namin. It's up to my baby, but still invited kayo." "Shet--I can't wait!" "Ateee!" sigaw ni Ceddie. "Nandito pala sina Mak at Nicky." wika ni Inay. "Hali na kayo dito!" "Oh here they are--" "Nics!" pigil ko sa kanya. Nagtatakang nilingon ako nito. Hindi ko alam kung anong klase ng reaksyon na rumehistro sa aking mukha. All matters to me now is to stop her spreading the fake news to my family. "B-Baka pwedeng pakisilid muna yang bibig mo sa bulsa mo? Hindi pwedeng malaman nina Nanay." "Why?" "Basta wag muna ngayon. Maasahan ko ba kayong dalawa?" "Why nga?" "Tinatago niyo ang relasyon niyo sa pamilya mo, Yang?" nakakunot-noong tanong ni Mcdo. "Sabi ni Mama Boss ang pakilala mo sa kanya." I hardly bit my lower lip. "H-Hindi pa kasi ako ready e." "Hindi ka pa ready tapos sinagot mo ng OO??" bulalas ni Nics. "Ah--ano kasi..." tiningala ko si Chad. "Ayoko siyang mapunta pa sa iba e. Kaya pumayag ako." binalingan ko muli sila. "Pero kailangan niyang mag-antay hanggang matapos kong mapagawa ang bahay namin at maka-graduate ang mga kapatid ko. Yun ang usapan namin kaya ayoko munang sabihin sa pamilya ko. Please..? Atin-atin lang muna 'to." "Ano ba yan. Baka mauna pa ako sayong ikasal." sabay layas. Pagtingin ko kay Mcdo nagkibit balikat lang ito saka sinundan si Nicky bitbit ang dalawang plastik. Malakas kong sinipa si Chad. Hindi niya iyon inaasahan kaya sapol ang tiyan niya. "Aww--para saan naman yun?" nakangiwing tanong niya, nakahawak ang kamay sa tiyan. "Pahamak ka e. Siraulo." He laughed wholeheartedly. Muli ko siyang sinipa pero nakaiwas siya sabay takbo papunta sa kinaroronan nina Itay. Mamatay-matay kakatawa sa akin na para bang nakakatuwa yung ginawa niya. Tinanggal ko ang singsing at isinilid sa aking bulsa. Lumapit ako sa kanila. Naupo sa carabao grass sa tabi ni Itay na inabutan ako kaagad ng binalatan na hinog na indian mango. Nakalagay sa wala ng laman na buko. Kaagad ko iyon nilantakan habang nakatingin kay Chad na naupo din sa tabi ko. "Sawsaw mo diyan. Masarap yan." Niyuko ko ang alamang na maraming taba at sili na nilapag niya sa harapan ko. "Kumakain ka niyan?" "Naman." aniya sabay subo sa bibig niya ng manggang hawak ko. Walang pakialam sa mga matang pasulyap-sulyap saamin. "Sarap?" "Hmmm," "Sarap mong kutusan," bulong ko habang pinandidilatan siya. "Lumayo ka kung ayaw mong isahog sa alamang na yan." Kumuha akong mangga at sinawsaw sa alamang. Nasarapan ako sa lasa; manamis-namis na maanghang na may kunting alat. "McAlister is watching us." "Wala akong paki," "Mabubuking niya tayo." "Wala namang tayo." "Meron. Nakalimutan mo na ba yung rules ko?" "That I am yours?" "Yes mine. Only mine." "At ikaw ay akin?" "Only yours baby." "I'm already engaged with my long time boyfriend Liam." "Hindi ka pa kasal kaya pwede pa and you're just engaged with me. Wala ng bawian." "Nangako siyang pakakasalan niya ako." "'Di uunahan ko na siya--wait," Bigla siyang nag-angat ng tingin sa akin. Magkatabi lang kami kaya dumaiti ang labi naming dalawa. Dala ng gulat malakas kong itinulak ang kanyang mukha palayo sa akin. Napatihaya siya sa damuhan. Nakataas ang dalawang paa. Yung isang tsinelas niya tumalsik papunta sa gawi ni Mcdo. Sapol ito sa mukha. "T'ngna!" "Opps--sorry," mabilis pa sa alas kwatrong bumangon si Chad. "Sorry Mr. McAlister. Si Yang-Yang kasi e." Malakas na ibinato ni Nics yung tsinelas kay Chad na kaagad niya namang nasalo. "Kadiri yang tsinelas mo. Buti 'di ko pa nababalatan 'tong bagong kuha kong mangga." binalingan ako ni Nics. "Kanina pa kayong dalawa ha. Ano bang pinagbubulungan niyo diyan?" "Ha? Anong nagbubulungan? Wala ah." "Wala ka bang narinig Tay Tons?" "Wait lang naintindihan ko e." Tiningnan ko si Itay. "Nakikitsismis ka na din pala ngayon, Tay?" "E sa narinig ko naman talaga. Tsaka tungkol saan ang pinag-uusapan niyo? Para kang iwan. Bigla ka na lang nanunulak ng tao." Napangiwi ako sa sinabi nito. "Ah kasi," nag-angat ako ng tingin kay Chad na may hawak ng buko, nagkukutsara ng laman niyon pero sa akin nakatingin. "May tumawag po kasi kay Chad kanina. Emergency po sa trabaho. Kailangan na po naming bumalik ng Manila bukas." "Ba yan agad-agad?" Bulalas ng tatlong kapatid ko at ni Nics. Tahimik lang akong tiningnan nina Inay at Itay. Si Mcdo bumalik sa tabi ni Nics at binalatan ang hawak nitong mangga. "Kararating mo lang Ate ah." si Ning-Ning. "Pwede naman akong bumalik dito anytime e. Diba Chad?" "Uhm--yes po. Hawak po namin pareho ang oras namin sa trabaho so--yes. She can visit here anytime if our schedule is not full." "Sinabi niya rin yan noon pero inabot ng four years," boses ni Raikko sabay tayo, tinungo ang daan pauwi sa bahay. "Raikko!" tawag ko pero 'di ako pinansin nito. "Hayaan mo na." boses ni Inay. "Nag-aalala lang yun sayo." "I'll talk to him." wika ni Chad saka patakbong sinundan si Raikko. Lumapit sa akin sina Ning-Ning at Ceddie. Yumakap sa akin, tumutulo ang luha. "Oh bakit?" "Ang dami mo kasing pinamiling pasalubong saamin kaya tuloy naubos agad yung pera mo." I chuckled. "Hindi a." niyakap ko silang pareho. "May emergency lang talaga sa work. Tsaka kung sakaling hindi man ako makauwi agad dito pwede naman kayong bumisita sa akin sa bakasyon e. Welcome naman kayo doon sa mansyon nina Tita Alice plus may apartment na rin ako. Marami kayong matutuluyan do'n." "Sure ba yan?" "Oo naman. Ipapasundo ko kayo kay Chad mismo. Lagi naman yun pumupunta dito e. Tsaka may chopper yung friends niya. Libre sakay." "Nae-excite ako pero ayoko munang umasa." Maghapon kaming nanatili sa bukid. Doon na nagluto ng pananghalian. Bumalik din sina Chad at Raikko. Nakangiti na ito at hindi na biyernes santo ang mukha. Si Chad laging nakasunod ang tingin sa akin. Kapag lumalapit sa akin si Mcdo kaagad niya akong nilalapitan. Ni ayaw niya akong ipakausap sa kaibigan ko. Sina Inay at Itay tahimik lang nakikiramdam. Madalas ko pang nahuhuling nakatitig sa akin kung hindi man ay kay Chad. Nginingitian nila ako pero bakit may iba sa pakiramdam ko? Yung sulyapan nila parang may iba talaga. Kung ano hindi ko matukoy. Para bang may tinatago silang sekreto at nagdadalawang isip na sabihin sa akin na 'di ko mawari. KINABUKASAN maaga kaming umalis. Lahat namumula ang mga matang hinatid ako sa rooftop ng bahay nina Kuya Bert. "'Wag niyo akong iyakan, kainis kayo!" gumagaralgal ang boses na asik ko. "Basta magbi-video call ako lagi. Tapos dun sa binigay ko po sayong debit card Nay doon ko po ipapadala yung pera. Alam na ni Raikko pano gamitin yun." "Binalik ko diyan sa bag mo kagabi." wika ni Itay. "Hindi na namin kailangan yan anak. Ok na kami. Ipunin mo na lang ang sahod mo. Tsaka mag-iingat ka doon sa Manila a." "Ha? Ba't niyo ibinalik?" hinalughog ko ang bag ko saka muling ibinigay kay Inay yung debit card pero ayaw nilang kunin iyon kaya kay Raikko ko ibinigay. "Kunin mo. Para sa pag-aaral niyo yan. Tsaka para in case of emergency e may madukot kayo. Mag-oopen na lang ako ng bago." "Pero," Nilingon niya ang mga magulang namin. Nakita kong umiling ang mga ito kaya sapilitan ko ng nilagay sa kamay ni Raikko sabay takbo papunta sa chopper. Nakangiting kumaway ako sa kanila bago isinarado ni Chad ang pinto. Hindi na ako tumanaw pa sa bintana ng umangat na ang chopper. Inabutan ako ni Chad ng panyo. Kinuha ko iyon at ginamit pamunas sa mukha. "I loved your family. They're easy to get along with. Nakalimutan ko yung mga problema ko sa buhay." "Buti ka pa nakalimot. E ako? Dinadagdagan mo ang problema ko." dinukot ko yung singsing sa bag ko saka ibinalik sa kanya. "Yan na singsing ng Yvette mo." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD