MAAGANG nagising si Anika kinabukasan. Sabik siyang pumasok sa trabaho kahit pa alam niyang after lunch pa darating si Trick. Tumawag ito sa kaniya kagabi at sinabing alas sais ng umaga ang biyahe nito pabalik ng maynila. Kaso hindi rin naman siya mapapakali sa bahay niya kaya maaga na lang siya pupunta sa opisina. Lumabas siya at nakailang hakbang pa lang nang makita niya ang pagbubukas ng pinto sa madadaanan niyang unit. Napangiti siya kasi apartment ‘yon ni Sheila. Huminga na siya ng malalim at tatawagin na ito pero napahinto siya nang hindi ang kaibigan niya ang lumabas sa pinto kung hindi isang lalaki. Isang guwapo at matangkad na lalaki. Sa loob ng apartment narinig niya ang boses ni Sheila, “May nakalimutan ka.” Bago niya ito nakitang huminto sa b****a ng pinto. May inabot ito sa

