“Siya ang babaeng dinala ni Patrick galing sa isla, Papa,” gigil na sabi ng may-edad na babae, nanlilisik ang tingin sa kaniya at nakakuyom ang kamao na parang gustong gusto na talaga siyang sugurin. “Ang kapal ng mukha mong babae ka! Porke’t alam mong wala ka nang pag-asa sa asawa ko, anak ko naman ngayon? Tanggap ko nang wala talagang namamagitan sa inyo ng asawa ko eh. Tanggap ko na talagang anak lang ang tingin niya sa’yo. Kaya na kitang patawarin at handa na akong kausapin ka kahit alam ko namang in love ka kay Patrick. All because my husband and my son wants me to be kind to you. Because I realized that you were nothing but kind and considerate when you used to live with us. Because you saved my husband’s life. At… at mag-so-sorry na ako sa’yo dahil sa nangyari noong nakatira ka pa s

