CHAPTER 29

1264 Words

PAGKATAPOS nilang mananghalian, nagtaka si Anika na imbes na bumalik sa opisina ay nilampasan ni Trick ang company building nila. “Saan tayo pupunta?” “May gusto akong ipakilala sa’yo. It’s okay. Wala na akong appointment for the rest of the day.” Napanganga si Anika at magkahalong lamig at init ang kumalat sa buong katawan niya nang dumating sila sa destinasyon nila. Diamond Records. Kahit sa isla siya lumaki, apat na taon din naman siya tumira sa bayan at alam niyang isa ‘yon sa pinakasikat na recording and talent agency sa Pilipinas. Hinawakan ni Trick ang kamay niya at saka lang siya kumurap at tumingin sa mukha nito. May kislap ng pagkaaliw sa mga mata nito. “Let’s go. Makakabalik ka pa uli rito. Saka ka na mag-tour.” Hinila na siya nito papunta sa elevator. Pagkababa nila sa thir

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD