CHAPTER 32

1320 Words

               “What do you really feel about me, Anika?” malumanay na tanong ni Trick, mahigpit pa rin ang yakap sa kaniya.                Lumunok siya. “Nahihiya akong aminin kahit sa sarili ko,” bulong niya. “Nakokonsiyensiya ako na nahulog ang loob ko sa’yo. Na… na narealize ko na lang na mahal na pala kita. Pakiramdam ko hindi tama. Pakiramdam ko hindi ako pwedeng makaramdam ng ganito para sa’yo. Kaya sinubukan kong pigilan ang puso ko. Sinubukan kong ipaintindi sa utak ko na kaibigan kita at boss at anak ng taong nagbigay sa akin ng pagkakataong magkaroon ng magandang buhay. Pero…” Gumaralgal ang boses niya nang magsalita siya uli. “Ang hirap.”                Umangat sa magkabilang balikat niya ang mga kamay ni Trick at marahan siyang inilayo hanggang mapilitan siyang tingalain an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD