Habang naglalakad ang dalawa Andrea and Yana sa malawak na lupain ng mga Mendez, biglang may narinig silang ingay ng kabayo. Mula sa malayo tanaw nila ang kulay puti na kabayo na mabilis ang pagpapatakbo at papunta sa kanilang kinaroroonan.
Nakabuntot naman sa likuran ang dalawang sidekick ni Yana si Kiray/ Kris and Pating. Habang papalapit ang nasabing kabayo, nakita nilang babae pala ang sakay dito. Nakangiti ito sa kanila.
"Hello ate Andi."
"Kat!!How are you?"
"Great ate and how are you?"
"I'm fine. Did you have fun?"
"Hahaha! You bet. Anyway who are they?" Sabay sulyap sa tatlong bibe(hahahaha)
"Oh this is Mia, sila yung nagbebenta ng mga baboy at may lechonan din sila. Yung mga bata kasi gusto ng biik at tamang tama naman na may kapapanganak lang na baboy na inaalagaan nila Mia Kaya sa kanila na lang ako kukuha." She explained.
"Oh really.?! Hi Mia.."
"Um hello Kat. Oo nga pala mga kasama ko si Kiray at Pating." Turo sa dalawa. Pero sumimangot si Kiray.
"Kris talaga pangalan ko. Magandang araw Kat."at mabilis na kinamayan ang dalaga. And Katrina chuckled.
"Hello Kris and Pating."
"Patrice name ko." Nahihiyang sambit ni Pating.
"Sorry guys but I need to take a shower na muna at nanlalagkit na ako. Bye ate Andi. See you later po."
"Okay Kat. Um gusto mo bang sumama? Gusto ko kasing makita yung mga biik habang nagfifishing pa ang mga bata. Come with us Kat."
"Sure ate. Just wait for me and I'll be quick.." then nginitian niya ang lahat at patakbo na bumalik sa malaking bahay.
"Let's just wait for Katrina then puntahan natin yung mga biik ha para makapamili na ako para sa kambal."
"Talaga pupunta ka sa bahay?" Excited na tanong ni Mia.
"Hahaha! Bakit parang gulat na gulat ka? But yes, I wanna see those piglets first before buying them."
"Pasensiya na kasi kakagulat na ang asawa ng future Gov eh pupunta sa aming tahanan. Don't worry welcome na welcome kayong pumunta doon." Ngingiti ngiting wika ni Yana. Feeling niya kasi kausap niya si Alexis dahil sa boses nito. Maging ang pagkilos niya parehong pareho kay Alexis.
Mahigit 45 minutes dalawang sasakyan na ang magkasunod na tinatahak ang daan patungo sa bahay nina Yana. Silang tatlo ang sakay sa pick up truck nito at kasunod ang sasakyang sakay sina Andrea at Katrina.
"Ate Mia, ang ganda ni Kat no?" agad na wika ni Kiray. Samantalang tahimik lamang si Pating at nasa labas ang mga mata.
"Oo naman. Syempre may dugong Mendez eh. Kita mo naman ang mga lalaking Mendez di ba tulo laway kayo sa kanila?"
"Kasi naman ate ang gagwapo, sarap mahalin at magpalahi."sambit ni Pating na nakikinig pala sa kanilang usapan.
"Andiyan ka pala Pating? Kanina ka pa kasi tahimik diyan.." si Kiray.
"Tsk! Kasi magpapaalam sana ako eh. Yung boyfriend ko kasi gusto na niyang magsama kami. At saka nangako na siya na magbabago na siya. Kaya ayun bukas uuwi na ako sa amin."
"Ano ba naman yan Pating basta mo na lang kami iiwan sa ere."
"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo na sumama sa boyfriend mo?" tanong ni Yana habang nasa daan ang mga paningin.
"Opo ate Mia. Ayoko man sana kayong iwan kaya lang mahal na mahal ko lang po talaga si Jun Jun."
"O siya, pagdating sa bahay remind mo ako para ibigay ko sayo ang iyong sahod ha."
"Salamat po ate Mia."
Tumango na lamang si Mia at panay sulyap sa mirror upang tingnan ang nasabing sasakyang sakay sina Andrea. Dahil kay Andrea parang bumabalik sa utak niya ang lahat lahat ng kanilang pinag daanan. Malayo pa lang tanaw na nila ang isang itim na sasakyan ng patay. Kilala agad ni Yana kung sino ang kanilang bisita.
"Ate, yung manliligaw mo andiyan na naman oh." biro ni Kiray. Isang irap ang sinagot niya sa kasamang si Kiray. Since bukas ang gate, Pumasok na ang sasakyan niya sa loob. Agad na bumaba at pinuntahan ang mga panauhin sa labas na may pagtataka sa kanilang mga mukha.
"Mia, sino ang namatay?" agad na tanong ni Andrea at tinuro ang nakaparadang hearse sa harap ng kanilang bahay. Kakamot kamot sa ulo si Mia.
"Naku, wala yan. walang patay. Hahaha. Yan lang talaga ang service ng kaibigan ko. Tara na sa loob para makita niyo yung mga biik." pumasok naman sila at dumiretso agad sa farm kung saan makikita ang tatlong bahay ng mga alagang baboy ni Yana na pwede na ibenta at pang lechon.
Then meron din silang lugar kung saan kakatayin ang baboy at kung saan ito lulutuin. May kalakihan din ang nasabing farm.
"Oh my gosh ate Andrea ang cute cute nila...matutuwa sina Sofie and Ced niyan."agad na wika ni Katrina at isa isa niyang pinagmamasdan ang mga ito na parang bang may iba pang hitsura since pare pareho lang naman sila ng mukha. Mukhang baboy.
"Oo nga Kat, for sure matutuwa yung dalawa kapag nakita nila ito." sagot naman ni Andrea na tuwang tuwa sa mga biik. nakamasid lamang si Yana sa dalawang babae.
Then pumunta si Kat sa may garden at kung ano ano ang kaniyang pinaggagalaw at minsan nanghuhuli pa ng mga paru-paru na parang bata.
"Ate Mia sobrang ganda ni Kat no, Hindi nakakasawang tingnan ang kanyang mukha."pabulong na wika ni Kiray. Napataas ng kilay si Yana.
"Crush mo siya no Kiray?"
"Eeeiii ate tsk!. Yan ang secret na malupit ko. Opo, babae ang gusto ko. Hehehe ang sarap niya ikulong sa mga bisig ko."pabulong at kagat labi niyang wika na para bang kinikilig.
"Well, kung talagang gusto mo siya then go. Hindi kita pipigilan."sambit ni Yana at kumindat pa kay Kiray.
"Talaga ate. Hindi ka nandidiri sa akin na isa akong Alam mo na..."pabitin niyang sabi.
"Nope. Bakit naman kita e jujudge? Dahil ba nagmahal ka ng kapwa mo nagkasala ka na? Siguro yung iba ganun ang pag iisip. Falling in love with
"Ate Mia, ready na yung meryenda.."bulong ni Pating kay Yana.
"Thanks Pating. Ayusin mo na ang mga gamit mo ha at saka Hayaan muna natin silang mag enjoy. Mukhang ngayon lang yata sila nakakita ng baboy."sambit ni Yana at halatang siya din nag eenjoy habang pinagmamasdan si Andrea at iniimagine na si Alexis ang kanyang nakikita.
~~~~
MANILA
Abalang abala sina Jannel and Jade sa pagtingin ng mga gamit pambata ng may mahagip ng kanyang paningin si Jannel mula sa may kalayuan. Napa second look pa ito to make sure na hindi siya namamalikmata.
"Oh my god Jade..." sambit nito sabay takip sa kanyang bibig. "Nakikita mo ba ang nakikita ko?"
Sinundan naman ng tingin ni Jade ang tinitingnan nito.
"Yeah! May babaeng nakatalikod at pumipili ng shoes. Anong nakaka oh my god doon?" Kunot noong tanong ni Jade sa kanyang sis in law.
"Wait till she turn her head. Hopefully lilingon siya dito sa atin."
They waited and waited hanggang sa lumabas na ang babae ng nasabing department store.
"Ayun na umalis. Hindi man Lang lumingon."
"Halika habulin natin..."
"At bakit? Kilan ka pa nagkagusto sa babae? Aber!?"
"Gaga! Si Alexis yung babae na yun! Kaya bilis!!"
"Si Alexis!?"
"Oo nga!"
"Bakit ngayon mo Lang sinabi?! Leche ka talaga Jannel. Tara habulin natin..."
"Wow ha! Akala mo naman mabilis siyang tumakbo. Mukha ka palang penguin kung maglakad Jade hahaha!"
"Sisihin mo ang kapatid mo! Mapuputulan ko na ng t**i yun dahil makamandag. Lintik na ahas na yun."
"Hahahaha! Nag enjoy ka naman di ba nung natuklaw ka?!"
"Psshh! Tumahimik ka nga diyan. Oh Nasaan na yun?" Tanong ni Jade. Palinga linga silang dalawa sa paligid. Tingin sa taas, baba, sa crowd, elevator, escalator, sa mga shops ngunit wala na ang babae.
"Damn it! Nawala na.."Sambit ni Jannel. "Let's go to produce and deli products na Lang... Ayaw yata talaga niya magpakita. Grabe naman si Alexis. Andito lang naman pala siya sa Manila ni Hindi man Lang niya tayo tinawagan." Nasa boses ang pagtatampo.
"Masama talaga ang loob nun for sure. Siguro naisip niya na niloko din natin siya. Na may alam tayo sa kalokohan ng kapatid mo." Wika ni Jade. Jannel nodded.
"We can't blame her naman eh pero sana binigyan niya ng chance na makita ni Ate Yana ang mga bata." Si Jannel.
"Oo nga eh. Para na lang sana sa anak nila ni Yana. Twins pa naman daw yun. Ano kaya hitsura ng mga yun? Imagine more than 5years old na sila." Turan ni Jade habang papasok sa deli and produce section. "Pero alam mo naniniwala ako na darating ang araw at maghahanap yun ng kanilang ama. Kasi magtataka sila dahil sa kakaiba nilang anyo. Let say, nag asawa si Alexis ng Filipino then paanong naging iba ang kanilang hitsura. I heard kasi from the Rogers na ang sperm donor parang Russian yata at yung egg si Babe so in short si Alexis lang ang nagdala ng mga anak ni Babe Yana."
"Yeah. Foreigner nga ang mga mukha nun. Anyway, hindi ka ba sasama sa amin sa Bicol?"
"Ayaw ni Benj na magbyahe ako sa malayo eh. Siguro after ko manganak dadalawin namin ang babae na yun."
"Excited na nga ako na makita si Ate. Isasama ko din si Timmy dahil miss na daw niya ang mommy niya."wika ni Jannel.
"Oh ayan pa si Timmy. Kung talagang mahal niya ang anak niya bakit hindi niya man lang dinadalaw. Ano ba talaga ang nangyari kay Alexis?"nakabusangot na tanong ni Jade hanggang sa may mabangga na katawan sa may meat section. "Ay sorry, miss hindi kita napansin."
"Okay lang." at humarap ang nasabing babae na ikinalaki ng mga mata ni Jade.
"My god, Alexis?"gulat na reaksyon ni Jade Habang natutulala sa babaeng kaharap.
"I'm sorry guys but I'm not Alexis. Hehehe! You're funny." Mystery girl.
"Anong hindi? Funny talaga?!Tumigil ka nga Lex! Alam namin na galit na galit ka sa asawa mo pero sana naman Huwag mong alisan ng karapatan na makita ng ate niya yung mga anak niyo okay! Kasi kung tutuusin anak niya yung dalawa at ikaw nagluwal ka lang. dahil yun naman ang kagustuhan mo di ba?!" Naiiritang wika ni Jade.
"What!?" Naguguluhan niyang reaction. "Look, first I don't know either you or you." Turo niya sa dalawa. "Second, I'm not married and I didn't have any kids. So what the f**k you guys are talking about? I dont know anything about those s**t you're throwing at me!"tumaas na din ang boses nito kaya nakaagaw atensyon sa iba pang mamimili. Kinaladkad nila ito sa may di mataong lugar at doon ito kinausap ng masinsinan.
"May amnesia ka ba ha Alexis!?"gigil na tanong ni Jade. Napa crossed arms ito at tumaas pa ang kilay niya.
"I don't."her short replied. "So if you'll excuse me coz I'm not the person you're looking for." She's about to leave but Jannel quickly grabbed her arms to stopped her from leaving the area.
"Wait! Wait! You know what, I worked with the NBI and FBI so if you're not going to cooperate, I might do something that you'll regret for the rest of your life." Jannel. Sunod sunod na napalunok ang nahintakutang babae.
"Yes. She's an agent. Hmm.." dagdag naman ni Jade.
"Fine! Hindi ako ang hinahanap niyong tao. My name is Trixie Zaavedra. I don't know what really happened in California way back 5 or 6years ago. Basta um I ran into another speedy car na parang may tinatakbuhan and ako naman medyo nakainom so voila! Banggaan.. Yun that's all I can remember. Paggising ko nasa kwarto na ako na alam ko hospital yun. They told me what happened so naisip ko na lang na I'm still lucky to be alive. Days had passed pinauwi na ako.. Since ang akala ng pamilya ko nasa camping ako dahil yun ang paalam ko sa kanila kaya they don't bother on checking on me. And when I get into our house my parents freaked out when they see me na parang nakakita ng multo. Akala ko nga patay na talaga ako at isa na akong ghost. I was frightened by their reactions. I thought the reason why they all scared because of the bruises and scratches on my face pero hindi pala yun kundi yung kakaiba kong hitsura. Hindi nga pala ako ang kilala nilang si Trixie dahil sa binago ang hitsura ko. And it was a huge changed I may say. Kasi when I saw myself in front of the mirror I almost fell on the floor. I was shocked ? and terrified. Hindi ko alam na naging ganun ang hitsura ko. Sobra akong nagulat. Pero ano pa ang magagawa ko dahil wala akong pera na ibalik sa dati ang mukha ko." Walang preno niyang revelations. "Nagkaron pa ako ng problema dahil kailangan kong umuwi ng Pilipinas so ayun kailangan ko mag provide ng panibong documents na ganito na ang mukha ko. Hindi ko din alam kung saan yung lugar na pinagdalhan sa akin dahil hindi ko na maalala yun."
"Oh my god!."si Jade. Sabay takip sa bibig niya."Hindi kaya..." she paused. "Jannel, hindi kaya pinagpalit ang hitsura niya? Siya si Alexis at si Alexis ang kanyang mukha?"
"s**t! s**t!"napahawak si Jannel sa kanyang batok at napatitig sa babae. "Yeah, you're right sis. Baka ganun nga ang nangyari sa kanila. Pero ang tanong sino ang nasa likod ng pagpapalit ng kanilang mukha?" nagkatinginan silang tatlo. "Do you know which part of California you came from?"
"Southern part. Yung nagkaron ng malaking floods."
"My sister and her poster parents lives in California and then nagbakasyon sa California ang kanyang misis at the same time nag undergo sa IVF procedure then after na okay na ang lahat,something came up. Nagkagulo na nauwi sa ganitong sitwasyon na hindi na namin nakita si Alexis at ang mga bata."
"Your sister and her wife,Wait, what?!" Naguguluhan niyang reaction. Si Jade na ang sumagot sa kanyang tanong.
"Alright! Yung sister niya may asawa at babae at buntis siya. Of course thru IVF yun pero biglang nawala. Five years ago na din. Akala namin ikaw yun at nagpretend ka lang na di mo kami kilala dahil sa galit mo sa kapatid niya." Turo nito kay Jannel. "Pero yun nga nakwento mo sa amin kaya lalo kaming nawalan ng chance na makita si Alexis at ang twins."
"I see. Hindi ko din alam paano kayo matulungan since ako nga din diko alam paano ibalik sa dati yung hirsura ko. At sino ang mananagot sa ginawa nila sa akin. Kasi what if one day mag asawa ako and then makita niya yung totoong mukha ko baka iwanan niya ako di ba?"
"Tsk. Ang saklap naman ng sitwasyon. Sige Trix, salamat ha at pasensiya na sa abala. Alam mo ba na ang may ari ng mukha na yan ay isang matinik na pulis at kaaway ng mga malalaking sindikato? Kaya mag-ingat ka dahil baka mapagkamalan kang ikaw ang nagpatumba sa madaming drug lord dito sa bansa." wika ni Jannel.
"Nananakot ka ba?"si Trixie aka Alexis face.
"Nope. Sinasabi ko lang yung mga posibleng mangyari." si Jannel ulit.
"Kung may mangyari sa akin well maybe hanggang dun na lang talaga ang buhay ko. At kung sino man ang may gawa nito sa amin, karmahin sila sana."sambit ng babae. Then ilang minuto pa ang tinagal ng kanilang pag-uusap ng magpasya itong umuwi na. Umalis din agad ang mag inlaws at magulo ang kanilang mga isipan.
"Jade, do you think kailangan malaman ito ni ate?"
"Oo naman no. Para at least may idea na siya na ibang mukha na malamang si Alexis or maybe same ang mukha nila at yung isa nasa Pilipinas at ang isa still on the loose."
"Oh s**t!" Si Jannel.
"What again?!"
"Bakit di natin nahingan ng kanyang number yung Si trixie." Napatampal sa noo si Jannel.
"Ugh! Ang tatanga natin talaga." Ingos ni Jade.
*********************
Days and weeks had passed dumating ang araw na pinanabikan ni Yana ang makita ang kanyang binatilyong anak na si Timmy ang ang kapatid nito na si Jannel kasama ang asawang kaibigan din ni Yana at ang kanilang anak. Hindi na nagawang sumundo ni Yana sa airport since may kalayuan ito sa kanilang tirahan. Nagkasundo na lamang sila na sa terminal ng bus na lamang siya susundo dahil mas malapit ito sa kanilang bahay. Matapos magbilin ng kung ano ano sa mga tauhan, nilisan na niya ang kanilang bahay. Dala ng pananabik, halos paliparin niya ang nasabing sasakyan. Maaga siyang nakarating tuloy sa terminal.
Habang naghihintay sa kanyang kamag-anakan, madami itong napapansin sa lugar. Talamak pa rin ang pinagbabawal na gamot. Sa tagal ng paninirahan niya sa Bicol madami na itong nalalaman.
"Kawawa naman si Andrea. Hindi niya yata Alam na ang asawa niya ang isa sa mga drug protector dito sa Bicol. Kaya pala ganun na lang katapang ang ugok. Tsk!" Sambit sa isipan ni Yana. Then biglang nagsidatingan ang mga bus galing iba't ibang lugar. "God, this is it."
Then bumaba ang gwapong binatilyo na si Timmy, kasunod si Jannel at may hawak na bata at kasunod din ang kabarkada ni Yana. Mabilis na lumabas ng Van ang dalaga at sinalubong ang mga bisita.
"Oh my gossshhh!!!" Sigaw ni Yana at mabilis na inakap si Timmy. Nakalimutan niya yatang isa siyang matapang na agent. "Ang laki laki mo na." Naluluhang yakap niya kay Timothy.
"Mommyyyyyy!!!!! Whoah!! Mom, you still look great. Hahaha!! I missed you." Nakapout na wika nito.
"Sobrang miss din kita baby boy. Pero di ka na baby dyosko. You'll be taller than me soon."
"Of course mom..hehehe."
"Ate, muahhh! Grabe ang layo naman ng pinuntahan mo." Reklamo ni Jannel after nila magyakapan.
"Hay naku. Oh Ito na ba pamangkin ko?" Sabay yuko niya para yakapin ang bata.
"Oo naman. Look at the mukha. Me and my husband." Si Jannel.
"Naku. Sayo lahat nakuha. Dahil kung sa kanya mas delikado." Biro ni Yana sa kaibigan na tinapik tapos niya sa balikat. "Thanks bro for taking care of my sister."
"Naman Bro. Love of my life ko ang mga iyan. Hehehe!. Hindi na tayo magkabarkada lang ngayon, Brother pa. Hahahaha!"
"Leche! Sa dami ng babae si Jannel pa talaga eh no. Subukan mo lokohin yan, lagot ka sa akin."
"Paano ko pa magawang manloko, yang kapatid mo agent din eh. Kaya wala akong lusot."
"Mahal nagsisisi ka na ba?" Si Jannel.
"Hindi mahal ah. Ikaw naman. Hehehe."
"Uy tama na yan. Tara na sa bahay para makapag pahinga kayo at madami kayong dapat ikwento."
They hurriedly load all their stuffs and hit the road back to Yana's house. On their way home, non-stop kwentuhan at tawanan. Pinagtuturo din ni Yana ang mga nadaanan nilang mga lugar. Dumaan din sila ng Market at namili. Then nagbyahe pabalik na sa house ni Yana. Mahigit isang oras na byahe, nakarating din sila sa bahay ni Yana. Then nagtataka sila dahil may mga magagarang sasakyan sa labas ng kanilang bahay.
"Ate may bisita ka yata na mayaman."sambit ni Jannel.
"Hmm, if I'm not mistaken, asawa yan ng future governor ng Legazpi. Baka kukunin na niya yung bibilhin niyang mga biik." Wika niya habang dahan dahan siyang nagmamaneho. "Guys, I am Mia and I'm not an agent. Basta Mia lang ako. Tim, you can still call me mommy pero palabasin ko na anak ka ng friend ko. Okay ba yun?"
"Yes po mommy."
Pumasok na ang sasakyan sa loob ng kanilang bahay at agad na nakita nila ang kanilang mga bisita na naghihintay sa kanila. Si Mang Kanor ang nag entertain kasama ni Kiray. Agad na lumabas ang mga sakay sa Van. Agad na nilapitan ni Yana ang mga panauhin.
"Andrea! Kanina pa ba kayo?"
"Hindi naman gaano... um may mga bisita ka pala baka nakakaistorbo na kami."
"Ah hindi. Kapatid ko galing maynila. Hehehe. Halika pakilala kita sa kanila."
Nahihiya namang napatayo si Andrea at sumunod sa likuran ni Yana papunta sa mga bagong dating na panauhin.
"Hey guys I'd like you to meet Andrea. Wife siya ng magiging future governor ng Legazpi. Andrea meet my sister Jannel, her husband, they child and my beloved anak anakan Timothy." Pakilala niya sa lahat.
"Hi Andrea!" Jannel and the husband said in unison.
"Hello! Welcome to Legazpi City. Sana mag enjoy kayo sa inyong pag visit dito sa amin. Hehehe!.." Lahat natulala maliban kay Yana ng marinig nila ang kanyang boses. Maging ang binatilyong si Timmy Ay nagulat din.
"Alexis...?"Jannel. Mommy?"Timmy. Mahinang sambit ng dalawa at nasa Kay Andrea ang kanilang mga mata.