Seven

4601 Words
Nataranta naman si Yana ng marinig niya ang mahinang pagsambit ng dalawa. At para hindi magtaka ang kanyang bisita, agad agad niyang iniba ang atmosphere. "Hahaha! Sabi na nga ba eh. Ganyan din reactions ko nung nakita ko siya at narinig ang kanyang boses but actually hindi eh. Ka boses niya lang pala siya." agad na bawi ni Yana at binigyan ng kakaibang tingin si Jannel at nakuha niya naman ito. "Hay jusko akala ko nagmulto na siya. Hehehe. Sorry ha, pero mas maganda ka naman at mukhang mas mabait dun sa taong hindi na nagparamdam sa amin." turan ni Jannel. "Oh gosh! Nagulat nga ako eh kasi parang tinakot ko yata kayo." sambit naman ni Andrea. Hindi kinaya ni Timmy ang naririnig niya kaya nagpaalam ito na pumasok sa loob ng bahay. Sinabayan na ito ni Jannel at mister nito at anak. Pero bago pumasok ng bahay ang binatilyo, isang malungkot na tingin ang pinakawalan nito at hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Yana. Nang makaalis ang mga bisita ni Yana hinanap naman niya ang natutulalang si Andrea dahil nakita niyang nakasunod ang mga paningin nito sa lalaking binatilyo. "Andrea, pasensiya ka na ha. Pati sila napagkamalan ka tuloy. Hehehe." "Naku okay lang. May ganun naman talaga siguro na minsan napagkakamalan ka ng iba. Hehehe kakatuwa nga eh." Sabay titig kay Mia. "Um, Is she really special to you?" Yana turned her head and gave her a blank stare and nodded vigorously then smiles. "But then she left us without a word. And we don't know where to find her. Minsan mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap di ba? So Bakit ko pa siya hahanapin? Actually matalino yun eh. Kapag mahalaga kami sa buhay niya at itinuring kaming kaibigan, siguro nagparamdam na iyon, but wala eh. I don't chase people anymore. I learned that I'm here and I'm important. I'm not going to run after people to prove that I matter." "Actually you are right. Hmm, hayaan mo na muna siya baka hindi pa niya nakita how great and amazing person you are." "Ahem! Why did you say that?" "Well, base sa mga kwento ng mga tauhan mo eh masasabi ko na mabuti kang nilalang. And I guess, masasabi ko na I'm lucky meeting you too."at ngumiti ng bongga that made Yana's heart jump for joy. Ito ang mga ngiti ni Alexis that made her heart melted. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan hanggang sa makarating sila sa kulungan ng mga baboy. Ilang minuto din siyang tumitingin sa mga biik hanggang sa makapili na ito. Tinawag ni Yana ang isang tauhan upang magpatulong. Dumating din ang mga bodyguards na kasama ni Andrea para sa pagbitbit ng mga ito. "Magaganda ang napili mo. Malay mo after several months pwede ko na sila bilhin. At that time pwede na sila pang lechon. Hahaha!" "Nakuuu! You're not kidding right?" "Why?" "My kids won't sell them for sure. Hahaha!" "Haah kids this days, I know. Sige na nga di ko na sila lelechonin." "Hahaha! You're silly!" Sabay hampas ni Andrea sa shoulder ni Yana. Isang simpleng pagsulyap sa kanyang balikat ang kanyang pinakawalan. Another clue, isa sa mga mannerism ni Alexis kapag nagiging excited ito. Kaya kapag nanood kayo ng movie, make sure maglagay ka ng kahit na ano sa katawan para okay lang kahit hampasin ka ng ilang beses. SA LOOB NG TAHANAN Yakap yakap ni Jannel ang binatilyo dahil walang tigil ito sa pag-iyak. Hindi ito umaalis sa bintana at sinisilip ang nasabing mystery woman sa katauhan ni Andrea. Kitang kita sa mukha nito ang matinding pagkalungkot. "Huhuhu...siya po yan Tita Jannel huhuhu...malakas po ang kutob ko na si Mommy po yan..(sobs)" "Shhhh! Sweetie, kalma ka muna ha kasi hindi natin alam kung ano talaga ang nangyari. Kung...kung siya iyan malakas ang kutob ko na your mommy Yana is doing her secret investigation about that woman. Kilala ko ang mommy Yana mo. Kapag may gustong malaman, lahat yan gagawin niya para lang malaman ang katotohanan. Kaya maghintay lang muna tayo. Tsk! Ako nga din kanina eh parang nakakita ng multo ng marinig ko ang kanyang boses." turan ni Jannel habang walang tigil sa paghagod sa likod ng binatilyo. Nakasilip silang tatlo sa may bintana. "Gulat na gulat nga din ako mahal nung magsalita na siya kaya nga nakatitig na lamang ako sa kanya. Iniba man ang mukha pero meron talaga siyang mga gawain na kagaya ng kay Alexis." segunda ng asawa ni Jannel habang nakikipaglaro sa kanilang anak sa harap ng tv. "Mukhang nakapag asawa ng mayaman mahal kasi tingnan mo may mga bodyguards sa labas ng bahay ni Yana." "Napansin ko nga din yan kanina. At base sa mga nakikita kong mga lalaki sa labas kanina, hmm may kakaiba sa kanilang among lalaki. Parang may gawaing labag sa batas."wika ni Jannel. Bigla silang napabalikwas ng marinig ang boses ni Yana. Sumilip silang tatlo. Nakita nila ito na nagpapaalam sa dalaga kasunod ang isa pang babae na maganda. Then kumaway si Yana sa mga ito at sinara ang gate. Hinarap ni Yana ang isang babae at parang nagbibigay ng instructions. Pagkatapos lumapit sa may matandang lalaki at kinausap din ito. Saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay. "Hello guys..."bati ni Yana sa kanyang bagong dating na bisita. Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sa kanya at tinignan sila ng may lungkot sa mga mata. "Alam ko ang mga naiisip niyo dahil ganun din ang reaksyon ko noong nakita ko siya at marinig ang boses. Don't worry, gumagawa ako ng paraan kung paano ko malaman ang kanyang pagkatao. At kapag napatunayan ko na siya nga ang hinahanap natin... I'll do anything in my power na bawiin siya kasama na ang mga anak ko at mananagot ang may kagagawan ng lahat ng ito." "Ate, sino ba ang asawa niya at saan siya nakatira?" si Jannel. "Anak ng gobernador ang kanyang asawa. Nagpunta na kami doon dahil pinapunta niya kami. Mukhang may kakaiba sa mga activities ng mga Mendez eh. Sobrang yaman nila. Parang may mga hidden wealth and businesses." sagot ni Yana. "Anong binabalak mo ngayon ate kasi si binata mo iyak ng iyak at malakas daw ang kutob niya na mommy niya ang kaharap niya kanina..." Nagpalinga linga si Yana na parang may hinahanap. "Nasaan na pala si Timmy?" "Biglang pumunta diyan." turo niya sa bukas na pintuan. "Ah baka nagcr lang siya. Naghahanap pa ako ng magandang pagkakataon. Kasi mahirap din lalo na ngayon na wala siyang maalala. Yung nasa utak niya ay ang kanyang asawa na si Mendez. Nakakaselos nga sila dahil masyadong intimate kung magyakapan at magtinginan. Tapos may halikan pa sa lips. Nakakadurog ng puso at alam ko na may nangyayari din sa kanila kasi of course yun ang paniwala niya na asawa niya ang lalaki na yun. It hurts but i have no choice. The only option I do have is to go with the flow." Lahat sila napalingon ng bumungad sa kanila si Timmy na sobrang lungkot. Yana got up at inakap ang binatilyo. "Don't worry baby, kapag napatunayan ko na siya ang mommy mo gagawin ko ang lahat mabawin lang siya at ang mga kapatid mo okay ba yun sayo?" He just nod and sat back down on the chair at nanood ng tv. May narinig na silang mga ingay na nanggaling sa kusina. Lumabas si LJ at ngiting ngiti. "Ate Mia, nakahanda na po ang mesa..."saka sinulyapan ang binatilyong nasa tv ang mga mata. "Thank you LJ... tara na kumain na muna kayo dahil malayo pa ang pinagmulan niyo. Tamang tama din ang punta niyo dahil next week fiesta dito kaya tingnan niyo may mga decorations sa plaza na pinaglalagay nila."sambit nito habang papunta sila sa kusina. "LJ, tawagin mo na si Mang Kanor at Kiray para sabay na tayong lahat kumain." "Opo ate Mia..." sabay takbo niya palabas ng bahay. Makalipas ang ilang saglit, magkasunod na silang dumating at kanya kanya na silang upo. Pinakilala ni Yana ang mga ito sa kanyang bisita at dahil na orient niya ang mga ito kanya kanya silang dramahan para hindi nila malaman ang nakaraan ni Yana. Masaya nilang pinagsaluhan ang munting handa sa kanilang tanghalian. After nilang kumain, lumabas ang mga ito at binisita ang maliit na lupain ni Yana na may mga tanim na tropical fruits na ngayon ay namumunga na ang iba. May mga baboy at lechunan sa bayan. Tuwang tuwa ang mga ito dahil sa sariwang hangin na kanilang nalalanghap. "Ate ang ganda dito... sariwang hangin at tahimik ang lugar. Maririnig mo yung huni ng mga ibon. Ang ganda." "Kaya nga nung nakita ko ang lugar na ito, kaagad na naghanap ako ng pwedeng mabilhan na lupain na pwede kong patayuan ng bahay. Tapos nagtanong tanong ako kaya ito ang tinuro sa akin. Dati kasi dun sa tinirhan namin ni Brandi madaming tsismosa, mabunganga ang mga babaeng kapitbahay. Umagang umaga nagtatalak na sa mga asawa. Yung magigising ka sa sigaw na.... "CARDDOOOOOO YUNG ANAK MO UMAKYAT SA IBABAW NG TABLE!!!"(in Bicol dialect) "TUYO NA NAMAN ANG ULAM??!!" "PITCHIIIII KUNG HINDI SUMASABIT YANG PEKPEK MO SA KATAWAN MO BAKA KUNG SAAN SAAN NA YAN NAKAKALAT!!" "Hahaha!" tawa ni Jannel. "Grabe pala yang mga kapitbahay mo na yan." "Meron pa nga akong narinig one time na... "ANO KA BA NAMAN TIKBOY! TINATAYUAN KA NA NAMAN?! INUMAGA NA NGA TAYO DAHIL SA PANGABAYO MO!!" "Ppppfftttt! Holy s**t!" asawa ni Jannel sabay takip ng bibig dahil baka marinig ng kanilang anak. "Mahal boses mo..." "Ayun ang anak mo oh nilalaro ni LJ at Kiray." turo ni Yana sa kanilang anak. Andun din si Timmy at nag eenjoy sa mga tanawin habang kasama ang mga sidekick ni Yana. Naglakad pa sila hanggang sa makarating sila ng niyugan. Nagpakuha si Yana ng young coconut sa mga tauhan. Namitas din sila ng mga fruits at basta na lamang nila pinagpapapak. Kung ano ano ang kanilang kinain ng mga oras na iyon. Pagkauwi nila, Yana drove to the next village para mamili ng mga crabs, fish and prawns. Nang makabili na siya, bumalik na ito sa kanilang bahay at pinaluto ang mga ito. Ito na naman ang pinapak ng kanyang mga bisita. Habang nagkukwentuhan panay lang ang kain nila. ANDREA POV Pupunta kami sa bahay ni Mia ngayon para kunin ang mga biik para sa kambal. Hindi ko isasama ang mga bata para isusurprise ko sila mamaya pagbalik namin. Mike is not around. Parating may pinupuntahang mga lugar para tingnan at alamin ang kanilang mga needs. O kaya siya yung mangangasiwa sa pagpapaayos ng mga infrastructure. Ewan ko ba sa kanya at bigla niyang binalak na tumakbo bilang governador ng Legazpi? Kaya pa naman ng aking father in law ang mamuno ng nasabing bayan. Masyadong matulungin ng asawa ko. Okay naman ang buhay naming apat sa ibang bansa tahimik at masaya. Walang nakikialam sa amin. Nakaka intrigued yung pagkatao ni Mia para sa akin. Hindi ko alam pero parang...parang gusto ko siyang makilala ng lubos at well maging kaibigan since wala akong masyadong kaibigan dito. Actually, sa dami ng pinakilala sa akin siya pa lang yung nagbigay sa akin ng guts na makilala pa siya. Pero it's kinda funny na masama siya sa pananginip ko at itanong sa akin kung mahal ko pa ba siya. Gusto kong matawa sa panaginip na iyon. Funny indeed! "Ate, ngayon na ba natin kukunin yung mga biik?" tanong sa akin ni Kat habang papunta Kami sa bahay ni Mia. "Hmm uh huh. Siguro naman by this time medyo okay na ang mga biik na mapahiwalay sa kanilang mga nanay. I can't wait to see the kids reactions Kat! I'm sure they'll be surprise kapag makita nilang may laman na ang pigpen. Ewan ko ba at yun ang naisip nilang alagaan." nakangiti kong sabi kay Kat. Then muli kong binaling sa kalsada ang aking paningin. Nakangiti lang ako na hindi ko alam kung ano ang dahilan nitong mga ngiti kong ito. Habang papalapit kami sa bahay ni Mia, kinakabahan ako na ewan. I had this uneasy feelings. Hayss... "Sigurado ako diyan Ate." Then natahimik siya kaya napalingon ako sa katabi ko. "Ate, wala yata ang sasakyan ni ate Mia."habang nakasilip sa loob ng gate. Nagkandahaba haba na rin ang leeg ko dahil gusto ko siyang makita. s**t! Did I just say...,? No! Im here because of those biik and not because of her. "B-baka may pinuntahan la-lang." napalingon sa akin si Kat when I stuttered. "s**t!" I hissed. "Are you okay ate?"she asked raising her eyebrows. Hmm, ano ang ibig sabihin niya dun? "Hahaha. Nabulunan lang ng laway." I lied. "Don't mind me Kat, seriously I'm okay." tatawa tawa kong turan. Leche bakit kasi ako nagkaganun. At kunot noo na napatanaw sa loob ng gate. "Parang walang tao.." sambit ko. "Bababa muna ako ate at mag doorbell po."muli niyang sabi kaya napatango ako sa kanya. I stayed in the car and waited. She pressed the button twice Then bumukas ito at lumabas si chubbylita Kris. In fairness she's cute kapag hindi nakasimangot at nagpapayat kunti. Naiwanan Siguro ito ni Mia sa kitchen. "Gosh! Ang mean ko naman.. sorry lord."kastigo ko sa akong sariling isipan. Nakita ko na nag uusap sina Kris and Katrina. Hmm, kakaiba ang kislap ng mga mata ni Kris ah. "Is she lesbian?" Asking my left brain. "Ate! Wala daw po si ate Mia!" Sigaw ni Kat. Wala nga siya. Bakit parang nakaramdam ako ng lungkot? Oh geez! I'm not sad. "Pauwi na po siya ma'am. May sinundo lang mula sa terminal po ng bus. Pumasok po muna kayo habang naghihintay kay ate Mia." Hindi ko alam kung papalakpak ako o sa unit an ko itong puso kong walang tigil sa pagtibok ng malakas. Hindi ko talaga maintindihan itong sarili ko na sa tuwing makita ko si Mia sobra akong kabado. Hindi naman ako ganito kay Mike. "Si-sige maghihintay na lang kami sa loob." Sagot ko at bumaba na ako ng sasakyan saka sumunod sa dalawa. Nakaupo Kami sa ilalim ng punong manga na madaming bunga. Mia mentioned about fruit trees. Madami daw sa kanilang likuran na mga tropical fruits and yung iba pwede na daw harvest. May rambutan, star fruit, mango, etc. Tinanim daw yun ng kanyang kaibigan. And she told me na malambing at sweet na tao daw yun unfortunately god took her to heaven na. "Ate pupunta Lang po kami dun sa may garden po."dinig ko na wika ni Katrina. Kumaway na Lang ako at masayang pinagmamasdan ang mga kulay green na mangga. "Nakakalaway ka naman." habang nakatingala sa puno ng mangga sabay lingon ko sa harapan ng gate dahil may narinig akong parang tumigil na sasakyan. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil bakit yatang parang nangangabayo yung puso ko sa bilis ng pintig nito. Ano ba talaga ang meron sa babaeng ito maliban sa kanyang negosyong baboy? Then ito na nga at lalong lumulukso sa tuwa ang suwail kong puso lalo na nang ngumiti si Mia sa akin. Bwesit talaga ang babae na ito at ganito kalakas ang effect niya sa akin. Hindi naman ako ganito sa asawa ko. Para akong teenager na naeexcite makita si crush. Ang usapan namin actually na siya ang maghahatid ng mga biik sa bahay pero ito ako at gumawa pa ng paraan para makapunta sa kanila. Is this what they call...nagpapapansin lang kay crush? Jusko pang teenager... and besides I'm not into girls or am I? Tsk! Pagkapark niya ng sasakyan may mga nagsilabasan kasabay ni Mia. Marahil ito yung sinasabi nila kanina na sinundo niya sa sakayan ng bus. Kitang kita ko agad yung maganda niyang mga ngiti. Mabuti na lang at umalis si Kat baka isipin nun kinikilig ako. "Andrea! Kanina pa ba kayo?" "Hindi naman gaano... um may mga bisita ka pala baka nakakaistorbo na kami." "Ah hindi. Kapatid ko galing maynila. Hehehe. Halika pakilala kita sa kanila."at parang may hinahanap at napunta ang tingin niya dun sa kinaroroonan nila Kat. Then lumapit kami sa kanyang mga bisita na galing Maynila. May kuntig hawig sa kanya ang babae, marahil ito ang kanyang kapatid. Napatingin ako sa kasama nilang batang lalaki siguro mga 10-15 years old. Ang gwapo naman nito. Kung mga anak ko lang siya, marahil malalagot sa akin ang mga babaeng magpapaiyak dito. Ang gwapo at ang ganda ng mga mata, yung ilong nito at may pagka brown ang kanyang medyo curl na buhok. "Hey guys I'd like you to meet Andrea. Wife siya ng magiging future governor ng Legazpi. Andrea meet my sister Jannel, her husband, their child and my beloved anak anakan Timothy." Pakilala niya sa kanyang mga bisita.Medyo nahihiya man kaya ngumiti ako sa kanila. Nag-iisip pa ako ng aking sasabihin. "Hi Andrea!" bati sa akin ng mag-asawa at ngumiti ng bonggang bongga. "Hello! Welcome to Legazpi City. Sana mag enjoy kayo sa inyong pag visit dito sa amin. Hehehe!.."I said to them in my hyper mode. Wala lang... excited lang ako na e promote ang lugar ng Legazpi. "Alexis...?" Mommy?"($**$$# Hindi malinaw pero parang may binanggit silang pangalan at nakita kong natulala silang lahat maliban kay Mia. Anong meron? May mali ba sa sinabi ko? Ayaw ba nila na e welcome ko sila? Si Mia ang bumasag ng katahimikan. "Hahaha! Sabi na nga ba eh. Ganyan din reactions ko nung nakita ko siya at narinig ang kanyang boses but actually hindi eh. Ka boses niya lang pala siya." hay sabi ko na nga ba eh. Akala nila ako yung taong hinahanap nila. "Hay jusko akala ko nagmulto na siya. Hehehe. Sorry ha, pero mas maganda ka naman at mukhang mas mabait dun sa taong hindi na nagparamdam sa amin." sambit naman nung kapatid ni Mia. "Oh gosh! Nagulat nga ako eh kasi parang tinakot ko yata kayo." ang tanging nasabi ko at napasulyap sa young boy na sa akin nakatitig at nakakunot ang noo. Nakita ko siyang umalis na malungkot at sumunod din ang mga bisita ni Mia sa kanya. They just waved at me at pumasok sa loob ng bahay. Bakit kaya ganun na lamang kung makatingin ang batang lalaki na yun sa akin. Napaiktad ako ng magsalita na si Mia. Tsk! Kasama ko pala siya. Hays parang nagkaron tuloy ako ng palaisipan. "Andrea, pasensiya ka na ha. Pati sila napagkamalan ka tuloy. Hehehe." "Naku okay lang. May ganun naman talaga siguro na minsan napagkakamalan ka ng iba. Hehehe kakatuwa nga eh." Sabay titig kay Mia. Ang ganda niya pala talaga. s**t ano ba ang nagyayari sa akin? Ugh! Ano na ba ang sasabihin ko? Isip-isip Andrea... "Um, Is she really special to you?" toinks bakit ganun ang tanong ko? Hay bahala na nga. Yana turned her head and gave me a blank stare and nodded vigorously then smiles.Huwag ka ngang ngumiti diyan... "But then she left us without a word. And we don't know where to find her. Minsan mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap di ba? So Bakit ko pa siya hahanapin? Actually matalino yun eh. Kapag mahalaga kami sa buhay niya at itinuring kaming kaibigan, siguro nagparamdam na iyon, but wala eh. I don't chase people anymore. I learned that I'm here and I'm important. I'm not going to run after people to prove that I matter." "Actually you are right. Hmm, hayaan mo na muna siya baka hindi pa niya nakita how great and amazing person you are." "Ahem! Why did you say that?" "Well, base sa mga kwento ng mga tauhan mo eh masasabi ko na mabuti kang nilalang. And I guess, masasabi ko na I'm lucky meeting you too."i said to her then gave her my colgate smile. Hindi na din siya nagsalita kaya nagfocus na lang ako sa pagpili ng mga biik para makauwi na kami dahil may mga asikasuhin pa siyang mga bisita. Nang makapili na ako tinawag niya ang kanyang isang katulong at dinakip ang mga biik na gusto ko then binigay sa aking mga bodyguards. "Magaganda ang napili mo. Malay mo after several months pwede ko na sila bilhin. At that time pwede na sila pang lechon. Hahaha!" "Nakuuu! You're not kidding right?" "Why?" "My kids won't sell them for sure. Hahaha!" "Haah kids this days, I know. Sige na nga di ko na sila lelechonin." "Hahaha! You're silly!" sa sobrang panatag ng loob ko kaya napahampas ako sa kanya na para bang ganun kami ka close. Matapos ko magpaalam sa kanya, pinatawag ko na din si Kat para makauwi na kami. Hinatid pa niya kami sa labas. Bago ako pumasok ng sasakyan, muli akong lumingon sa kanilang tahanan at nakita ko ang young boy na nakatanaw sa aking kinaroroonan. "Who is he? Bakit ganun siya makatingin sa akin?" "Ate shall we..?"ang nagpabalik sa aking katinuan. "Yeah! Yeah... iniisip ko kasi if tama yung nabigay ko na bayad kay Mia." pagsisinungaling ko. Then nilisan namin ang lugar at umuwi na sa aming bahay. Hanggang sa makarating ako sa amin hindi mawala wala sa utak ko ang mga nangyari kanina. "Mommmyyyyy!"salubong sa akin ng mga kambal. Agad naman na niyakap ko sila. "Is daddy home?" tanong ko at hinagilap ng mga mata kung lalabas ang aking asawang parang si Adam and ako si Eve. "No mommy, he's not home yet." nakapout na sabi ng babae ko. Nakuuu ang cute cute niya talaga kapag nag pout na. Pumasok na kami sa loob dahil gusto ko nang magpalit. Masyado kasing mainit kaya nanlalagkit ang katawan ko sa pawis. Tahimik nga sa loob ng bahay. Busy kasi ang mga tao dito parati. Halos hindi ko nga sila nakikita sa isang araw. Si Mike minsan gabi na umuuwi. Mabuti pa noong sa ibang bansa kami everyday kami magkasama. Ganito na lang ba kami palagi? Ringgggg! Riiinnnggg! "Guys, watch muna kayo ng favorite cartoons niyo ha sasagutin ko lang ang tawag." Mabilis silang lumabas ng kwarto at nagpunta marahil sa sala para manood ng tv. Mabilis kong dinampot ang cellphone at sinagot ito. "Hello?" "Hi sweetheart!" "Hello sweetie, bakit iba ang number mo?" "Lowbat yung cellphone ko kaya nakihiram ako ng phone sa isang bodyguard natin. Anyway, just checking on my babies. How's your day sweetheart?" "It was great. Kararating ko lang para kunin ang dalawang biik na binili ko from Mia's farm. Hindi ko pa sinabi sa mga bata." "Really?! I'm sure magugulat at matutuwa ang mga iyon. Oh bago ko makalimutan na baka gabi na ako makauwi mamaya ha. At saka in two days may pupuntahan tayong event. Inimbita ako ng dating kaklase ko na ngayon mayor ng Daet." "Oh sige, just remind me ha baka makalimutan ko na naman yun." "I will sweet heart. Magpahinga ka na muna. Say hi to the kids for me." "I will sweetie. Nasa sala sila at nanonood ng tv. Mag-iingat ka diyan." "Opo wifey. I love you." "Good. I love you too husband." Then she spent most of her time playing with the kids. She saw how excited they were when they saw the two cutie piglets that she bought from Mia's farm. Kids cuddled them and fell inlove instantly with the two little baboy. THAT NIGHT... Halos paliparin ni Yana ang van na hiniram sa kapitbahay sakay ang walang tigil sa pagsusuka na pamangkin. Alalang alala siya dito dahil namumutla na ang bata. "Ano ba ang pinakain mo sa kanya Jannel?!" "Ate kumain lang naman po siya ng kanin at adobong manok. Yun lang." "Kumain ba siya ng buko?" "Opo ate Mia...nakita ko po siya kanina na kumain po at saka manggang hilaw..."sumbong ni Kiray. "Aisshh! Jannel naman eh. Ikaw lalaki bakit hinayaan mong kumain yan ng mga ganun ang anak mo ha?!" "Uy parts. Sa Manila okay naman siya kahit anong kainin eh so tiwala naman ako na maging okay siya dahil kumakain naman siya ng mga ganun." "Ate Mia, baka po nanuno. Yung mga ginagamot ng mga magtatawas?" "Hay naku, meron pa bang mga ganun sa panahon ngayon eh puro high tech na nga di ba?." Nagkibit balikat na lamang si Kiray. Kanya kanya sila ng hula habang papunta ng pagamutan. Kaagad na naghanap ng parking si Yana at itinakbo ng mag asawa ang bata sa loob ng ER. Sumunod naman sa loob si Yana at Kris. "Saan na kaya sila?" "Ate doon po ang ER nila." turo ni Kris. Mabilis silang naglakad sa hallway. Lingon dito lingon doon hanggang sa makita nilang kinakausap na ng nurse ang mag-asawa. Yana checked her wrist watch. Past midnight na. Inaya ang kasama na maghanap ng mabilhan ng coffee dahil ramdam na niya ang sobrang antok since maaga itong nagising para sunduin ang kapatid. Wala din siyang pahinga sa buong maghapon. Nang makabili ng coffee sa cafeteria, bumalik na sila sa loob. Dahil sa medyo complicated na lay out ng hospital, naligaw silang dalawa. "Ay ate mukhang hindi dito ang daan pabalik ng ER."sambit ni Kris. "Hehehe pansin ko nga din. Tara magtanong na lang tayo." lakad na naman sila. Liko sa kanan then kaliwa then walked straight. MEANWHILE "Misis kinakailangan nilang masalinan ng dugo right away."wika ng doctor. "Wala po ba kayong available na blood dito?" si Andrea. "You can check dito if meron silang AB+ dahil yun ang kailangan ng mga anak niyo. You need to provide it asap." Tumango si Andrea kasunod ni Kat papuntang department kung saan makakakuha ng blood. Pagdating doon agad na nagsabi na kailangan niya ng two bags of AB+ na blood. "Ma'am pasensiya na po pero wala po kaming enough na blood na AB+ po. Kasi po yung naiwan diyan para po yan sa baby ni Misis Chelsea Breyers." "Miss baka pwede kong bilhin na lang yun para sa mga anak ko. Magbabayad ako kahit magkano.." "I'm sorry po ma'am pero sa ibang hospital po baka meron. Kailangan na ito kasi ni baby Reyes.." "Ano bang klaseng hospital ito at wala kayong enough na stock!!" "Ate Andi let's go! I'll call Kuya Mike and let him know." Nahimasmasan naman si Andrea kaya nilisan nila ang lugar. Panay na ang kanyang iyak dahil sa takot at pangamba na baka may mangyari sa mga bata. "Hindi pala lahat ng bagay kayang bayaran ng pera." wika ni Andrea at walang tigil sa pagpunas ng kanyang mga luha. Nakaakbay sa kanya si Kat habang naglalakad pabalik ng ward. Paliko na sila ng magkabanggaan sila ng taong hindi niya inaasahan. "MIA?!/ ANDREA?!" Si Yanna ang unang nagsalita. "A-ano ang ginagawa niyo dito? Is everythings okay?" Si Kat ang sumagot dahil nakayuko lang si Andrea. "Andito ang kambal dahil na dengue and naghahanap kami ng dugo na para sa kanila pero wala silang available na ganung blood type." "Hindi ba pwede si Andrea?" "Hindi sila magka blood type ng mga bata eh." sagot ni Kat na nababahala na din. "E di yung asawa niya!" nasa boses ni Yanna ang pagkadismaya. "Kuya is not around." sagot ni Kat. "Mike is not the father of my children..." nakayukong sagot ni Andrea. "W-what did you say?"si Yanna. "Galing sa donor ang mga anak ko. Kasi kapag makita mo ang mga anak namin akala mo foreigner eh pareho kaming filipino. Doon ko nalaman na foreigner pala ang ama nila. Nakwento lang sa akin ni Mike yun after ng aksidente Kaya nga siguro hindi kami magka blood type ng mga anak ko dahil nakuha nila ang blood type ng kanilang ama." "Accident...donor..."si Yana sambit sa kanyang isipan. "A-anong blood type ang kanilang hinahanap?" tanong nito at malakas ang pintig ng kanyang puso... "AB+.." si Andrea sabay tingin sa malayo. Gulat naman ang makikita sa mukha ni Yana. Halos lumabas na sa kanyang dibdib ang puso nito sa sobrang lakas ng pagpintig. "I... am...AB+" sagot ni Yanna na nakatitig kay Andrea... …….
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD