Prologue
...
"Are you ready for my gift? " My mom asks me with full of energy. She seems to have ample of energy for this day again. I'm terribly tired, kakatapos lang ng party at nandito kami ngayon sa sala kung saan may malaking kahon sa tapat ko. Ano namang laman nito?
Nung past birthday ko binigyan niya ko ng motor, branded watch at kung anu-ano pa.
"Buksan mo na River baka mapano pa yung nasa loob" sabi pa niya na tinutulak ako palapit dun sa kahon.
"Fine. Ano ba to?" tanong ko habang sinisira yung gift wrapper. May mga maliit pa ngang butas sa kahon pero hindi ko naman masilip yung nasa loob. Para saan naman to?
"Secret. Buksan mo na lang, dali!" sabi ng mama ko na mukhang mas excited pa sa akin. Pagka-alis nung gift wrapper, may parang pinto pa yung kahon na gawa sa kahoy. Kinatok ko yung kahon and I was right, gawa nga sa manipis na kahoy yung buong box. Ano bang.. binuksan ko na yung kahon at kanina pa ko napapa-isip.
"What the heck?! Ma, I'm not a gay!" reklamo ko agad pagkakita ko ng regalo niya sa akin. What is she thinking? I'm the greatest casanova of Southern Academy then she will give me a doll?
"What? Sinabi ko bang bakla ka, anak? " inosenteng tanong pa niya sa akin.
"No. Pero bakit mo ko niregaluhan ng manika. A human size doll?" tanong ko naman kay mama na naging dahilan para matawa siya.
"Pfffttt... What are you saying son? Hahaha.. She's not a doll. Hahaha... come on Yuwi, laugh with me. " sabi pa ni mama. Now she's talking with a doll. Napasinghap ako sa pinagsasasabi ng mama ko. Is she on drugs?
"And now you're talking to a doll? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"River. She's not a doll. She might look like a doll because of her almost perfect features but she's not. Go on... try to pinch her cute nose. Oh, how I love her nose!" sabi pa ni mama. Nakipagtitigan pa ko sa manika para masigurado kung kukurap ito kaya lang hindi naman ito kumurap.
"Pinagtritripan mo ba ko, ma?" Naiiritang tanong ko. Siya ata ang lasing at hindi ako.
"No. Touch her, bilis!" excited na utos pa niya. Psshhh... Sasakyan ko na nga lang yung trip niya. Lumapit ako sa manika para pisilin yung ilong nito kaya halos nakapasok na din ako sa kahon. Malapit na ako nang bigla niyang hawakan yung kanang kamay ko na ipangkukurot ko sana.
Sh*t muntik pa kong mapasigaw sa gulat, halos matumba ako nang bigla kong mapaatras.
"I told you. Hahaha " tumatawang sabi ni mama. Tinignan ko naman siya tsaka binalik yung tingin sa manika este sa babae na mukhang manika na ngayon ay nakatingin na sa akin.
"Oh! I'm sorry, I can't help it. Kasi Yuwi naisahan natin si River " sabi ulit ni mama na pilit kinakalma ang sarili niya sa pagtawa. Tinignan ko naman yung manika na hawak hawak pa din yung kamay ko. Ang init naman ng kamay nito.
"Tao ka?" Ok,parang ewan lang ng tanong ko pero sh*t talaga, tao siya. Mukha nga lang talaga itong manika, mukha kasi itong este siyang manika kahit pa nakadilat yung mga mata niya tapos hindi pa siya gumagalaw kanina.
"Yeah. I'm Yuwi...Your Guardian."