River Ehren Cruzveda's POV "Tapos nakalimutan ni Miks yung assignment namin kaya ayun napagalitan siya tsa... River... Oi River! Ui!" Bumalik naman ako sa katinuan ko dahil sa pagkakalabit sa akin ni Zhyra. Nandito kami ngayon sa cafeteria, mahabang break kasi exam lang naman. Exam lang naman na siguradong bagsak ang score. - - "Huh?" sabi ko sa kanya kaya napasimangot siya. "Seryoso River di ka naman nakikinig eh." sabi niya habang nakanguso. Bakit pag si Yuwi ang gumagawa niyan parang ang sarap niyang kurutin? Urgghhh... Bakit ko nga ba siya ulit iniisip? D*mn... "Ayan wala ka na naman sa sarili mo. Hmmmp..." tinignan ko naman si Zhyra tsaka siya nginitian ng pilit. "Sige... Hayyy..." sabi niya tsaka ngumiti sa akin at tumayo. "I understand River. Babalik na lang ako namaya pag

