- River Ehren Crusveda's POV - " Oo na. Oo na... Papunta na " sabi ko kay Neo tsaka in-end yung phone call. " Ma. Alis na ko. May band practice kami " sabi ko kay mama tsaka kinuha yung susi ng sasakyan ko. " Hep hep. Isama mo si Yuwi." sabi ni mama. Saturday kasi ngayon kaya wala kaming pasok kaya lang may practice. Ngayon na nga lang kami ulit magsasamasama nung mga baliw na yun kasi busy sila. Busy sa pagpapakabusy _ _ " Band practice lang yun " sabi ko. " Isama mo si Yuwi. " sabi ni mama na gumagawa ng paper works niya. Bumaba naman si Yuwi galing sa kwarto niya. " Let's go? " sabi ni Yuwi na bihis na. Nagbihis siguro to nung napansin niyang aalis ako. Wala talaga kong takas. " Fine. " sabi ko tsaka lumakad papuntang pinto. Nagvibrate naman yung cellphone ko. Hawak ko na yung

