- River Ehren Cruzveda's POV - " Hey Yuwi tara samahan mo ko sa labas. " sabi ng Andrew na kakarating lang. Nakita na ngang kausap ko pa si Yuwi eh. " I'm with my master, shiro. " sabi ni Yuwi kay Andrew. Si Yuwi lang daw pwede tumawag sa kanya ng Shiro. Eh ano naman? Mas unique nga tawag sa akin ni Yuwi eh. Riverehren... " Pffftt... " ayan na naman nagpipigil na naman ng tawa tong Andrew na to. Nung nakaraan pa to eh... Nung tinitrain niya ko, bigla bigla na lang matatawa o magpipigil ng tawa. Hindi kaya baliw tong guardian ni Yuwi? " Alam mo Master ok lang yan. Kaya naman ni RIVER na mag-isa. Ako kaya nagtitrain diyan. " sabi niya tsaka ako tinignan. Tinignan din naman ako ni Yuwi na parang nagtatanong kung ok lang. " Kaya ko ang sarili ko." Sabi ko tsaka tumalikod at umalis. Tsss..

