"ANAK, sa susunod huwag na huwag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala. Huwag ka ring sasama sa taong 'di mo pa kilalang lubos," pinapalambing ni Gretel ang boses para hindi matakot ang anak niya. "Pero, mommy. Mabait po si Kuya Pogi saka pogi pa po," natutop ni Bern ang bibig niya na animo'y kinikilig sa Kuya Poging sinasabi nito. Napaawang ang labi ni Gretel sa tinuran ng anak. "Behave, anak. Go to your room. Pero maligo ka muna at pagkatapos gawin ang assignments mo. Pupuntahan kita mamaya para kumain ng hapunan." Tinanguan siya ng anak niya at mabilis na pumunta sa kuwarto nilang mag-ina. Naging palaisipan sa kaniya ang tinatawag ni Bern na Kuya Pogi. Pero naiwaglit niya rin sa isipan sa lalaking nakakausap ng anak niya sa eskwelahan. Tatanungin na lang niya ang teacher ng anak niy

