Chapter 1
"HI, Gretel. Kumusta ka?" lakas loob na bati ni Bernard sa kanya. Umagang umaga ito pa ang unang taong makikita niya na sobrang kinaiinisan niya. Nakalabas na siya ng gate at papasok na sana sa university ng makasalubong si Bernard.
"Kanina okay ako. Maganda pa ang araw ko. Pero ngayon sira na," pagsusuplada na sagot ni Gretel sa binata. Kunot noo pa siyang nakatingin sa binata.
Inilahad ni Bernard ang isang bungkos ng bulaklak ng santan sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ibibigay sa kanya ang mga bulaklak na hawak nito.
"Pasensiya na, Gretel. Ito lang ang nakayanan ko," saka na nahihiyang napakamot sa ulo niya.
Matagal na siyang gusto ni Bernard. Ipinapakita niya talaga dito na hindi niya nagustuhan ang mga bulaklak na ibinigay nito sa kanya. At dahil sa nakikitang inis sa mukha niya habang nakatingin sa mga bulaklak. Parang nagbago ang reaksiyon ng mukha nito.
"Wala ka bang ibang alam na bulaklak? At ito pa talagang santan!"
"Ito lang ang kayanan ng bulsa ko. Pinitas ko lang din ito sa hardin ni Mama. Hayaan mo kapag nakasahod ako. Rosas na ang ibibigay ko sa 'yo."
Tumaas ang kilay ni Gretel. Tiningnan niya ang binata mula ulo hanggang paa. Saka napailing ng ulo. "Iyon na nga, e! Hindi ka ba nahihiya na ligawan ako? Isang kolehiyala tapos ikaw, isang tambay lamang! Tsaka, isang hamak na part time construction worker! Minsan wala pang trabaho. Ang gusto ko sa lalaki 'yong mayaman at hindi isang katulad mo!" pang-iinsulto sabi ni Gretel.
Nagyuko ito ng ulo sa sobrang pagkapahiya. At nang makabawi ay humarap ito sa kanya.
"Ang sakit mo naman magsalita. Pasensiya na talaga. Kung ganito lang ako, na mahirap lamang ako. Hind ko sinasadya na ikaw ang itinitibok ng puso ko. Mahal kita na isang mayaman. Pero para sa akin walang malawak na pagitan sa ating dalawa. Unang kita ko pa lang sa 'yo. Nagkagusto na kaagad ako. Alam ko na napakahirap mong abutin. Wala man akong maipapagmamalaking yaman sa mundong ito. Ang aking maiaalay sa 'yo ay ang wagas at tunay na pagmamahal ko, Gretel," sinserong saad ni Bernard.
Hindi nakaimik si Gretel. Parang nawalan siya ng sasabihin at nag-iba bigla ang kanyang naramdaman. Parang nakunsensiya siya sa mga panghahamak niya sa binata.
May itsura si Bernard. Guwapo at matangkad. Maganda ang tikas ng pangangatawan nito. Iyon lamang hindi ito magaling pumorma. Katulad ngayong nasa harapan niya, nakawhite t-shirt ito na may maliit na butas sa dibdib at nakamaong na kupas. Suot pa ang tsinelas sa paa na pudpod ang swelas.
Mabilis na kinuha ni Gretel ang bulaklak ng santan. Saka umalis sa harapan ni Bernard.
Natuwa ang puso ni Bernard ng tinanggap ni Gretel ang mga bulaklak na pinitas niya habang tinatanaw ang dalaga na palayo sa kanya. Kahit pa walang paalam itong umalis. Iiling iling na lamang siya dahil sa umagang umaga na pagsusuplada ni Gretel.
"Sunduin kita mamaya, Gretel!" nakangiting pahabol pa na sigaw ni Bernard kay Gretel.
Napatigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. Sobrang tamis niya itong nginitian. Irap naman ang ganti ni Gretel sa kanya.
Mataray at masungit si Gretel. Maamo ang mukha nito. Hindi niya maintindihan ang sarili kahit na binastos at palaging nire-reject siya ni Gretel ay mas lalong lumalakas ang kanyang hangarin na masungkit ang puso ng dalaga.
Kapitbahay nila Bernard si Gretel. Nasa malaking bahay ito nakatira na katabi lang ng bahay nina Bernard. Isang maliit na yari sa kahoy ang bahay nila Bernard. Gayunman, malawak ang bakuran nila. Maraming mga tanim na halaman ang mama niya. Pati na rin ang kinuha nitong bulaklak ng santan.
Alam ni Bernard ang oras ng pagpasok si Gretel sa university. Kaya tuwing umaga bago pumasok sa trabaho ay inaabangan niya ang dalaga. Masilayan man lang ang mukha nito ay buo na ang araw niya.
Halos magtatalon ang puso niya sa tuwa. Ito ang unang beses na kinuha ni Gretel ang ibinigay niyang bulaklak. Sa araw araw na pagbibigay niya ng bulaklak ay palaging itinatapon nito o kaya ay inaayawan ang mga bulaklak na ibinibigay niya.
"Bernard, masaya ka yata," punang sabi ng Mama niya. Habang isinisilid ang tupperware, laman ang baon niya sa kanyang bag na dadalhin sa trabaho.
"Ma, batiin niyo po ako," hinawakan ni Bernard ang kamay ng ina. At nagtalon talon.
"Ano ka bang bata ka! Bakit naman kita babatiin? Hindi mo naman birthday ngayon."
"Ma, sa wakas tinanggap ni Gretel ang bulaklak na ibinigay ko," buong galak na sabi ni Bernard. Sobrang tuwa sa puso niya. Kinuha ang kamay ng Mama niya at isinayaw sayaw. Saka pinaikot ang ina.
"Si Gretel ba kamo? Ano ba ang nagustuhan mo doon, Bernard? Ang sungit 'non at napakamatapobreng bata. Manang mana sa mga magulang niya."
"Ma, 'wag naman po kayong ganyan kay Gretel. Alam ko pong may kabaitang taglay din siyq. Saka kakaiba po siya. Kahit na masungit at suplada."
Napailing si Gida. "Sige na nga. Kung gusto mo talaga siya. Saka tumigil ka nga at nahihilo ako sa ginagawa mong pagsasayaw sa akin. Alam mo namang mahina na ang Mama mo. Hiningal tuloy ako," saway ni Gida sa anak. Binitiwan ni Bernard ang kamay nang ina. Napahawak naman sa dibdib niya si Gida. Hinahabol ang paghinga.
"Mama, huwag niyo pong kalimutan ang vitamins niyo. Hinahapo na kayo agad."
"Hindi ko naman kinakaligtaan. Talagang hindi na katulad ng dati ang katawan ko," sagot ni Gida kay Bernard.
"Maigi pa po ay huwag na po kayong tumanggap ng labada sa kabilang kanto. Ako na po bahala sa atin," kahit na may edad na ang Mama niya ay hindi pa rin ito humihinto sa pagtatrabaho.
"Kaya ko pa naman. Pandagdag din ang nakukuha kong pera sa ipon mo. Nang masubukan mong muling mag-aral sa kolehiyo," ang anak pa rin niya ang iniisip niya. Kaya ayaw niyang huminto sa pagtatrabaho. Gusto niya man lang ay may maiwan siya sa anak niya. Kahit man lang ng matapos si Bernard nang pag-aaral ay masaya na siya. Iyon naman ang pangarap ng kahit na sinong magulang sa kanilang mga anak. Ang makatapos ng pag-aaral at magkaroon ng diploma. Ang tanging kayamanan na hinding hindi mananakaw nang sino man.
"Ang tigas po nang ulo ng Mama ko. Kaya ko na po kayong buhayin. Saka makakapag-aral pa rin po ako. Hindi pa nga lang po sa ngayon," ani Bernard. Hindi pa rin nawawala ang hangarin niyang makapagtapos ng kolehiyo. Pero sa takbo ng buhay nila ngayon ng Mama niya ay 'di pa niya kakayanin. Isa pa ay extra lamang siya sa pinapasukang construction. Siguro'y kapag nakahanap na siya ng marangal na trabaho, itutuloy niya ulit ang pag aaral niya.
Ngumiti ng matamis si Gida sa anak. "Oh, siya. Naayos ko na ang baon mo. Nasa loob na ng bag mo lahat. Pati ang pamalit mo na damit. Andiyan na rin at towel. Huwag kang magpapatuyo ng pawis sa likod mo," mga bilin ni Gida sa anak.
"Salamat po, Mama. Malapit na po pala ang dumating ang sahod ko. Gusto ko po sanang mamasyal tayo sa bayqn," tugon ni Bernard sa ina.
"Gastos lang iyang iniisip mo, Bernard. Okay na ako bumili ka ng pritong manok sa bayan. Tapos dito natin kainin sa bahay. Masaya na ako r'on," nakangiting tanggi ni Gida. Marami pa silang dapat na pagkagastusan. At dapat sa tama napupunta ang sinasahod ni Bernard. Para sa kanya rin iyon ang perang maiipon nila.
"Ma, naman. Minsan lang naman po," pamimilit pa ni Bernard.
"Lumakad ka na. Mahuli ka pa sa trabaho. Mamaya na lamang natin pag-usapan ang tungkol d'yan," aning tugon ni Gida sa anak. "Mag-iingat ka," muling bilin pa niyang sabi kay Bernard.
Napilitan na tumango na lamang ng ulo si Bernard sa ina. Sumang ayon sa kagustuhan nito. "Aalis na po ako, Mama. Kayo rin po palaging mag-iingat," sabi niya sa ina. Tango ang naging tugon ni Gida kay Bernard. Tumalikod na si Bernard sa mama niya at lumabas ng bahay.
Oras ng pagbabanat ng buto. Todo kayod para maabot ang pinapangarap niyang kaunting kasaganahan sa buhay nilang mag ina. Lumaki siya na hindi nakilala ang ama. Wala siyang alam tungkol sa Papa niya. Ayon sa Mama niya ay namatay ito noong ipinagbubuntis pa lamang siya. Hindi tin niya nasilayan ang mukha ng Papa niya. Ayaw kasi ng Mama niya na maalala ang Papa niya. Kaya kahit picture ay walang itinabi ito para masilayan man lang ang mukha nito.
"Bernard, bilisan mo nga diyan. Marami ka pang hahakutin na hollow blocks. Pagkatapos mo sa mga hollow blocks. Puwede ka nang kumain," utos na sabi ng foreman.
"Opo," maikling sagot ni Bernard. Itinuloy na ang pagdadala nang mga hollow blocks sa ikalawang bahagi ng gusali. Pawisan na ang kanyang buong katawan.
Mahirap ang trabaho niya sa construction. Pero ito ang pinakamadaling mapapasukan ng kagaya niyang hindi nakatapos. Mamimili pa siya ng trabaho. Okay naman ang sinasahod niya linggo linggo. Sumasapat sa pagkain nila ng Mama niya.
Sumapit ang ala singko ng hapon. Tapos na ang isang buong araw ni Bernard sa trabaho. Mabilis siyang naligo sa barracks. Susunduin niya si Gretel ngayon. Nang makapagbihis ay pumasok sa loob ng barracks si Benjo.
"Wow! Bernard, bihis na bihis ka, ah. Anong meron?" tanong ni Benjo sa kanya. Isa sa mga katrabaho niya na tumitigil sa barracks.
"Susunduin ko si Gretel."
"Kaya pala. Pag-igihan mo, boy. Nang mapasagot mo na iyang Gretel na iyan. Ilang buwan mo na nga bang nililigawan si Gretel?"
"Isang taon na," sagot ni Bernard.
Nagulat si Kaloy. "Ang hina mo naman. Isang taon na hanggang ngayon hindi mo pa rin napapasagot. Bakit hindi mo ako gayahin? Dalawa ang chiks," may pilyong ngisi sa labi na sabi ni Benjo.
"Hindi ako kagaya, Kaloy. Hindi ako namamantala ng mga babae. Mahal ko si Gretel. At hindi ko siya kayang lokohin."
Hindi naman makapaniwala si Kaloy sa sinabi ni Bernard. May guwapong mukha at batang bata pa si Bernard. Kung siya kay Bernard baka mas marami pa ang mga babaeng makukuha niya.
"Sayang ka, Bernard. Bakit hindi mo gamitin iyang kaguwapuhan mo? Kung pinapatos mo na ba ang trabaho na inooffer ko sa 'yo. Baka may mas makilala ka pang mas maganda kay Gretel mo."
Inofferan siya ng trabaho ni Kaloy sa isang high class na bar. Hindi pa siya nagugutom para masikmurang kagatin ang ganoong klaseng trabaho.
"Okay na ako rito sa construction, Benjo," maprinsipyong sagot ni Bernard.
"Bahala ka. Basta kapag nangailangan ka. Alam mo na kung saan mo ako mahahanap," sabi pa ni Benjo. At tinapik pa siya sa balikat. Saka nahiga sa kahoy na higaan sa loob ng barracks.