Chapter 2

2015 Words
"BAKIT ang aga aga kanina noong pumasok sa classroom ang sama ng mukha mo, Gretel?" napuna ni Denz ang mukha ng kaibigan na halos hindi na mangiti. Huminga ng malalim si Gretel. "Mayroong buwisit sa buhay ko na ang aga ay nang-iinis. The nerve he will think that I will like him. No, way! Maglaway siya." "Si Bernard 'yan di ba? Alam mo, ikaw. Nagsasalita ka ng tapos. Sinasabi ko sa 'yo kapag kinain mo ang mga sinabi mo ngayon. Pagtatawanan kita. Guwapo kaya si Bernard, mabait at magalang. Ikumpara mo siya sa ibang manliligaw mo. Yaman lang ang lamang nila sa kanya. Tandaan mo ito, mas maganda raw na mahal na mahal ka ng lalaki kesa naman ikaw ang nagmamahal ng sobra. Loyal siya sa 'yo. At kita ko naman na mahal na mahal ka 'nong tao," mahabang litanya ni Denz. Napairap lamang si Gretel sa sinabi ng kaibigan. Hindi alam ng kaibigan niya kung gaano siya naalibadbaran sa mukha ni Bernard kapag nakikita niya ito. Masyadong kumukulo ang dugo niya rito sa tuwing makikita niya. "Kumain na lamang tayo. At 'wag mo ng sirain pa ang araw ko dahil sa Bernard na 'yan. Tandaan mo, hinding hindi ko siya magugustuhan," ani Gretel. Nginusuan lamang siya ng kaibigan at itinuloy ang pagkain. Gretchella Tracy Terante, 18 years old at nag iisang anak nina Grace at Orly Terante. First year college, taking up Business Administration. May mga negosyo ang kanyang ama ni Gretel. Sa edad ma diso otso ay sunod sa layaw palibhasa ay nag iisang anak lamang siya. Walang bagay ang hindi niya nakukuha mula sa mga magulang niya. Nakakapag aral sa isang private school at sa edad na disi otso ay may sarili ng sasakyan. Iyon lamang ay hindi pa pinapagamit sa kanya. Takot din silang maaksidente siya dahil sa bata pa para magmaneho ng kotse. Matagal ng nanliligaw sa kanya ang kapitbahay nilang si Bernard. Hindi nga niya masyadong kilala ang pamilya ng binata. Ang mama lang nito ang kanyang nakikita na lumalabas ng bahay nila at tanging alam niyang kasama nito. At wala na siyang ibang alam tungkol sa pagkatao ni Bernard. Wala naman siyang balak na alamin ang tungkol sa buhay nito. "Bilisan mo ng kumain, Denz. Baka magsisimula na ulit ang klase. Tapos na ang break time," sabi ni Gretel sa kaibigan. Nagmamadali naman na tinapos ng kaibigan niya ang kinakain at tumayo na sila para pumunta sa classroom nila. Sumapit ang uwian, nagpalinga linga si Gretel sa labas ng campus. Tinitingnan kong tinotoo ba ni Bernard na sunduin siya. Nakahinga siya nang maluwag ng walang Bernard ang naulinagan niya. Masaya siyang naglakad pauwi sa bahay nila. Walking distance lang naman ang University sa bahay nila. Madalas ay naglalakad lamang siya at hindi na nagpapahatid o nagpapasundo sa driver nila. May kotse naman siya, ayaw naman ipagamit sa kanya. Lagpas pa lang siya ng University, nang matanaw ang nakangiting si Bernard. Nanlulumo at dismaya siya. Akala pa naman niya ay hindi nito totohanin ang sinabing susunduin siya ngayong pag-uwi. "Hi, Gretel. Kumusta ka?" bating tanong ni Bernard sa kanya. Mabilis ang galaw na inagaw nito ang mga bitbit na libro. Saka kinuha ang bag niyang nakasukbit sa balikat niya. Napaawang nang labi si Gretel. "Alam mo nakakainis ka. Palagi ka nalang sumusulpot kung saan saan!" nakasimangot na turan ni Gretel. "Akina na nga ang mga gamit ko!" hablot niya sa mga libro niya na kinuha ni Bernard sa kanya. Iniwas ni Bernard ang mga libro. Kumunot ang noo ni Gretel. Madilim ang mukha na tumingin kay Bernard. Hanggang Ngsyon hindi pa din ito tumitigil nang panunuyo sa kanya. "Sinabi ko naman kanina na susunduin kita. Kaya andito ako ngayon sa harapan mo. Sabay na tayong uuwi, Gretel," seryoso siya sa sinabi niya kanina. Hindi niya pinansin ang pagsusuplada ng dalaga. Nauna siyang maglakad, dala ang mga gamit ni Gretel. Walang nagawa si Gretel kundi ang sundan ang binata. Kahit iyamot na iyamot na siya. Mapipilitan pa rin siyang sumunod kay Bernard dahil hawak nito ang mga gamit niya. Napahinto si Bernard sa paglalakad nang makita ang cart ng nagtitinda ng fishball. Nilapitan agad niya ito at nagtusok na ng fishball na niluluto sa kawali. Pagkatapos ay inilahad kay Gretel. Nakataas ang kilay na tinitingnan lang iyon ni Gretel. "Ano ang mga iyan?" "Fishball. . . Masarap ito, tikman mo," nakangiting alok ni Bernard sabay lahad kay Gretel ng mga tinusok niyang mga fishball. Tinitignan lang ni Gretel ang fishball na ibinibigay ni Bernard sa kanya. Nag-aalangan na kinuha ni Gretel iyon. Parang nandidiri na isinubo sa bibig ang isang piraso. Nginuya nguya ni Gretel. Nalasahan ang kakaibang sarap ng fishball. Napangiti si Bernard sa loob-loob niya. Nagliwanag ang mukha niya ng malasahan ang masarap ng lasa ng fishball. "Masarap siya," nasabi ni Gretel at ngumiti ng matamis sa dalaga. Tila parang naging proud naman si Bernard na nagustuhan ni Gretel ang fishball. "Sinabi ko na. Magugustuhan mo," ngiting ngiti na wika ni Bernard. Tumango tanong ng ulo si Gretel. Sumang-ayon siya sa sinabi nito sa kanya. "Actually, kakaiba ang lasa niya. Tapos naghalo ang tamis at asim sa sawsawan," komento ni Gretel. Ngayon lang siya na kakain ng ganitong klase ng pagkain. Hindi niya alam na may ganito palang uri ng pagkain. It's actually good. Ninamnam ang sarap sa bibig ng kinakain niya. "Masarap talaga ang sawsawan, Hija. Ginawa iyan ng asawa ko nang buong pagmamahal. At magustuhan ng aming mga suki," sabat na sambit ni Manong Tindero. Tumango-tango ng ulo si Gretel. "Tama si Manong. Kaya siguro masarap. At ikaw din nagustuhan mo, di ba? Sana ako rin. Sa tinagal tagal ng nanliligaw sa 'yo. Sana matutunan mo akong magustuhan," biglang hirit ni Bernard. Napangiti ang tindero sa tinuran ni Bernard. Nasamid naman si Gretel. Agad kinuha ng binata ang juice at ibinigay kay Gretel. Hinagod-hagod pa ang likod. "Ano bang pinagsasabi mo? Maniwala pa si Manong sa mga pinagsasabi mo," asik na sabi ni Gretel kay Bernard. Humihirit na naman sa kanya ang binata. "Akala ko kasi makakalusot sa 'yo ang mga tinuran ko." "Huwag mo ngang ulitin ang mga pahagin mo na iyan. Walang dating sa akin ang mga paganyan ganyan mo," tila bumara ang kinakain ni Bernard dahil sa sinabi ni Gretel. Iniisip kung paano ba niya mapapasagot ang dalagang parang walang pakiramdam. Itinapon ni Gretel ang cup na ininuman niya. Saka, mabilis na naglakad paalis. Bumunot si Bernard nang bayad sa lahat ng kinain nila ni Gretel. At nakangiting nagpasalamat sa tindero. At nagmamadaling sinundan si Gretel. "Gretel, anong problema? Bakit iniwan mo ako doon?" Huminto ang dalaga at nilingon si Bernard sa kanyang. "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" pasigaw na sagot nito sa kanya. "Bakit?" naguguluhang tanong ni Bernard. Napakamot siya sa ulo niya. Naiinis na siguro ito sa pangungulit niya. "Ewan ko sa 'yo. Ibigay mo na ang mga gamit ko," pagalit nang saad ni Gretel. Tila naguguluhan pa din siya sa inaakto ni Gretel. Hindi niya iyon sinunod at hinayaan ang dalagang galit sa kanya. Hindi mo ba ako narinig, Bernard? Ang sabi ko, IBIGAY MO SA AKIN ANG GAMJT KO!" ulit niya "Ihahatid kita sa inyo. Kaya natural lang na ako na ang magdadala ng mga gamit mo. Huwag ka nang umangal, Gretel," tanggi ni Bernard. Napahalukipkip si Gretel. Pinagkrus ang kanyang mga kamay. "Kaya ko naman umuwi. Hindi mo ako kailangan na ihatid," nanghahaba pa ang nguso niyang tanggi pa rin kay Bernard. "Alam mo, hindi ko maintindihan. Kanina lang ang saya mo. Ngayon galit na galit ka na naman sa akin. Binibiro ka lang naman. Saka sa tagal ko ng nanliligaw sa 'yo. Umaasa pa rin ako na isang araw sasagutin mo na ako. Hindi mo na ako sisigawan o kahit ang sungitan ako. Promised ko naman na hindi kita sasaktan. Dahil mahal kita. Mahal na mahal, Gretel," sinserong untag ni Bernard. Ang ekpresyon ng mukha ni Gretel at tila nagbago sa isang iglap. Ang pusong tigas ng bato ay lumambot na parang isang unan. Para siyang idinuduyan sa galak ang puso niya. Nagbabadya ang kilig sa kanyang buong sistema. Sa araw araw na panunuyo ni Bernard sa kanya. Napansin niya na kakaiba ito sa lahat ng mga lalaking nagbibigay ng interes sa kanya. Kahit palagi niya itong sinusungitan o kaya ay sinisigawan. Hindi ito tumitigil ng panunuyo sa kanya. Ni hindi nito iniinda ang mga masasakit na sinasabi niya. Seryosong tinapunan ng tingin ni Gretel si Bernard. "Bilisan mo maglakad. Ang bagal bagal mo," inirapan niya si Bernard. At muling naglakad. Napangiti ng malawak si Bernard at napatigil sa paglalakad. Napapadalas ang saya sa puso niya. Ang tanging dahilan ay si Gretel. Ang unang babaeng bumihag sa puso niya. Nagbalik sa ulirat si Bernard. Medyo malayo na si Gretel sa kanya. Lakad-takbo ang ginawa niya para maabutan ang dalaga. Nang naabutan ay sinabayan niya ang dalaga sa paglalakad. Hingal man ay nagawa niyang lihim na sulyapan si Gretel. Kay amo ng kanyang mukha. Depina ang matangos na ilong habang nakaside view. Ang mapupulang labi na kay sarap halikan. Ang mahaba at maalon nitong buhok na kay sarap haplusin. Ang pisngi niyang mamula-mula. Sa ganito lamang na paraan natititigang maigi ni Bernard ang mukha ni Gretel. Walang pagtutol at walang bulyaw siyang natatanggap. Nakarating sila sa tapat nang malaking gate ng bahay nina Gretel. "Salamat sa paghatid," sabi ni Gretel habang isa isang kinuha kay Bernard ang gamit niya at bag. "Wala 'yon. Ikaw pa. Kung hindi lang sana ako may trabaho. Pati sa umaga, ihahatid kita sa pagpasok sa University. Pero alam kung kalabisan na iyon para sayo. Ito pa lang masayang masaya na ako, Gretel." Hindi nakaimik si Gretel. Tumalikod siya kay Bernard at ngumiti nang lihim. Tinatanaw ni Bernard si Gretel. Habang papasok sa loob ng bahay nila. Nang masigurong na nakapasok na ang dalaga sa loob ng bahay ay tsaka siya umalis. At umuwi sa bahay nila. Pagkapasok ni Gretel sa loob ay sumilip siya sa bintana. Sinisilip si Bernard. Napahawak siya sa dibdib niya dahil sa kaba. Kanina pa niya pinipigilan na hindi ipahalata na kinikilig siya. Ayaw niyang ipaalam na may gusto na din siya kay Bernard. Hindi nga lang puwede. Dahil tiyak na magagalit ang parents niya. Kapag si Bernard ang pinili niya "Gretel! Sino 'yang sinisilip mo sa bintana? Kanina pa kita napansin. Pero parang wala kang nakita. Hindi mo ako naririnig ang mga tawag ko sa 'yo." Natingin si Gretel sa Mommy niya. "I'm sorry, Mom. Hindi ko po talaga kayo napansin." nilapamsan ang ina at paakyat na sa hagdan. "Kinakausap pa kita, Gretel. Sino iyong sinisilip mo sa bintana?" muling tanong ng Mommy Grace niya. Napahinto si Gretel sa pag-akyat sa hagdan. "Wala po. Napatingin lang po ako sa labas," pagsisinungaling niyang sagot. "I just hope you're not lying Gretchella. At ayoko ng makikita pa kitang nakikipag-usap doon sa lalaking mas mahirap pa sa mga kasambahay natin dito sa bahay." "Mom, wala naman pong ginagawang masama iyong tao." "Nangatwiran ka pa, Gretel. Hindi kita pinalaki para suwayin mo ang mga inuutos ko sa 'yo. Ako ang mommy mo at ako ang masusunod. Don't you dare talk to that poor guy! Walang mararating ang buhay mo sa kanya. Dapat ang piliin mo ay iyong makakatulong sa ating negosyo. Iyong kaya kang buhayin. Hindi ang katulad ni Bernard. Isang mahirap at hindi nakatapos ng pag-aaral. Ayokong maririnig na nakikipagmabutihan ka sa lalaking iyon. Kapag nalaman ko, ipapatapon kita sa Lola mo, sa probinsiya. Tandaan mo 'yan," untag na sabi ni Grace sa anak. Napilitan na tumango ng ulo si Gretel. Paano na ngayon niya makakausap si Bernard? Baka totohanin pa ng Mommy niya na ipadala sa probinsiya. Ayaw niyang tumira doon. Dahil sa Lola niyang talo pa si Hitler. Kung maghigpit sa kanya. Marahang humakbang si Gretel sa hagdanan. Diretso sa kanyang kuwarto. Pabagsak na inihiga sa sarili sa malambot na kama niya. Nasa isip ang mukha ni Bernard. Kaya niya sinusungitan si Bernard ay dahil sa nahuhulog na din ang loob niya sa binata. Kinuha niya ang unan niya at niyakap. Iniimagine na sana si Bernard ang yakap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD