Chapter 17: Dungeon (I)

2361 Words
Celine's POV "Sure ka, eto na yon?" takang tanong ko pa kay Caelus habang nginunguso ang isang kweba. "Hmmm, feeling ko. May nararamdaman akong aura sa loob pero faint lang siya, meron na atang nauna satin" Hinila niya ako papasok nung kweba at shet, ang dilim. Wala bang Meralco dito? May naririnig pa akong napatak na droplet ng tubig kaya mas naging creepy ang atmosphere dito. Parang may napagaspas pa na kung ano kaya napakapit ako sa damit ni Caelus. "Relax... tinatake advantage mo ang nangyayari para makakapit sakin ah?" biro pa niya kaya sinapak ko siya. "Tanginang to, napaka-feelingera mo lagi... ang kapal ng mukha" "Bakit hindi ba? ramdam kong crush moko eh" Sinipa ko naman siya sa tuhod at saka ako bumitaw sa kanya. Kapal ng mukha netong hayop na to. Bigla akong may naramdaman na humawak sa wrist ko kaya bigla akong napasipa sa ere. "Tangina, ansaket! ano ka ba, ako to" reklamo pa ni Caelus. Napairap nalang ako kahit di niya ako kita. "Wag ka kasing hahawak ng basta basta tangina ka din eh noh? tinatakot mo pa ako" I said and he chuckled. "Wag ka nga matakot masyado, jusko, di naman nakakatakot" "Ikaw di ka natatakot, mukha ka kasing aswang" "Wow, sa gwapo kong to?" Biglang may humawak sa isa kong kamay kaya napakunot ang noo ko, "Ano ba Caelus? wag mo nga ako hawakan ng basta basta, nananakot ka pa eh" "Huh? eto ang isa kong kamay" sabi niya pa. Biglang may lumabas na maliit na bilog na kulay green sa dilim at maliwanag siya kaya lumiwanag din kahit papaano ang paligid. Nakalutang sa right hand ni Caelus yung maliit na maliwanag na bilog tapos nakahawak yung left hand niya sa wrist ng right hand ko. Nanigas ang buong katawan ko ng marealize ko na may nakakapit din sa left hand ko. Unti-unti akong napalingon don at may nakita akong lalaking duguan na nakasandal sa pader. "T-Tulung---" di na niya natapos ang sasabihin niya kasi bigla ko siyang nasipa sa mukha. "SHETTTTT!" sigaw ko pa at saka ko inalis yung kamay niya sa kamay ko. I immediately distanced myself at the man and saw a huge hole in his chest. "What the f**k?" bulong ko pa. Medyo mahina lang yung sipa ko ah? di ako may gawa non. Anyway, p-patay na ba siya? Medyo naguilty pa ako kasi duguan na nga siya tapos nasipa ko pa kaya lumapit ako ng konti sa kanya at saka siya tinanong. "W-What happened? I-I'm sorry nga pala, n-nagulat lang ako" "M-Mo..n..s...te...r....s---" mabagal na sabi pa niya. "Monsters?" tanong ko pa ngunit bigla na siyang pumikit at nawalan ng malay. "He's dead, Celine. We can't do anything for him" bulong pa sakin ni Caelus. Unti-unti akong tumayo at saka tinignan yung lalaki. May butas sa tiyan niya at malaki yon kaya impossibleng mabuhay pa siya, he's already on the brink of death earlier and now, he already died. Di ko naman siya kayang buhayin kaya pumikit nalang ako at saka naglakad nalang ulit. "It's not your fault, don't blame yourself for it" sabi pa sakin ni Caelus kaya napakunot ang noo ko. "Tanga ka ba? bakit ko naman sisisihin ang sarili ko?" "Huh? d-di mo ba sinisisi ang sarili mo sa nangyari dun sa lalaki?" "Malamang hindi, abnormal ka ba? hindi naman ako ang may gawa non. Medyo naguguilty lang ako na iwan siya pero wala din naman akong magagawa, he's already dead" "Tch! siyempre akala ko nalulungkot ka. Ikaw na nga jan cinocomfort eh" nakangusong ani pa niya. Di ko nalang siya pinansin at saka nagpatuloy sa paglalakad, of course nauuna si Caelus kasi siya yung may kapangyarihan. Nakalutang pa rin yung maliit na bilog sa kamay ni Caelus kaya napangiwi ako, kaya naman pala nitong gumawa ng ilaw, di pa ginawa nung pagpasok palang namin. "Ano ba to, mahaba pa ba to?" takang tanong ko kay Caelus. "Ang impatient mo naman, malamang dungeon to" "Kung sampigahin kaya kita? gumagaya ka na don sa pilosopong lalaki ah?" "Hehe, joke lang. Eto naman, nagbibiro lang eh" Biglang may pumagaspas akong narinig kaya napalingon ako don. My eyes widened when I saw a swarm of bats heading towards us. "Duck!" sigaw ni Caelus. Ipinatong pa niya ang kamay niya sa ulo ko at saka ako binaba. Napasubsob pa ang mukha ko sa lupa kaya lumingon ako kay Caelus at saka siya sinamaan ng tingin at nagpeace sign lang ang mokong. After a few seconds, the swarm of bats stopped that's why I stood up properly. "Ayos kalang?" he asked. "Mukha bang ayos lang? isinubsob mo pa ang mukha ko sa sahig" I said sarcastically while wiping my mouth. "Sorry na nga eh! aba malay ko bang susubsob ang mukha mo" nakangusong ani pa niya kaya pinabayaan ko nalang, di naman ata niya sinasadya. Di naman siya masyadong masakit, kaso nahalikan ko kasi yung lupa, tangina kadiri. Ilang beses na yon naapakan eh. We continued walking and we saw 3 caves? Bale diba pumasok kami sa cave? tapos nung nalakad na namin yung cave, meron na naman na cave kaso tatlo yon. I wonder where should we go. "Hoy Caelus, ano na? alam mo kung san tayo pupunta?" "Wait lang..." he said and kneeled. He closed his eyes as he put his right palm on the ground. Napakunot ang noo ko kasi di ko alam kung ano ang ginagawa niya, may saltik ba to? He opened his eyes once again and it glowed bright green. "The air is telling me that we should head this way" ani pa niya na itinuro ang pangatlong kweba. "Weird mo talaga... nakakausap mo ang hangin?" panloloko ko pa sa kanya. He chuckled, "Siyempre naman, magic ko nga diba? duh?" Napatawa nalang ako at saka naglakad papunta dun sa kweba na itinuro ni Caelus. Sumunod na din siya sakin and he summoned a green orb once again to illuminate the way. After a few minutes of walking, we saw a woman heading towards us. "D-Don't go" sabi pa niya habang hinihingal. Napakunot ang noo namin ni Caelus and we asked her what happened, "T-There's a rate s m-monster" nanginginig na ani pa niya. She looks familiar. Now that I've mentioned it, she's one of the girls in the resto that talked about the dungeon. Nagulat nalang ako ng biglang tumawa si Caelus, "Now that's a relief... mas nagkaroon pa kami ng rason para iclear ang dungeon na to" sabi pa niya. Siniko ko siya at saka tinignan, "Tanga ka ba? anong relief ka jan? sabi mo delikado ang rate s?" "Well, having a rate s and above monster in a dungeon only means one thing..." he said and paused. Napataas pa ang kilay ko kasi iniintay ko kung ano ang sasabihin niya, "... there is a sacred relic inside" Nanlaki ang mata ko, "Weh? yon yung super duper rare na sinasabi mo diba?" "Yup! as you can see, dungeons also have its difficulty level. The more treasures and rare items it contains, the stronger the monsters will be" Napatango pa ako kaso biglang sumingit yung babae, "Y-You can't handle it. I-It's too strong! m-my friends were killed and I'm the only one who s-survived" dagdag pa niya. Her eyes suddenly widened and her body froze. Nagtataka akong napatingin sa kanya nang may makita akong black na parang ugat sa balat niya. "W-What the hell" bulong ko pa. Nanginig yung babae at gumapang patungo sa ulo niya yung black na ugat. Blood flowed at her eyes and her eyeballs fell. "WAHHHHHHH!" irit ko pa sa gulat. Napaatras ako bigla kaya hinawakan ako ni Caelus sa balikat. The girl suddenly fell on the ground while her eyeballs rolled at the floor. Napalunok ako bigla and I'm about to check her pulse when I saw a bite mark in her leg. Caelus stopped me and kneeled in front of the girl. He took a closer look at the bite mark at may dalawang butas don. "The Great Serpent..." bulong pa ni Caelus pagkatapos iexamine yung bite mark sa binti nung babae. "A-Ano yon?" "The rate s monster that they're talking about is the great serpent... it's said to be so venomous and it has a really tough scale" "T-Then does that mean, t-the guy near the entrance is also killed by that serpent?" Caelus nodded, "I think the serpents' tail pierced through the guys' stomach" "H-Hoy, tangina ayoko na. B-Balik na tayo" natatakot na ani ko pa kay Caelus. "HAHAHAHHAHA, malapit na tayo oh? aatras ka pa ba?" he said and I heard a loud hiss. Nanindig ang balahibo ko sa buong katawan and my body froze. Napalunok pa ako at saka pumikit, "Relax... wala siya dito, what you heard is its echo. The serpents' hiss reverberated in this cave that's why it felt like it's behind you" explain pa niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Tangina Caelus, umuwi na tayo" "HAHAHAHAHHAHA bakit ka ba natatakot? andito naman ako ah?" mayabang na ani pa niya kaya napairap ako. "Pag ako namatay dito, mumultuhin kita" "That won't happen, I'll protect you... trust me" nakangiting ani pa niya na pinat pa ang ulo ko. Hinila na niya ako at saka nagsimulang maglakad. Wala akong ibang choice kundi sundan siya kaya naglakad na din ako. "Tssssssssssssssss... tssssss" I heard a snakes' hiss that's why I immediately pulled Caelus. "H-Hoy, rinig mo ba yon?" He nodded, "Of course, do you want me to kill them?" I slowly nodded and he just smiled, "As you wish, my princess" "Enchant: Aerial Vacuum" he chanted and his eyes glowed once again. Biglang humangin ng malakas at may namuong ipo-ipo sa taas namin. Sobrang lakas nung ipo-ipo kaya nahigop lahat ng nasa palibot namin siyempre maliban samin kasi spell yon ni Caelus. Medyo magabok pa nga dahil nadadala pati yung mga abo sa sahig. Caelus' green orb shone brightly that's why I was able to see our surroundings clearly. Napalunok ako ng makita kong punong puno pala ng ahas dito sa palibot namin. Yung iba ay nakakapit pa sa mga bato sa pader tapos yung iba ay nakasabit pa sa ceiling. They were pulled violently towards the tornado above us. Bigla kong naisip na baka biglang mawala yung ipo-ipo at malaglag sa amin lahat ng ahas kaya tinapik ko ang braso ni Caelus. He looked at me and based on his expression, I can read the word 'Why?' plastered in his face. "Wag mong tatanggalin yan, malalaglag sa atin ang mga ahas" He chuckled and stared at me as if he thought of something brilliant, "Binigyan mo ako ng idea ah? HAHAHAHAHHA" "Hoy gago, sinasabi ko talaga sayo, matatadyakan kita" "Just kidding!" natatawang ani niya at saka pinalakas pa lalo yung spell niya. Dahil sa sobrang lakas ng higop ng ipo-ipo niya, lahat ng mga ahas ay nadala. Dinouble-check ko pa kung may natira pero wala na kaya nakahinga ako ng maluwag. Paglingon ko sa taas ay nakita kong paikot-ikot pa yung mga ahas tapos sobrang dami talaga nila. Geez, kapag ibinagsak to sakin ni Caelus mapapatay ko to ng wala sa oras. "Aerial Compression" he muttered and the wind encircled the snakes above us. Yung nakapalibot na hangin ay spherical in shape tapos onti onti siyang nagcompress. Lahat nung ahas na naipon kanina ay natrap don sa sphere shaped na hangin tapos lumiit siya ng lumiit hanggang sa maging kasinglaki na siya ng jolen. Nanlaki ang mata ko ng bigla itong sumabog. Nagtalsikan yung mga dugo kaya napapikit pa ako only to notice that no blood is spilling over me. I looked at Caelus who's currently smiling at me, "D-Did you just changed the direction of the wind?" "Correct! as you can see, wind can also defy the laws of gravity, by changing the wind direction. Instead na malaglag yung dugo papunta satin dahil sa gravity, I changed the direction of the wind to repel the blood spill" he explained kaya muntikan na akong maimpress sa kanya. Mukhang kabisado niya talaga ang magic niya ah? "A-Ano yon?" turo ko pa. May nakita akong pintuan sa medyo dulo tapos meron ding torch sa dalawang gilid nung pinto. "That's the serpents' lair. Tara na!" excited na yakag pa niya kaya napabuntong hininga nalang ako saka sumunod. My heart beat faster as I took a step forward. My breathing is also becoming unstable and I can't help but tremble. Shet, kahit andito si Caelus kinakabahan pa rin ako. Nakarating kami sa tapat nung pinto and it is slightly open. Napaatras pa ako ng may makita akong dugo na nagflow dun sa space sa baba ng pinto. "S-Sure ka?" kinakabahang ani ko pa kay Caelus. Napatawa ulit siya at saka hinawakan ang wrist ko. "Bakit ka ba kinakabahan? HAHAHHAHAHA, wala ka bang tiwala saken?" Napangiwi nalang ako at saka huminga ng malalim. "Buksan ko na ah?" he said and I nodded. He opened the door slowly and my legs literally trembled when I saw an enormous snake at the center. May kalaban pa siyang isang lalaki and fear is evident in his face. Nanginginig din ang hawak niyang espada so he must be super nervous. May corinthian columns dito sa loob kaya medyo napahanga pa ako sa interior design netong room. May mga golden coins din sa palibot namin tapos may makikita ka ding mga artifacts and treasures na basta nalang nakalagay sa mga pile ng golden coins. Shet, first time kong makakita ng ganto kadaming treasure kaya namamangha pa rin ako. "T-Tulong!" sigaw pa nung lalaki na nakikipaglaban sa serpent sa amin ng makita niya kami. Paglingon ko dun sa lalaki ay nagulat nalang ako ng biglang tumagos sa tiyan nito yung buntot ng ahas. Matilos yung dulo ng buntot ng ahas at malaki din siya kaya butas talaga yung tiyan nung lalaki. Blood flowed in his mouth as he slowly lose his unconsciousness. His face became pale as the serpent waved his tail in the air. Tumalsik yung lalake sa pader and his blood splattered on it. I slowly swallowed the lump in my throat as I turned my sight towards the serpent. My shoulders jerked upwards when the serpent turned its' head towards us. Shit, here it comes!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD