Chapter 42 Helleia Demetria's POV Kinabukasan ay nagpahatid ako kay Red sa University para kausapin ang admin sa dalawang linggong pagliban ko. Dumiretso naman si Red sa kompanya at nangako na babalikan ako kaagad na agad kong tinanggihan. Gusto ko ring kausapin si Nathalie at ang mga kaklase ko. Siguradong nashock sila sa nangyari. “Ano ho?” naguguluhang tanong ko sa admin ng G.U. Parang nabingi yata ako. Hindi ko masyadong naproseso ang sinabi nya. “Hindi mo na kailangan ng admission slip dahil sa pagliban mo, Ms. Falcon. Nang makidnap ka noong araw ng team building nyo, dumating dito ang isa sa sponsor ng University, si Mr. Enrile, nakiusap sya at nagrequest kay Director na payagan kang maghomeschool dahil sa sitwasyon ng pamilya nyo” Umawang ang labi ko, “Ano hong ibig n'yong sabi

