Chapter 41 Helleia Demetria's POV Another 5 days had passed at nandito ako sa kusina habang tahimik na nagluluto. Alas sais na ng hapon at hindi pa umuuwi si Red mula sa Falcon Company. Hindi pa kasi nakakabalik si Vangrey mula sa probinsya nina Ms. Marquez. That guy. Mukhang nainlove talaga sya. Napangiti ako nang makarinig ako ng mga yabag ng boots na papalapit sa kusina. Nag-angat ako ng tingin at sakto naman ang pagpasok nina Natsume kasama si Killiana. “We're done, queen” si Natsume ang unang nagsalita saka sila sabay na lumapit sakin. Muli kong nilingon ang niluluto ko saka nakangiting iniayos yon sa lalagyanan. “Can i taste it, queen?” nag-aalangang tanong ni Killiana. Nakatingin sya sa pasta spaghetti at mukhang natatakam. Tumawa ako saka sila inabutan ng tig-isang pinggan.

