Chapter 37 Third Person's POV Saglit na tinitigan ni Helleia ang bagay na iniwan ng lalaking nagpakilalang Gallian Vander. Gusto nyang maniwala sa sinabi nito pero naalala nyang nasa poder sya ni Harold Navarro at kanang kamay nito ang lalaking sumusubok na kunin ang kanyang tiwala. Umiling sya saka hinawakan ang door knob, nakalock iyon mula sa labas kaya marahas syang bumuntong-hininga at pabagsak na naupo sa kama. Sa loob ng ilang araw nya sa silid na ito ay ilang beses nyang sinubukang buksan ang pinto nguni bigo syang makalabas. Palagi iyong nakalock. Muling tiningnan ni Helleia ang maliit na bilog na bagay sa side table. Ano bang pinaplano sa kanya ng mga baliw na iyon? Inipit nya sa kanyang palad ang bilog na bagay saka tumayo at naglakad palapit sa bintana, binuksan nya ang b

