Chapter 38 Third Person's POV Mabilis na tumakbo si Helleia, sinikap na makalapit sa takot na takot na dalaga sa kanyang harapan. Si Lorraine Pascua na biktima rin at hindi dapat makaranas ng nakakatakot na karanasan. Sinikap nyang tumakbo, hindi alintana ang malakas na sigaw ni Hellion na nasa dulo hallway, tumakbo sya hanggang sa mahagip nya ang nanginginig na katawan ni Lorraine, ramdam nya ang takot nito. Ang pag-igtad dahil sa hawak nya. At nang makalapit, buong pwersa nya itong itinulak kasabay ng pagsigid ng sakit sa ibaba ng kanyang dibdib mula sa likuran. Tinamaan sya sa bandang kanan sa may sikmura. She turned to her right side and came face to face with Red who was pale and rooted on his place. She smiled, a faint one and lost her strength, fell on her knees as she hugged he

