Sinalubong ni Vangrey sina Wayne at Red na naglalakad papasok sa entrance ng hospital. Nakapamulsa si Red habang may nakasabit na jacket sa balikat. Simpleng t-shirt na itim na pants lang ang suot nito samantalang si Wayne ay nakapolo at pants habang may sukbit na backpack. Bumili lang nang kape si Vangrey sa cafetaria sa first floor at sinalubong sina Red at Wayne nang matanaw nya ang dalawa. “Kumusta si Ms. Marquez?” tanong ni Wayne kay Vangrey. “Wala pa ring naalala, pinayagan na sya ni dok na lumabas bukas, mukhang kailangan ko muna siyang iuwi sa probinsya nila hanggang sa bumalik ang alaala nya” mahabang sagot ng binata. Sabay-sabay silang naglakad palapit sa elavator. Vangrey pressed the button na papunta sa second floor. Red patiently stood behind the two man with his hands sti

