Chapter 26 Helleia Demetria’s POV “MS. FALCON!” Napaigtad ako dahil sa malakas na sigaw na yon. Tumingin ako sa harapan, masama ang tingin sakin ni Professor Demeza. “Sana ay lumiban ka nalang kung hindi ka naman pala interesado sa ituturo ko” masungit na sabi nya ulit. Lumunok ako, “Pasensya na po” She just shook her head and continued discussing something. Mahina naman akong bumuntong-hininga, wala talaga ako sa mood ngayon. Isang araw pagkatapos umuwi ni Red ay napapansin kong palagi akong wala sa mood, siguro dahil mas nagiging busy si Red sa ibang mga bagay. “You okay?” pabulong na tanong ni Nathalie na katabi ko. Tamad lang akong tumango. Nathalie Cuevas. Wala akong nakitang kakaiba sa impormasyong ibinigay sakin ni Moonstone tungkol sa kanya. Anong kayang dahilan ng paglipat

