Chapter 11 Helleia Demetria’s POV “What do you mean they pull out?” Nilingon ko si Red. Kunot na kunot ang noo nya habang kausap si Vangrey sa telepono nya. Nakaupo naman ako sa sofa habang nakapatong sa lap ang laptop ko, ngayon ko makikita ang result ng exam ko after 5 days. “For what reason?—yeah? Tell them i don't need them in my company” Ibinaba ko ang laptop ko saka sya pinagmasdan. Nakatayo sya sa may pinto habang nakapamewang at galit ang mukha. Nag pull out ang investors ng Falcon Company? Bakit? Napaisip ako. Posibleng kasalanan yon ng lolo nila ni Hellion. Gusto nyang sirain si Red at sa ganoong paraan nya maiaalis ang kapangyarihan ni Red sa mafia world. Kapag wala nang koneksyon at kakayahan si Red sa iba't-ibang bagay. “D.V Empire?” D.V Empire? Muli kong kinuha ang la

