Chapter 12 Helleia Demetria’s POV Kagat-kagat ko ang pang-ibaba kong labi habang nakaupo sa isang tabi. Kausap ni Red ang isang police officer at hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. “Damn! Bakit wala pang update? Ano bang pinaggagawa nyo? Ang tagal na ng kaso ng daddy ko bakit hindi pa rin nahuhuli ang pumatay sa kanya?” Napatingin ako sa pinanggalingan ng isang pamilyar na boses. Sya yong nangulit sakin noong araw ng exam. Yong pinagselosan ni Red. Lumingon ulit ako kay Red, nakatayo na sya habang nakikipagkamay sa kausap nyang pulis. “Thank you, officer” “No problem, Mr. Falcon. Mabuti at iniatras ng babae ang demanda, kahit pa hindi totoong baril ang ginamit ng asawa mo mali pa rin na nanakot sya ng tao” Sinulyapan ako ng police officer. Umiwas naman ako ng tingin saka nagka

