Chapter 2

1263 Words
Chapter 2 Helleia Demetria’s POV Tumayo ako at mahinang tumikhim nang maramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa kwartong kinaroroonan ko. Sumulyap ako sa salamin saka kinagat ang pang-ibabang labi ko. Kinakabahan ako pero kailangan kong gawin ‘to. Nakakainis na man kasi, mag-asawa nga kami pero parang hindi naman. Nakakainis si Red! “Wife—” “Red!” Malakas na naibulalas ko ang pangalan nya nang buksan nya ang pinto ng kwarto namin. Kunot-noo nya akong tiningnan saka pumasok at isinara ang pinto. Binasa ko ang nanunuyo kong labi saka lumunok at sinalubong ang mga tingin nya. Bakit ganon? Habang tumatagal mas lalo syang nagiging gwapo sa paningin ko? Ganoon na ba ako kainlove sa kanya? Ang sarap naman pala mainlove. “Is there a problem?” tanong nya saka diretsong lumapit sakin. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko saka bahagyang hinaplos ang peklat na dulot ng dumaplis na bala noon sa akin. “What’s the matter, wife? Tell me” Marahas akong humugot ng malalim ng hininga saka bahagyang tumingala sa kanya at sinalubong ang nag-aalala nyang mga mata. Ugh! Kailangan kong gawin ‘to. It’s now or never. Fighting, Helleia “K-Kasi..pakibaba ng zipper sa dress ko. Maliligo kasi ako kaso hindi ko mabuksan” kinakabahang sagot ko. Kumurap-kurap sya saka tiningnan ang suot kong dress. Tumikhim sya saka tumango at naglakad patungo sa likuran ko. Naramdaman ko ang kamay nya sa bandang batok ko kung saan naroon ang zipper, dahan-dahan nyang binuksan ‘yon at nang nasa bandang bewang ko na ay agad kong kinabig ang damit at hinayaang bumagsak ‘yon sa sahig para malantad ang katawan ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi nang marinig ko ang singhap nya. Gosh! Bakit ba kasi napaka gentleman nya? Mag asawa kami for God’s sake! Palihim akong ngumisi nang makita ko mula sa salamin sa gilid namin ang reaksyon nya. Nakatingin sya sa katawan ko kaya dahan-dahan akong pumihit paharap sa kanya. Ang dalawang pares ng kapirasong tela nalang ang saplot ko at kitang-kita ko kung paano sya lumunok habang hinahagod ng tingin ang katawan ko. “Helleia..” napapaos ngunit may pagbabantang sambit nya sa pangalan ko. Bumalik sa mga mata ko ang tingin nya. Madilim ‘yon, puno ng pagnanasa at paghanga. He licked his lower lip and shut his eyes closed. Sumimangot ako. Hindi ba ako sexy? Muli syang nagmulat ng mata at mabilis na umalis sa harapan ko. Napakurap-kurap ako dahil sa ginawa nya. Ilang saglit lang ay muli syang lumapit sakin at binalot ng makapal na kumot ang hubad na katawan ko. Umawang ang labi ko at naluluha syang tiningnan sa mga mata. I felt betrayed! Bakit? “R-Red..” “We’re married but you’re still young. You have to continue your study and chase your dreams. I don't wanna put you in a situation where you have to choose between me and your dreams. Please understand, wife. I love you but it’s not the right time” madamdaming saad nya habang mariing nakatingin sakin. I pressed my lips together supressed my tears. Talaga bang...tinanggihan nya ko? Inis kong tinabig ang kamay nya sakin saka ibinagsak sa sahig ang kumot. Nakita ko ang pag-iwas nya ng tingin sa katawan ko kaya mas nakaramdam ako ng inis. Nagdadabog akong pumasok sa banyo at pabagsak na isinara ang pinto. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Pinasadahan ng tingin ang katawan ko na sigurado naman akong makinis at maganda ang hubog. Bakit? Bakit pinakasalan nya pa ako kung bata pala ang tingin nya sakin? Nakakainis sya! Nakakagigil sya! Ang sarap nyang tadyakan, suntukin at bugbugin! Hindi ba nya alam kung gaano kasakit mareject? Can you believe that? Nireject ako ng asawa ko! He refuse to take me! Ni hindi nya kailanman hinawakan ang katawan ko maliban sa kamay at braso ko. Kahit ang aksidenteng pagdampi ng balat nya sakin ay hindi nangyayari. “NAKAKAINIS KA!” naiiyak na sigaw ko. May pa ‘pag nakunan ang asawa ko papatayin ko kayo’ pa sya kina Hellion noong isang araw e ni hindi nga nya hinahawakan ang katawan ko. Oo, magkatabi kaming matulog pero hanggang yakap lang ang nararating namin. Kapag nag-iinitiate na ako bigla syang babangon o di kaya’y magpapanggap na inaantok. Dalawang buwan na kaming mag-asawa. Dalawang buwan kaming tumira sa isang bahay na kaming dalawa lang. Dalawang buwan akong nagpapakita ng motibo sa kanya pero ni hindi nya ako pinakialaman! Nakakainis! Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Imagine how hard i tried to seduce him pero walang epekto. Lalaki ba talaga sya?! “Nakakainis ka, Red! Nakakainis ka! Wala bang epekto ang katawan ko sayo?! Gabi-gabi kitang inaakit pero gabi-gabi mo rin akong tinatanggihan! LALAKI KA BA TALAGA?!” Tumili ako at paulit-ulit na pumadyak sa sahig. Muntik pa akong madulas kaya nakasimangot akong tumigil at tumapat sa shower. Padaskol kong binuksan ang sabon saka binuhay ang shower at nagsimulang maligo. Pagkatapos maligo ay matamlay akong lumabas ng banyo habang nakasuot ng roba. May nakapulupot rin sa ulo ko na puting tuwalya. “Queen” “Ay butiki!” Naniningkit ang matang tiningnan ko si Moonstone na biglang nagsalita. Hinawakan ko ang dibdib ko at tiningnan sya ng matalim. “Ginulat mo ko!” “I’m sorry, Queen” Inismiran ko sya saka naglakad palapit sa harap ng salamin. Naupo ako sa upuan doon at naglagay ng lotion sa kamay saka ipinahid ‘yon sa binti at mga braso ko. “Why are you here? May problema ba sa Vandross?” walang ganang tanong ko. Oo, sa Vandross hq nakatira sina Sasuke at Moonstone, pati ang mga reapers ng Vandross ay nandoon rin kaya kaming dalawa lang ni Red ang nakatira sa bahay na ‘to. Pumalatak ako nang maalala ang pagreject nya sakin kanina. Hindi ko sya papansinin ng isang linggo. Tsk! “Wala naman, queen. I just want to give you these brochure about the universities here in the Philippines. There are also famous universities in the province if you want a new ambiance” Tiningnan ko ang iniaabot nya, bumuntong-hininga ako saka kinuha ‘yon at ipinatong sa lamesa. Tama si Red, kailangan kong mag-aral. Gusto kong tuparin ang pangarap ko, i want to be a doctor, ‘yon din ang pangarap ni dad sakin. “Hindi pa ako nakakagraduate ng highschool” nakasimangot na sagot ko. Kung hindi lang ako trinaydor nina Jayson at Drianna ay baka nakaabot ako sa graduation at graduate na ngayon. Bakit ba kasi hindi nakiayon sa akin ang sitwasyon at panahon? “Mr. Falcon can handle that, queen. You just have to take a special exam and be an accelerated student. The universities would consider that” Umirap ako. Red. Naalala ko nanaman. Aish! Bumuntong-hininga ako saka kunot-noong tiningnan si Moonstone. Teka.. “Kanina ka pa ba dito?” napapasinghap na tanong ko. Her lips twitched and i swear, i felt my whole face heated. “Yeah. Enough to hear your tantrums over his rejection” Nanlaki ang mga mata ko at padaskol na tumayo, hinablot ko ang braso ni Moonstone saka sya hinila papunta sa pinto ng kwarto. “Tell these to anyone and i’ll shoot you! I’m warning you, Moonstone!” napapahiya ngunit puno ng awtoridad na banta ko saka sya tinulak palabas ng kwarto. “Aish!” naiiyak na sumandal ako sa pinto habang nararamdaman ang mas umiinit na pisngi at buong mukha ko. Narinig ko pa ang halakhak nya mula sa labas kaya nanlulumo akong dumausdos paupo sa sahig. Waaaaaahhhhhh! Nakakahiya! Bakit ba kasi narinig nya ‘yon? Bakit sya pumasok sa kwarto namin ni Red? Bakit ngayon nya pa dinala ang brochures? Bakit kailangan kong sumigaw kanina? At higit sa lahat..bakit ako tinanggihan ni Red? Bakit? BAKIT???????? —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD