Chapter 1
Helleia Demetria’s POV
“WELCOME HOME!!!!!”
Napatalon ako sa gulat nang salubungin ako ng malakas na sigaw pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng bahay. Bahay ng parents ko, dito ko gustong tumira matapos naming ikasal ni Red. Hindi naman sya tumanggi at agad akong pinagbigyan sa gusto ko.
Pinandilatan ko ng mata sina Dart, Edrix, Drake, Wayne, Vangrey, Aphrodite, Killiana, Natsume, at Fire na pare-parehong malaki ang ngisi sakin habang nakatayo sa harapan ko. Nangunguna pa si Hellion na daig pa ang emoji sa laki ng ngisi.
Napansin ko sa likuran nila sina Moonstone, Sasuke, Daemon at Percy na tipid lamang ang mga ngiti.
“f**k YOU ALL! KAPAG NAKUNAN ANG ASAWA KO PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!”
Muli akong napaigtad nang sumigaw ang highblood na nasa likuran ko. Bitbit nya ang dalawang maleta namin habang matalim ang tingin sa mga taong nasa harapan ko na parang makahiya na agad tumiklop at kanya-kanyang alis patungo sa kung saang bahagi ng bahay.
“O.A. Katatapos lang ng honeymoon makukunan na agad” rinig ko pang bulong ni Hellion.
Napatawa ako saka sinulyapan ang asawa ko na kunot na kunot ang noong nakatingin kina Hellion na ngayon ay nakaupo na sa couch kasama sina Fire.
“What the f**k are you doing here?!” pasinghal na tanong ni Red kina Hellion.
Napailing nalang ako nang ilapag ng maayos ni Red ang dalawang maletang dala nya pero galit syang lumapit kina Hellion at pabalyang sinipa ang couch na inuupuan ng kakambal nya.
-__- ang sama talaga ng ugali ng lalaking ‘to!
“Ang init ng ulo mo ah!” inis na singhal ni Hellion kay Red saka ito bumaling sakin. “Helleia, wag mong sabihing ito ang naglilihi” dugtong pa ni Hellion habang nakaturo kay Red na mas nalukot ang mukha.
Ngumiwi ako. Siraulo!
Hindi ko nalang sila pinansin. Nilapitan ko si Natsume na busangot na busangot ang mukha habang may hawak na malaking cake na may nakasulat na ‘Welcome home’
Napangiti ako. Nag-effort talaga sila para salubungin ang pagdating namin pero sadyang kj at may topak lang talaga si Red dahil hindi nya naappreciate ‘yon.
“Queen, may sayad ang asawa mo!” nakasimangot na reklamo ni Natsume nang makita ang paglapit ko.
Nailing nalang ako saka yumuko ang kandila na buhay pa ang apoy. Hindi ko alam kung bakit may kandila pa, sila lang ang nakakaalam ng dahilan.
“Don't mind him. So kumusta dito habang wala kami?”
Dalawang buwan kasi kaming wala. Hindi ko alam kay Red kung bakit nagtagal ng dalawang buwan ang honeymoon namin pero okay lang naman, pabor sakin dahil nakawala kami sa mabigat na responsibilidad kahit kaonting panahon lang.
“Okay naman ang lahat, ‘yon nga lang. Nagkaproblema sa Vandross lab, hindi pa rin naibabalik sa dati sina Lei, Kei at Jelly. Pinagtutulungan na nga nina Daemon, Dart at Spencer ang pag-aayos sa tatlo e kaso wala talaga”
Marahas akong bumuga ng hangin. Hindi pwede! Hindi ako papayag na basta-basta nalang mawala sina Jelly. Mahalaga sila sakin at hindi ako papayag na hindi sila maibalik sa dati.
“Anong kailangan nating gawin?” matamlay na tanong ko.
“We don't know, queen. Umalis din ng bansa si Emerald kaya hindi kami makahingi ng tulong sa Crimson Royalties” matamlay ding sagot ni Natsume.
Tiningnan ko naman si Moonstone, “How about White Dragons? May balita na ba?”
“Nag lie low sila, queen. Siguradong inaasahan nila na mag-iimbestiga tayo. Wala namang natirang buhay na tauhan si Brandon Vera kaya wala kaming mapiga”
Sinulyapan ko si Red at Hellion na seryosong nag-uusap. Napansin kong may maliit na hiwa sa pisngi si Hellion kaya nangunot ang noo ko.
Binalingan ko si Fire na prenteng nakaupo sa tabi ni Killiana. “Anong nangyari kay Hellion?”
“We’re taming the deadliest, baddest and wildest chick named Danger Resurrection but not even big boss can tame her”
Ngumiwi ako mas nalukot ang mukha dahil sa sinabi ni Fire. Kailan pa sila nahilig sa babae? “Really?”
Ngumisi si Fire. “She’s a genius assassin. She always find ways to slip away from trap”
“Yeah. She find ways like BDO” pag singit ni Vangrey na kaakbay si Wayne.
Palaging magkasama ang dalawa at sila rin ang pinagkatiwalaan ni Red sa Falcon company habang wala kami. Sa lahat ng reapers, sila lang talaga ang may ganitong closeness, though nagbibiruan naman ang lahat at malapit sa isa’t-isa. Iba lang talaga ang closeness nitong sina Vangrey at Wayne, kung hindi ko lang kilala ang dalawang ‘to, malamang pinagkamalan ko na silang couple.
“Ulol! Wala kang sense of humor!” buwelta naman ni Edrix kay Vangrey.
“Wala kang kapogian!”
Napailing nalang ako sa kakulitan nila. Muli kong hinarap si Fire. “Sino ang Danger Resurrection na ‘yan?”
“A professional assassin. Nagtapos sya sa De Viel U. Ang malaki at mayamang university kung saan nag-aral ang mga highest paid assassin na nagkalat sa buong mundo. Si Danger Resurrection ang ang pinakasikat at matinik na assassin sa Pilipinas”
Danger Resurrection. Parang tumindig ang balahibo ko sa pangalan palang nya. Tila ba sinasabi ng pangalan nya na ang panganib at takot na ibinaon ng kanyang magiging target ay muling mabubuhay sa pagtuntong nya sa lupa.
Well, hindi dapat ako matakot. Kung tutuusin ay mas makapangyarihan ako sa kanya. She’s just a professional assassin, i am a mafia queen.
“DAMN IT, RED! NAGBIBIRO LANG AKO!”
Naagaw ni Hellion ang atensyon namin nang bigla itong tumayo sa couch saka tumalon sa likuran nito habang gulat na nakatingin kay Red.
Naalarma ako at agad na tumakbo palapit kay Red nang makita kung gaano kasama ang tingin ng lalaki kay Hellion habang buhat-buhat ang bubog na lamesang maliit at mukhang handa nang basagin sa katawan ng kakambal.
“Stop it, Red. Anong nangyayari sa inyo?” inis na hinila ko ang braso ni Red pero hindi ito natinag.
Naiwan ba ang virus ng chip sa utak ni Red at nasiraan ng ulo ang isang ‘to? Damn!
“RED FALCON!” may pag babantang tawag ko sa pangalan nya nang mapansing hindi talaga sya natitinag.
“Awatin mo, Helleia!” tarantang utos sakin ni Hellion na tinapunan ko ng matalim na tingin.
“Ano ba kasing sinabi mo?”
“He wants us to swap and prove how well you know me!” matigas na sagot ni Red habang matalim pa rin ang tingin kay Hellion.
Napakurap-kurap ako. Really? Gusto nyang malaman kung gaano ko kakilala ang asawa ko sa pamamagitan ng pagpapalit nilang dalawa ng katauhan? Oh come on!
“MOONSTONE PAHINGING KUTSILYO!” malakas at malamig na utos ko kay Moonstone na agad namang tumalima.
“WHAT THE HELL, HELLEIA?!”
“HIDE IN HELL, HELLION!!!” mapanganib at galit na sigaw ko sa kanya.
“Daemon, Fire, you fuckers, get me out of here!” pasinghal na utos ni Hellion sa dalawang galamay nya.
Ngumisi ako. Takot sakin ang big boss ng Morfell, napakasarap sa pakiramdam!
“We’re sorry, boss. Hindi namin gustong mamatay sa kamay ng queen ng Vandross at big boss ng Aces” kunwari’y malungkot na sagot ni Fire.
“f**k you!”
“Here queen” agad kong kinuha ang malaking kutsilyo na iniabot sakin ni Moonstone, nakita ko kung paano namilog ang mata ni Hellion.
Gusto kong matawa dahil sa nakikita kong reaksyon ni Hellion. Nagbibiro lang naman ako, how can i hurt someone who once protect me? Isa pa, sila ang dahilan kung bakit natuto akong magbiro ng ganito.
“STOP IT—”
BLAAAAGGGG
Pinutol ng marahas na pagbukas ng pinto ang sigaw ni Hellion. Agad kaming tumingin doon at nakita ang babaeng mukhang miserable. Magulo ang buhok, gusot ang suot na t-shirt, matamlay ang mga nagliliyab sa galit na mata at mariing magkadikit ang mga labi.
T-That girl! Sya ‘yong nabaril ko noong gabing ‘yon. Anong ginagawa nya dito?
“Dane!”
Napatingin ako kay Hellion na mabilis na tumakbo palapit sa babae, hustong makalapit sya ay nabuwal ang babae ngunit nasalo nya ito.
“WHAT THE HELL HAPPENED, DANE?” pasigaw na tanong muli ni Hellion sa babae.
Umawang ang labi ko nang makita kung paano umagos ang masaganang luha mula sa mga mata ng babae ngayon ay tila hinang-hina na nakatingala kay Hellion.
“R-Rage...H-Hellion *huk* h-help me” putol-putol at umiiyak na sagot ng babae.
Hindi ko alam kung anong meron sa kanila, kung sino ang babaeng ‘yon pero sigurado ako, katulad namin at may kinakaharap din na malaking laban ang babaeng tinawag ni Hellion na Dane.
-