Chapter 5

1446 Words
Chapter 5 Helleia Demetria’s POV Buong araw naming hinanap si Hellion pero hindi namin sya nakita. Nag-aalala na ako, baka kung ano nang nangyari sa kanya, hindi sa wala akong tiwala sa kakayahan nya na ipagtanggol ang sarili pero kasi..involved na ang emosyon, nasaksihan ko na kung paano nagpadalos-dalos noon si Red ng dahil sakin, at kung paano ako naapektuhan ng sakit na naramdaman ko noon. Ayokong mangyari kay Hellion ang hirap na pinagdaanan namin ni Red bago kami mabigyan ng pagkakataon at panahon para sa isa’t-isa, para ko na syang tunay na kapatid, Hellion is one of those people who stand by my side during my downfall at hindi ko kayang makita sya na nahihirapan. Itinigil ni Red ang minamaneho nyang sasakyan, kami lang dalawa dito sa kotse nya at inabot na kami ng alas diyes ng gabi sa paghahanap. Hindi naman maaring sumugod si Hellion sa kuta ng kalaban dahil hindi pa naman namin alam kung nasaan 'yon. “I’m worried” sambit ko saka kinagat ang pang-ibabang labi. Kita ko kung gaano kahigpit ang hawak ni Red sa manibela, panay rin ang igting ng panga nya at matalim ang tingin sa kawalan. Galit sya. Kitang-kita ko naman. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ng lolo nila ang bagay na ito, i mean, bakit nya pinahihirapan at sinasaktan ang mga apo nya? Hindi ba’t bilang mas nakatatanda at natitirang pamilya ay dapat sya ang gumabay sa magkapatid? Maya-maya ay biglang nagring ang cellphone ko, agad ko ‘yong sinagot nang makitang si Fire ang tumatawag. “Fire” [He’s home but he won't talk, please come here] Matapos sabihin ‘yon ni Fire ay agad kong ibinaba ang tawag, pinaharurot naman ni Red ang kotse patungo sa bahay ni Hellion. Mabilis kaming nakarating sa mansion, dali-daling bumaba si Red, akala ko’y tatakbo na sya papasok pero nagkamali ako dahil umikot pa sya sa kabilang bahagi ng sasakyan kung nasaan ako saka ako pinagbuksan ng pinto, inalalayan pa nya ako kahit na kitang-kita ko sa mga mata nya ang kagustuhang makausap na kaagad si Hellion. I smiled, he always made me on top of his priorities. Pinagbuksan kami ni Daemon ng pinto, nang pumasok kami ay bumungad sa amin ang isang batang nakaupo sa wheelchair, isang batang lalaki na mukhang nasa labing limang taon. Nangunot ang noo ko. Nakaluhod sa harapan ng bata si Hellion na sobrang lungkot ng mukha at binabalot ng galit ang mga mata. “I’m sorry, Rage, hindi ko mahanap si ate, wag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi sya mapapahamak, i’d rather die than losing her” paos na litanya ni Hellion. Nahulog ang kamay kong nakakawit sa braso ni Red. Hindi ko maintindihan, sino ang batang ‘yon? Nilingon ko ang asawa ko. Nakatitig lamang sya kay Hellion at hindi manlang nagulat sa nakikita. Alam nya ba? Alam nya kung anong nangyayari at kung sino ang batang tinawag ni Hellion na Rage? “Don't say that, kuya, hindi gugustuhin ni ate na marinig sayo ang mga salitang ‘yan. Wag kang mag-alala, malakas si ate, matalino at madiskarte, kaya nga nakakapagpagamot ako kasi may ate ako na katulad nya diba?” Nakatulala lamang ako sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, ang magtanong o mahabag dahil sa sitwasyong nakikita ko. Hellion is kneeling infront of an ill child. He’s almost crying and here’s the child, trying to cheer him up. “Tama ka, malakas ang ate mo, kaya nga..kaya nga mahal ko sya e” mahinang sagot ni Hellion pero hindi ‘yon nakaligtas sa pandinig ko. “Right, you love my ate and she feels the same way, i think that is enough reason for her to come back to us” sabing muli ng bata. Ngumiti ako. He’s a smart kid, matured and warm hearted. Gusto kong magkaroon ng anak na katulad nya. “Hindi sya nagsasalita kanina, kung hindi ko pa iniharap at pinakausap si Rage sa kanya ay hindi talaga sya kikibo” Nilingon ko si Aphrodite na bigla nalang sumulpot sa gilid ko. Her arms are crossed against her chest while looking at Hellion and the kid. “Falcon twins do really give their everything when it comes to love, unfortunately i only got conceited Alzona” dugtong pa ni Aphrodite. Imbes na matawa ay nailing nalang ako. Obviously, inaasar nya lang si Edrix na nakabusangot sa tabi nya. Napansin kong nakatitig na sa akin si Red. I mouthed ‘why’ and he only shrug his shoulders. Lumapit sya kay Fire, sumunod naman ako. “Uuwi na kami ng asawa ko, keep your eyes on him, hayaan nyo sya sa gagawin nya pero wag nyo syang hahayaang lumabas ng mansion and update me from time to time” Agad na tumango si Fire sa bilin ni Red, tipid din akong tumango sa kanya bilang pamamaalam saka lumapit kay Red na agad ipinulupot ang braso sa aking bewang, nakita kong nilingon nya muli si Hellion bago kami tuluyang lumabas ng mansion. “Why don't we spend the night here? Alam kong gusto mong bantayan ang kakambal mo” suhestiyon ko nang makasakay kami ng kotse. Nagpakawala sya ng malalim na buntong-hininga bago bumaling sakin. “We can't, hindi tayo pwedeng mawala sa focus, maybe Danger’s abduction is just a bait. Remeber we have different problems, wife, i can't let you out of my sight now” Tumango ako. Tama sya, baka sa pagbaling namin ng atensyon namin sa nangyayari kay Hellion ay bigla kaming malusutan o mapahamak. Kaya naman ni Hellion ang sarili nya, he’s a mafia boss afterall, hindi sya basta-bastang mapapabagsak. Nang makarating kami sa bahay ay agad kaming pumasok ni Red. Dumiretso ako sa kwarto namin at kumuha ng tuwalya at bathrobe, gusto kong maligo, nanlalagkit ako dahil sa pawis na dulot ng matinding sikat ng araw. Mabilis akong naligo, nagbalot lang ako ng towel at nagsuot ng bathrobe bago lumabas ng shower room, naabutan ko si Red na naka tungo sa sink sa harap ng malaking salamin. Nasa loob din sya ng banyo, bukod lang ang shower room dahil may harang ‘yon na bubog. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang likod nya. Nag-angat sya ng tingin at tiningnan ako gamit ang salamin sa harap naming dalawa. “Are you okay?” He smiled and took my left hand, hinaplos nya ang suot kong wedding ring saka ‘yon dinala sa tapat ng labi nya at dinampian ng halik. “I love you so much, wife, i can die protecting you” madamdaming saad nya saka humarap sakin. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi saka pinatakan ng mumunting halik ang buong mukha ko. Napangiti ako sa kilig. Simula nang maging official na mag-asawa kami ay walang araw na hindi nya ipinaalala sakin kung ano ang nararandaman nya, he never let me drift to sleep without reminding me how he loves me so much. “I love you too, hubby, so much, protect me but please, don't die. I don't wanna celebrate our anniversaries with tears and broken heart” He chuckled and pulled me for a hug. Mahina rin akong tumawa. Sabay kaming lumabas ng banyo habang nakayakap ako sa bewang nya at nakaakbay naman sya sakin, akala ko’y bibitawan na nya ako nang makalabas kami ng banyo pero hindi, naupo sya sa kama nang hindi ako binibitawan. Hinila nya ako paupo sa lap nya at ipinulupot nya ang dalawa nyang braso sa bewang ko, patalikod akong nakaupo sa kanya kaya naman nakaharap ako sa malaking salamin na katapat namin, napatitig ako sa kanya gamit ang salamin, nakatitig rin sya sakin habang mahigpit na yakap ang bewang ko. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nagtitigan sa salamin, ang alam ko lang ay natagpuan ko ang sarili ko na nakaharap na sa kanya at mainit na magkahinang ang aming mga labi. I can feel the tension throughout my body, the anticipation and desire. Nag-iinit ako. Kaliligo ko palang pero naiinitan na ako. Bukas naman ang aircon pero.. “Wife..” I don't know but that sounds so sexy, i think i’m losing my mind. Habang mas lumalalim ang halikan namin ay nararamdaman ko ang tila mas bumibilis na pagdaloy ng dugo ko, the next thing i knew is having him above me with both of my arms encircled around his nape and his kisses going down to my neck. “I want a little version of us, wife, please allow me to do this” he said against my exposed collarbone. Hindi ko na alam kung nakasagot ba ako sa tanong nya dahil darang na darang na ako at tuluyan nang nawala sa sarili pero kahit ganon, iisa lamang ang sagot ko at alam kong alam nya ‘yon. Yes! I’d love to give birth to a little version of us. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD