Chapter 6
Helleia Demetria’s POV
Nakatulala ako sa kisame habang sunod-sunod na lumulunok. Umaga na at nauna pa akong gumising kay Red na hanggang ngayon ay padapang natutulog sa tabi ko habang nakapulupot ang kanyang kanang braso sa bewang ko, nakaharap sya sakin kaya naman kitang-kita ko ang gwapo nyang mukha.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko, bahagya akong tumungo para tingnan ang suot ko, isang makapal at over sized shirt ang suot ko, damit ni Red at alam kong wala akong suot sa ibaba maliban sa manipis na panloob ko.
Lumunok ako. Naramdaman ko ang hapdi sa parteng ‘yon ng katawan ko, ang hapdi na paulit-ulit na ipinaalala sa akin ang naganap kagabi sa pagitan naming dalawa ni Red, ang sandaling matagal ko nang hinihiling na mangyari.
Nag-init ang mukha ko sa biglaang pagbalik ng alaala sa akin. I remember everything, crystal clear, i remember how we did it, every details in every seconds, every minute of our intimite moment.
N-Nangyari na ba talaga? Hindi pa rin ako makapaniwala, he didn't refrain from doing it last night, he even initiated it.
“We can do it again, wife”
Kahit nakahiga ay napaigtad ako nang biglang bumulong si Red sa tenga ko. Suminghap ako at namimilog ang mata na tiningnan sya.
He’s smirking and i find it so sexy. Why?
“D-Do it again ka dyan, m-masakit pa!” awkward na sagot ko saka dahan-dahang bumangon.
Napangiwi ako nang biglang sumigid ang sakit at mas napangiwi pa nang lalo ‘yong sumakit dahil sa pag-igtad ko nang bigla akong alalayan ni Red.
“OUCH!”
Mangiyak-ngiyak na kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Tiningnan ko ng masama si Red na ngayon ay nakatitig sakin habang nakaawang ang labi at lumulunok.
Aaahhhh! Bakit ganito kasakit? Sadya ba talagang ganito ‘yon? O halimaw lang talaga ‘yong kanya?
“I’m sorry, wife, let me carry you—”
“NO!” pinandilatan ko sya ng mata.
Pagkatapos ng nangyari samin i swear hindi ko na hahayaan pang maulit ito, sobrang sakit! Para akong hinati sa dalawa. Jusko!
“Wag kang lalapit sakin, Red, babalyahin talaga kita! Ang sakit ng ginawa mo!” singhal ko pa sa kanya.
His lips twitched at bigla syang umiwas ng tingin habang unti-unting namumula ang tenga. Namilog ang mata ko nang gumuhit ang isang malaking ngiti sa labi nya.
What the..
“Aba’t! Hoy Falcon, anong nginingiti-ngiti mo? Nag-eenjoy ka bang nakikita na nasasaktan ako? Ha?”
He looked at me with an amused expression. He’s biting his lips and i find it sexy, again, God! Bakit lahat ng ginagawa nya ang sexy ng dating sakin? Anong ginawa nya sakin kagabi?
“No! No, wife, i just love the idea of being your first, it makes me wanna kiss you so bad and marry you again, and again...and again”
Nag-iwas ako ng tingin. Kumurap-kurap ako saka hinila ang kumot at ibinalot ‘yon sa katawan ko kahit may suot naman akong shirt.
Saglit kong sinulyapan si Red, nakatitig sya sakin habang may nakaguhit na matamis na ngiti sa labi.
Aaahh! Ano bang ginagawa nya? Bakit sya nakangiti? Kinagat ko ang dila ko habang pinapakalma ang nagwawala kong puso na hindi naman tumatalab.
“M-Malamang ikaw ang u-una ko, w-wala naman nang ibang lalaking d-dumaan sa buhay ko bukod sayo” lumulunok na sagot ko.
Tumayo sya at umikot papunta sa kabilang bahagi ng kama kung nasaan ako. Hinawakan nya ang dalawa kong kamay saka ‘yon hinalikan ng maraming beses pagkatapos ay tumitig ng matiim sa akin.
“Hindi ako dumaan lang, i stayed and will stay forever, kahit magsawa ka pa sa mukha ko at ipagtabuyan ako, paulit-ulit ko lang ipapaalala sayo kung ano ako sa buhay mo at kung kanino ka nararapat, sa akin lang, sa akin lang, Helleia”
Malamlam ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin, kitang-kita ko rin sa mga mata nya kung gaano sya katotoo sa salita at nararamdaman nya.
“At hindi ako magsasawang alalahanin kung ano ka sa buhay ko, Red, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay at sa susunod nating buhay”
He smiled and pulled me for a hug. “Thank you for coming into my life, Helleia, everything is perfect when i am with you”
I feel the same way, Red, hubby. Hindi na ko hihiling pa ng ibang bagay, ikaw lang ang kailangan ko.
“I love you, hubby” niyakap ko ang bewang nya at hindi ininda ang ngayon ay kumikirot ko nanamang parte ng katawan.
Isinubsob ko ang mukha ko sa tagiliran nya habang hinahaplos nya ang buhok ko.
“I love you, Mrs. Falcon, i hope i hit the jackpot last night”
W-What?
Suminghap ako at agad na napaangat ng tingin sa kanya, he’s laughing and i felt my whole face heated. What the hell?
—
“Get out! I can take care of my wife!”
Nangunot ang noo ko nang marinig ang pasinghal na boses ni Red. Nandito ako sa kwarto namin, nakahiga dahil hindi ko kayang maglakad, nahirapan pa nga akong maligo kanina dahil masakit talaga.
Lumunok ako nang maalala kung gaano ‘yon kasakit nang umihi ako kanina, kinailangan ko pa ang tulong ni Red para lang makapunta ako ng banyo at makaihi ng maayos na hindi naman nangyari.
Bakit ba kasi sobrang sakit?
“You said she’s sick, i’m sorry but i have to check on her”
Si Aphrodite! Bakit nandito sya?
“f**k! She’s my wife, do you think i can't take care of her, i made her sick and i can heal her on my own way!”
Nanlulumong kinagat ko ang dila ko. Jusko! Anong sinasabi ni Red? Waahhh! Nakakahiya kay Aphrodite, siguradong makukuha nya kaagad ang laman ng mga sinabi ni Red.
“Oh really? Then i really should check on her, boys will always be boys, tsk tsk!”
Lumunok ako. Hindi ko alam kung kailan pa naubos ang takot ni Aphro kay Red dahil mula nang bumalik sila mula sa private island ni Hellion ay ganoon nalang kung makipagtalo sya kay Red, mabuti na nga lang at hindi sya binabaril ng asawa ko, nang minsang mapikon kasi si Red kay Dart ay binaril nya ito sa binti.
“f**k OFF APHRODITE! EDRIX, TAKE HER AWAY OR I’LL BEAT YOU!”
Ibinagsak ko nalang ng paulit-ulit ang ulo ko sa unan. Bakit pagdating sa iba ay sobrang sungit at mainitin ang ulo ni Red? Dati naman ay kalmado sya, siguro ito talaga ang totoong ugali nya, nagbago lang sya noong namuhay sa puso nya ang galit.
Masaya ako. Masaya akong nakikita ko na ang totoong ugali nya, ‘yong ugaling nyang mahirap kontrolin, ang pagiging mainitin ng ulo at palaging sumisigaw kapag ibang tao ang kausap. Hindi ko na halos nakikita sa kanya ang Red na una kong nakilala, ang Red na walang emosyon, ang Red na mas pinipili ang matalinong desisyon kaysa sa sinasabi ng puso at emosyon.
Masaya ako, sobrang saya dahil nakuha ko na ang matagal ko nang pinapangarap, ang makapasok sa mundo ng lalaking mahal ko at makasama sa takbo ng buhay nya at misyon nya dito sa mundo. Doon palang, umaapaw na ang kaligayahan sa puso ko.
“Please tell me you’re taking pills”
Napatingin ako sa pintuan, nakatayo doon si Aphrodite habang nakangiwi at nakahalukipkip.
Pills? Kailangan pa ba ‘yon? Mag-asawa kami ni Red.
—