~~~
Pag gising ko nag asikaso na agad ako ng kakainin ko at susuotin ko.
Kanina pumasok ako sa kwarto ay tulog na tulog parin sina mama at sia hindi kona sila ginising at nag patuloy lang ako sa pag aasikaso. Ng matapos ako sa lahat ay nag iwan ako ng sulat.
/GOODMORNING HO. MAYROON HO AKONG NILUTONG HOTDOG, TOCINO, AT ITLOG, NILAGAY KO LANG HO SA REFF PAKI INIT
NALANG HO. AT KAY SIA NAMAN HO PAKI SABI DADAAN AKO SA KANIYA PAG UWI NIYA NG SCHOOL KITA HO KAMI SA TAPAT NG GATE NILA, YUN LANG HO SALAMAT.
-NASH/
~~~
"Kawawa naman si sia at ang mama mo, dapat ipakulong niyo na yon" sabi ni tine. Naikwento ko kasi sa kaniya ang nangyare kila sia at mama.
"Ayon nga ang gusto kong gawin, mamaya sasabihin ko kay mama ay mag sampa ng kaso sa k***l niyang asawa" sagot ko.
"Kay sia palang ay child abuse na ang kaso niya, sa pananakit niya sa anak niya." sagot niya. Wala pa namang masiyadong customer kaya nag kwentuhan muna kami at eto nga kinwento ko sa kaniya ang mga nangyari kahapon.
9:20 am na mejo dumadami na din ang customer, tatlong table sa kaliwa ang merong tao at sa kanan naman 2 table.
Habang nag aantay ng ibang customer ay sinulat ko muna ang mga needs namin dito sa cafè paubos na kasi ang ibang stocks, ibibigay ko din kasi to sa boss ko at siya na ang bahalang mag asikaso netong mga nilista ko, para sa monday pag pasok namin ulit ay meron na ulit mga stocks.
"Ay sorry te." sabi ni christine. Nasanggi kasi niya ako pagkadaan niya sa likod ko, dahil sa nasagi niya ako ay nabitawan ko ang ballpen at nahulog ito sa sahig.
"ok lang te" sabi ko at pinulot ko ang ballpen, narinig kong may pumasok sa café malamang customer nato, binati ko siya habang kinukuha ang ballpen.
"Goodmorning... oh jeo ikaw pala" sabi ko ng makita ko kung sino ang customer. Si jeo - ang gwapo niya talaga lalo na sa suot niya.
"Goodmorning" nakangiting sabi ni jeo. At s**t maslalo pa siyang gumagwapo pag nakangiti.
"Anong order mo?" Nakangiting sabi ko.
"1 Hot chocolate" sabi niya. Favorite niya siguro ang hot chocolate pero hindi dito sa café namin dahil pangalawang beses palang siya pumunta dito.
"1 hot chocolate anything else Sir?" sabi ko.
"That's all"
"Ok sir punta ko nalang po sa table mo" sabi ko at tatalikod na sana ako para sabihin kay tine ang order niya ng mag salita siya ulit.
"Ahmm, nash anong oras lunch break mo?" Tanong niya.
"hmm 12 O'clock bakit?" Sabi ko. My gosh yayayain niya bakong kumain sa labas hmm pwede naman.
"Ok lang ba na sabay tayo kumain mamayang lunch?" Sagot niya. Yes naman ikaw na yan eh tatanggi paba ako?.
"Ah ok lang naman pero baka ma bored ka kakaantay sakin." Sagot ko.
"Ok lang hintayin kita malapit nadin naman tsaka pwede bang mag stay muna dito?" Tanong niya. Oo naman para nakikita kita palagi tapos nababantayan. "May gagawin lang ako" pahabol niya.
"Sure pede naman" sagot ko. tumanggo nalang siya at pumunta na sa table niya. Sinabi ko narin kay tine ang order niya.
"Nash oh. ok na" sabi ni tine ng matapos siya ay kinuha ko naman agad at binigay kay jeo.
"Jeo eto na yung order mo." Sabi ko ng makalapit sa table niya at binigay ang order niya. "Enjoy" nakangiting sabi ko.
"Thankyou" sabi niya. Tumanggo lang ako at bumalik na sa pwesto ko.
Maya maya pa ay naging busy nako dahil dumadami na ang customers. Si jeo naman ay naghihintay parin sakin meron siyang dalang loptop at naka earpods siya. Mayat maya din ang tingin ko sa kaniya pero saglit lang para di mahalata na tinitignan ko siya. Minsan naman ay nag kakatinginan kami, nginingitian ko nalang siya at mag bubusy busyhan.
"Boyfriend mo?" Tanong ni tine. Nasa tabi ko lang siya habang gumagawa ng order ng magasawa.
"Ha?... Sino?" Tanong ko. At tumingin sa kaniya.
"Sus... yung lalaki sa kanan yung pogi" sagot niya at tinignan si jeo napatingin din ako. busy parin siya sa loptop niya.
"Baliw hindi... kaibigan ko lang siya" depensa ko at paliwanag. tumingin na ulit ako sa kaniya.
"Kaibigan lang ba talaga" sabi niya at tumingin sakin sabay ngiti na nanloloko.
"Oo nga... pero crush ko siya hehe" pag amin ko. Hindi naman masama kung mag ka crush diba. Sabi nga nila ang crush ay paghangga.
"Sabi na eh... kaya pala mayat maya ang tingin mo sa kaniya" napansin pala niya. "Alam ba niya?" Tanong niya.
"Hindi... tsaka ayoko sabihin." Sagot ko.
"Hmm... ikaw bahala." Sabi niya. " pero ship ko kayo" sabi niya at kinilig siya.
"Huy baka marinig ka. Mag trabaho na ngalang tayo, tsaka tapusin mona yan nag hihintay sila oh" sabi ko.
"Oa te ha naka earpods naman, pero totoong ship ko kayo" sabi niya. At inayos na niya ang order ng mag asawa. "Oh te pakibigay na thanks." Kinuha ko at binigay kona sa kanila.
11:52 na. Nag hahanda na kami para makapag lunch. Nilagay ko nadin sa close ang sign para wala ng pumasok na customer. Wala na ring ibang customer dito sa loob si jeo nalang. Lumapit ako sa kaniya at sinabi na mag aayos lang ako at aalis na kami para kumain.
Ng makalapit ako sa kaniya ay kinalabit ko siya. Tumingin naman siya sakin at tinanggal ang earpods sa tenga niya.
"yes?" Tanong niya.
"Mag bihis lang ako tas alis na tayo" paalam ko sa kaniya.
"Sure, i'll wait you here" sagot niya at inayos niya ang mga gamit niya sa lamesa.
"Sge bihis lang ako" sabi ko at tumalikod at pumunta sa likod para mag bihis.
Nagpalit agad ako at lumabas. lumapit muna ako kay tine Nagpaalam muna ako sa kanya na aalis na kami.
"Gora te gusto ko pag balik niyo kayo na" sabi niya at sabay ngiti ng nang nakakaloko.
Nanlaki ang mata ko dahil baka narinig siya ni jeo. "Baliw ka talaga" mahinang sabi ko.
"Sus kunyare kapa. Sge na gora na babush" sabi niya at kumindat pa. Ngumiti nalang ako at tumalikod na sa kaniya at lumapit kay jeo. Nakapag ligpit naman na siya, nakatayo siya at inaantay ako.
"Tara na" pag aya ko sa kaniya ng makalapit ako sa kaniya. Tumanggo siya at nauna siyang lumabas nakasunod lang ako sa likod niya.
Paglabas namin ay nasa kaliwa nakaparada ang kotse niya, may dala pala siyang kotse hindi ko kasi nakita kanina. Sumunod lang ako sa kaniya, binuksan niyang pinto ng kotse at pinapasok niya ako. Nag pasalamat lang ako at sumakay. Kinilig ako bigla dahil sa ginawa niyang yon. Umikot siya at sumakay na. Pagkapasok niya ay nilagay niya ang bag niya na ang laman ay loptop, nilagay niya ito sa likod at nilapag naman niya sa harap ang cp niya.
"So saan mo gusto kumain?" Panimulang tanong niya.
Napatingin ako sa kaniya. "Pwede bang mcdo nalang?" Tanong ko.
"Sure." Sabi niya at pinaandar na ang kotse.
Hindi naman masyadong malayo ang mall kaya mabilis kami makakarating doon. Habang nasa biyahe kami ay ako ang nag umpisang nag salita.
"Tanong ko lang kung paano moko nauwi sa apartment ko nung wednesday ng gabi. Diko kasi maalala eh" tanong ko. Hindi ko kasi talaga maalala.
"Nakatulog ka non, kaya binuhat nalang kita." Sagot niya habang nakatingin sa daan.
"Pano mo nalaman kung saan ang room ko?" Tanong ko nakatingin ako sa kaniya.
"Sa susi mo no.20 ang nakalagay kaya nalaman ko at nag tanong din ako sa guard." Sagot niya ng hindi ako nililingon.
Oo nga no bat diko naisip yon, ang bobo mo nash.
"Nakakahiya dapat ginising mo nalang ako nahirapan kapa tuloy buhatin ako." Sabi ko at lumihis na ng tingin sa kaniya.
"Ok lang hindi ka naman mabigat"
Sabagay malaki siya at maliit lang ako kaya kayang-kaya niya ako. Mejo malaki din ang katawan niya yung sakto lang. Hmm meron kaya siyang abs, nako naman nash mag tigil ka nga.
"Kahit na... pero thankyou sa paghatid sakin." Nakatinging sabi ko sa kaniya at lumihis din agad.
"Hmm... kamusta pala ang kapatid mo at mama mo?." Tanong niya napatingin ako agad sa kaniya. "Nasabi kasi samin ni seb ang nangyari kahapon." Sagot niya.
"Ok naman na sila, sa apartment ko muna sila tumutuloy." Sagot ko.
"Ok naba kayo ng mama mo?." Hindi ako agad nakasagot at nakatingin lang ako sa daan. "Ah ok lang naman kung dimo sagutin naiintindihan ko naman." Sabi niya ng mapansin niyang natahimik ako.
"Isinantabi ko muna ang galit ko sa kaniya, hindi madaling mag patawad sa taong malaki ang pagkakasala sayo, pero ina ko parin siya at may step sister ako na mahal na mahal siya, inisip ko nalang din ang step sister ko, bata pa siya hindi niya dapat nararanasan ang ganoong trato sa kaniya ng ama niya, mabait si sia mahal niya ko bilang kapatid at kuya, ganun din ako sa kaniya kaya masmabuting isantabi ko muna ang naramdaman kong galit kay mama." Mabang sagot ko habang nakatingin parin sa daan.
"Tama ang naging desisiyon mo, i'm sure na masaya ang kapatid mo na nasa heaven sa kabutihan na ginawa mo" sabi niya mejo napaluha ako dahil sa sinabi niya, naalala ko tuloy ang sabi sakin ng kapatid ko tungkol kay mama at papa, sinabi niya sakin na kapag daw kailangan na kailangan nila ng tulong ay wag akong magdalawang isip na tulungan sila kahit daw na iniwan nila kami, pero hindi ako nakasagot sa kaniya at niyakap ko lamang siya at hinaplos ang kaniyang ulo. Kung alam ko lang na iyon na ang huling magkakausap kami at mayayakap ko siya ay sana umabsent nalang ako kinabukasan para nabantayan ko siya. sguro kasama ko parin siya at si lola.
Pinunasan ko ang luha ko, buti nalang at may dala akong panyo.
Napansin niya na nagpunas ako ng luha."hey are you ok?." Tanong niya. "Sorry, hindi nako mag tatanong ulit." Sabi niya.
"Hindi ok lang, na miss ko lang kapatid ko at lola ko hehe." Sabi ko ng nakangiti.
"Are you sure your ok?." Tanong niya ulit at bumalik ang tingin sa daan.
"Oum ok lang talaga... malapit naba tayo?." Tanong ko at inayos ang sarili. Kita naman na namin ang mall.
"Yes, where almost there." Sagot niya.
Nakapag park na siya at agad kaming pumunta sa mcdo para kumain. Ng makarating kami doon ay tinanong niya ako kung ano ang gusto ko at siya na daw ang pipila, sinabi ko nalang na chicken at fries nalang sakin at coke, mag aabot sana ako ng pera pero hindi niya tinanggap, sabi niya siya ang nag aya kaya siya ang mag babayad, pinilit ko parin siya pero hindi siya nag patalo kaya ang ending siya ang nag wagi. Iniwan ko siya at nag hanap ng pwesto may nakita naman ako agad, pang dalawahang tao lang, mejo marami din ang tao dito.
Inaantay ko nalang siya ngayon, nasa pang apat na pila pa siya. Habang inaantay siya ay nag cellphone muna ako.
Pagkabukas ko ng messenger ay nakita kong may chat ang dalawang bruha sa gc, mga 12:20pm pa ang chat at ang oras ngayon ay 12:30 na hindi ko kasi nagamit to kanina nung nasa kotse kami ni jeo. Agad kong binuksan to at binasa.
/hoi nash nasan ka?/ reply ni lia.
/at sino yang lalakeng kasama mo aber?/ reply ni lyn.
/lumalandi kana sis ha, sino yan ha?/ reply ni lia.
12:20 patong chat nila at ngayon ko lang nabasa. At pano nila nalaman na may kasama ako? Hmm.
/nasaan kayo? at pano niyo nalaman na may kasama ako?/ reply ko. Agad na nag seen ang dalawang bruha at agad na nag reply.
/Nandito kami sa café yayain ka sana namin kumain./ reply ni lyn.
/at si christine ang nag sabi samin na may kasama ka./ reply naman ni lia. Si tine pala, doon kasi nanananghalian si tine nag babaon nalamang siya ng pagkain niya at sa café kakain.
/secret bleh./ reply ko at nag send ng nakadilang emoji at nakapikit ang isang mata😜.
/malalaman din namin yan./ reply ni lyn.
/HAHAHA si jeo ang kasama ko./ Reply ko.
/si jeo? Kaibigan ni seb?/ reply ni lia.
/Oo siya nga./ reply ko
/bat naman kayo mag kasama? Kayo na no?/ reply ni lyn.
/gaga hindi, sumabay lang kumain./ reply ko..
/so date palang pala/ reply ni lia.
/ewan ko sainyo/ reply ko.
/sus wag ako nash, alam ko ganiyang galawan kaibigan sa una tapos habang tumatagal nag kakaroon na ng feelings/ reply ni lia.
/dun narin patungo yan ses/ reply ni lyn.
/mag kaibigan lang kami ano ba kayo/ reply ko.
/sus, sge na enjoy ka jan alis na kami, may kasabay kana palang kumain/ reply ni lia.
/go te enjoy sa date niyo byee/ reply ni lyn.
/sabing hindi to date eh, byee na nga/ reply ko at nag react lang sila ng tumatawang emoji sa reply ko.
Tinago ko muna ang phone ko at napatingin kay jeo na papunta na rito, ng tuluyan siyang makapunta sa kinauupuan ko dala dala ang mga orders namin ay nilapag na niya iyon sa mesa namin at inalis ito sa tray. Ang order niya ay burger, fries, at mcfloat.
"Hindi ka mag r-rice?" Tanong ko at umupo na siya sa harap ko.
"Yes" sagot niya.
"Ah ok tara kain na tayo" sabi ko. "Pray muna tayo?" Tanong ko at tumingin sa kaniya. Tumanggo lang siya at ako na ang nag lead ng prayer. Pagtapos mag pray ay agad na kaming kumain babalik pa kasi ako ng café, 2:00pm pa kasi ang sarado ng café.
Habang kumakain ay nag uusap naman kami pero tungkol lang sa mga high school life namin ang pinag uusapan namin. Ng matapos kumain ay nag pahinga saglit at hinatid niya ako pabalik sa café.
Maya maya pa ay nandito na kami sa gilid ng café at naka park.
"Thankyou sa lunch jeo nag enjoy ako." Nakangiti kong sabi at tumingin sa kaniya saglit at lumihis din at inayos ang gamit ko.
"Your welcome nag enjoy din ako." Nakangiti at nakatingin saking sabi niya.
"Sge thankyou ulit, ingat pauwi." Sabi ko at lalabas na sana ako ng kotse niya nang bigla ulit siyang mag salita.
"Nash Wait" pagpigil niya sakin. Palabas na sana ako.
"Yes?" Napalingon ako sa kaniya.
"Ahh... wala kasi akong gagawin sa bahay, pwede bang hintayin kita hanggang sa matapos ka sa trabaho at yayain kang pumunta ulit ng mall?" Sabi niya. Nasa driver seat parin siya.
"Hmm... baka mabored ka?, mamayang 2 pa ang out ko, tsaka dadaanan kopa si sia sa school niya eh." Sabi ko.
"Ok lang, mag aantay nalang ako sayo tsaka pwede din akong sumama papunta sa school ng kapatid mo para di kana mamasahe, kung ok lang sayo" sabi niya. Sabay ngiti. Huy ano ba jeo wag kang ganiyan baka isipin kong may gusto ka sakin.
"Nakakahiya baka makaabala pa kami sayo, tsaka nilibre mona ako ng lunch kanina nakakahiya." Sambit ko.
"Ok lang yon ako naman may gusto eh, tsaka wala naman akong gagawin talaga sa bahay." Sagot niya. Wala na nafall na talaga ako sa kaniya, ganito pa namang lalaki ang gusto ko yung mabait, mapagbigay, at idagdag mopa ang kagwapuhan niya. Hoo nash mag tigil ka na nga mag kaibigan lang kayo magkaibigan!!.
"Mukang hindi kita mapipigilan ah, sge na nga." Sabi ko. Napangiti siya, mag sasalita sana siya ng biglang may tumawag sa kaniya. "Ah sge wait nalang muna kita sa loob." Sabi ko.
"Sge sunod nalang ako" sabi niya at sinagot ang tawag. Bumaba nako at sinarado ang pinto ng kotse niya, nag patuloy ako sa paglalakad hanggang makapasok sa café at nag hi kay tine at kuya mark, dumiretso ako sa pinakaloob para ilagay ang nga gamit ko at nag palit ng uniform. Lumabas nako at pumunta sa aking pwesto nilagay kona din sa open ang sign sa labas. Nandito narin si ate danika.
"Kamusta ang date?" Sabi ni tine ng makatabi ko ito.
"Baliw hindi yon date sumabay lang siya mag lunch sakin." Sagot ko.
"Sus, sge na mag kwento ka na lang, so?" Sabi niya.
"Wala naman kaming ibang ginawa kumain lang" sagot ko.
"Walang pag amin?" Sabi niya. Napatingin ako sa kaniya.
"Baliw wala, tsaka wala namang dapat aminin." Sagot ko at inalis ang tingin sa kaniya.
"Ok fine, trabaho na tayo mukang hindi kita mapipilit eh" sabi niya at nag punas ng mga gamit. Ngumiti nalang ako at tumanggo.
Maya maya pa ay pumasok na si jeo, lumakad papunta sakin at umorder ng isang slice ng chocolate cake, napansin ko na mahilig siya sa chocolate, wala naman na siyang iba pang inoder kundi cake at tubig lang, sinundan kopa siya ng tingin ng papaupo na siya sa table kung saan siya naka pwesto kanina habang inaantay ako, ng mahalata kong titingin siya sa gawi namin ay lumihis na agad ako ng tingin, si tine na din muna ang nag bigay ng cake niya.
"So?, aantayin kaba niya ulit at mag dadate kayo?" Tanong ni tine ng makabalik sa pwesto niya.
"Wala daw siyang gagawin sa bahay nila kaya dito muna daw siya." Sabi ko ng hindi nakatingin sa kaniya. "Tsaka mag papasama siya mamaya hindi ko alam kung saan eh" pag sisinungaling ko.
"Hmm... eh diba dadaan ka kila boss?" Sabi niya.
"Oo sasabihin ko nalang sa kaniya malapit lapit lang naman sila ng onti daan kami don tas bibigay lang yung papel." Sabi ko, yung kaninang sinusulat ko ibibigay ko sa boss namin.
"Sabagay oh sya cr lang ako hanggat wala pa tao." Sabi niya. Tumanggo lang ako at pumunta na siya ng cr.
Mabilis na dumami ang mga customers gaya kanina maya't maya ang tingin ko kay jeo habang busy sa loptop niya, hindi naman na kami nag kakatitigan hindi ko din alam kung panay din ang tingin niya sakin, ang feeling ko naman masyado kung ganon. Makalipas ang isa't kalahating oras ay nilagay kona sa close ang sign sa labas inaantay nalang namin na maubos ang ibang tao dito sa loob at mag liligpit na kami.
Nang mag alisan na ang iba ay naiwan si jeo, sinubukan pa siyang paalisin ni ate danika dahil nga na mag sasarado na kami, kinausap naman siya ni ate danika sa mahinahong salita at may respeto ganon din siya.
Nagligpit nag linis, nag punas, at nag walis ng sahig at mop. Sinabihan ko muna si jeo na pwede na niya akong intayin sa kotse niya dahil mag lilinis na kami, sumunod naman siya kaagad.
"Bye kuya mark, ate danika, sa monday ulit." Paalam ko sa kanila. "Bye tine kita kits sa monday" paalam ko kay tine.
"Bye sainyo" si ate danika.
"Bye" si kuya mark.
"Bye nash enjoy sa date niyo." Si tine at kumindat. Etong babaeng to talaga. Isa si tine sa mga kaibigan ko ngayon ng makapasok ako sa café nato. Mabait, matulungin, palaban, at maganda. Masaya ako nakilala ko siya.
"Baliw ka talaga, sge na ingat kayo pag uwi." Sabi ko ng nakangiti at kumaway sa kanila.
Ng makapagpaalam ay agad akong nag tunggo kung saan ang kotse ni jeo, binaba lang ni jeo ang salamin ng sa kabilang pinto kung saan ako pupwesto at sinabing pumasok na.
"So where we going first?" Nakangiting sabi niya habang nakatingin sakin.
Huy wag kangang ganiyan nafafall ako ng husto sayo eh.
"Ah pwede daan muna tayo sa boss ko turo ko nalang ang daan. malapit lang naman yon dito." Sabi ko ng nakatingin sa kaniya at umiwas din agad dahil titig na titig ito sakin.
"Ok lets go." Sabi niya at tumingin sa daan at pinaandar na niya ang kotse.