part 5

3118 Words
Tulad kahapon ng umaga pag gising ko pawis at takot ang nangyari sakin. Hanggang ngayon nangangatog parin ako sa takot, buti nalamang at panaginip lang iyon, nang maging ok nako ay tumayo nako at pumunta ng cr para mag toothbrush at hilamos, pagkalabas ko ay pumunta ako ng kabinet at nag hanap ng pamalit. Nag suot lang ako ng white na oversize t-shirt at black pants, ng matapos ako ay agad akong nag handa ng kakainin ko, tocino nalang ang niluto ko at nag saing para lang sakin. Habang nakain ako ay iniisip ko kung pano ako nakauwi dahil ang naaalala ko lamang ay yung paghatid namin ni jeo kay lyn at hinatid niya ako pauwi dito sa apartment ko, hindi kona alam ang mga sumunod na nangyari sguro nakatulog ako sa byahe, sguro hindi na niya ko ginising at binuhat ako papunta dito sa apartment. Pero imposible dahil hindi niya alam kung saan ang room ko at panigurado ay mahihirapan siya dahil ang susi ko ay nasa bag ko, paano niya makukuha yon kung buhat buhat niya ako?, umiling nalang ako at tinapos na ang pagkain. Nakikinig ako ng music habang nag lilinis ng apartment. Patapos narin naman ako mag linis. Ng matapos ako ay umupo muna ako at nag cellphone, binuksan ko ang messenger ko at sakto nag chat ang mga bruha. /goodmorning tara kape?/ reply ni lia. At nagyayang mag kape. /morning libre mo?/ reply naman ni lyn. /morning mga bruha, sakto kakatapos ko lang mag linis pupunta sana ako bookshop/ reply ko. /lagi ka nalang nag papalibre te ikaw naman mang libre. Sama kami te nash./ reply ni lyn. /eh ikaw ng aya eh dapat libre mo./ reply ni lyn. /ako na manglibre baka mag away nanaman kayo/ reply ko. /yun oh wait bihis nako/ reply ni lia. /ako din byee/ reply ni lyn. /ambibilis pag libre ah sge na chat nalang/ reply ko. Hindi na sila nag reply at nag react nalang ng heart sa reply ko. Time check 1:00 pm na, nandito na kami ng mga bruha sa bookshop kumain muna kami bago pumunta sa bookshop. "Jusko te nakakahiya" mahinang sambit ni lyn ng sabihin ko sa kaniya na hinatid namin siya ni jeo sa apartment niya. Namumula siya sa sobrang hiya niya at sabunot niya ang ulo niya ng dalawang kamay "nakakahiya talaga te, sguro ambaho ko non tapos binuhat niya pako". "HAHAHA lasing pa" natatawang sabi ni lia habang umiinon ng favorite niyang coffee. "Isa ka rin eh, parehas lang kayo nandun ka sa bebe mo kasama sina benj at fynn" nabigla siya at natulala. "Omg te bat di moko hinatid." Sabi ni lia. "HAHAHA kala mo ako lang ha HAHAHA" Sabi ni lyn at inasar si lia. "Kasama mo naman si seb eh, tsaka sinabihan ko siya na ingatan ka kundi yari siya sakin, sinunod naman niya ako tignan mo kasama ka namin ngayon" sagot ko at humigop ng ice coffee. "Kahit na pano kung nahilik ako dun" sabi niya. "Ano naman normal lang yan no, tsaka wag kana mahiya, i mean kayong dalawa wag na kayong mahiya dahil ngyari na yon." Sabi ko sa kanila, natatawa ako sa dalawang to lakas maka aya kala mo kakayanin eh. Matagal tagal din ang pag uusap namin hanggang sa nag aya na si lia na mag mall kami lakad lakad daw kami. Minuto lang ang byahe at nandito na kami sa mall. Tulad ng sinabi ni lia nag lakad lakad lang kami habang nag uusap, palagi kaming ganito pag walang pasok gagala kami minsan pag tinatamad ay nanonood nakang kami sa discord, walang araw na hindi kami nag kakausap usap kahit sa messenger lagi kaming nag kakausap usap. "Diba kapatid mo yon te?" Sambit ni lyn sakin at tinuro ang binabanggit niyang kapatid ko daw. Nakita ko nanam agad ang tinuro niya. "Oo nga te tara lapitan natin, mukhang mag isa lang siya oh" sambit ni lia. "Tara nga" sabi ko at pinuntahan si sia na nakaupo habang nakayuko. "Sia" sabi ko ng makalapit kami sa kaniya. Napatingin siya samin at merong luha sa kaniyang mga mata "K-kuya" nauutal at naiiyak na sabi ni sia, halatang pinipigilan niyang hindi maiyak. "Why? Anong nangyari? Bat ka umiiyak?" Tanong ko, lumapit ako sa tabi niya niyakap ko siya at hinaplos haplos ang likod niya. Tahimik lang yung dalawa nakaupo sa harap namin, 4 seats kasi to nasa restaurant kami. "S-si d-dad and m-mom kasi nag aaway nanaman" nauutal niyang sabi, pinipigilan parin niya ang iyak niya. "Ganon talaga minsan may misunderstanding ang mga magulang natin, wag mo naplang pansinin" sabi ko at binigyan siya ng bimpo pamunas ng luha niya. "Hindi kuya, madalas silang nag aaway at laging sinasaktan ni papa si mama, gusto ko na ngang umalis kami ni mama sa bahay na yon at iwan si papa." Sabi niya. Nagulat ako at nakaramdam ng awa para kay mama lalo na ng sabihin ni sia na sinasaktan siya ng asawa niya. kahit na malaki ang galit ko sa kaniya mahal ko parin naman sila pero konti nalang iyon, at ina ko parin siya kahit na palitan ko ang middle at last name ko anak parin nila ako at magulang ko sila. "Asan si mama Ngayon?" Tanong ko. "Nasa bahay sila kuya, puntahan natin si mama sinasaktan siya ni papa please" umiiyak at nag mamakaawang sagot niya. "Wait, ano bang pinagaawayan nila? Nung nakita ko kayo sa mall mukang ok naman kayo o sila" tanong ko pero nandun parin yung awa ko para sa kanila. "Dahil nalaman ni mama na may ibang babae si papa, hindi lang isang beses nalaman ni mama maraming beses na niyang nahuhuli si papa, sa chat at minsan panga ay nakikita namin si papa sa mall na may kasamang iba" mahang sagot ni sia, umiiyak parin siya. "Tara te puntahan natin mama mo" singit ni lia. Napatingin ako sa kanila habang yakap ko parin si sia. Hindi ako makasagot agad napaisip ako kung tutulungan ko ba sila or hindi, dahil galit ako kay mama iniisip ko eto na yung karma niya dahil sa ginawa niya samin ng kapatid ko, pero ayon sa kwento ni sia sinasaktan siya ng asawa niya at hindi lang isa maraming beses. "Sge na te tulungan na natin ang mama mo, isipin mo nalang si sia" sambit ni lyn. Tama si lyn pero saan sila titira? Mamaya kona isipin yan. Ok sge papayag nako. "Ok sge tara na" sabi ko at nag pasalamat sakin si sia, tumingin ako sa kaniya at umalis ako sa pag kakayakap ko sa kaniya at hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya. "Shhh... tahan na kukunin kona kayo sa papa mo ok?" Sabi ko at piatahan siya tumanggo lang siya. Sguro ay trauma na si sia sa pinag gagawa ng ama niya sa mama namin. "Tara na te, papunta na si seb." Sambit ni lia. Napatingin ako sa kaniya at nagulat bakit niya pa pinapunta si seb nakakahiya. "Baliw ka pwede naman tayo mag jeep nalang, inabala mo pa yung tao" sagot ko. "Ano kaba ok lang yan, actually pupunta rin talaga siya at sasama sana satin" sagot ni lia. "Ok na yan te tara na" singit ni lyn. Hinawakan ko ang kamay ni sia at sabay kami nag lakad nasa harap namin sila lyn at sia sinusundan namin sila, dumating narin daw si seb at inaantay kami, ng makarating kami sa labas ay nakita namin agad ang kotse ni seb, kulay black ito at malaki, nasa labas si seb at kumaway samin. Ng makarating kami sa kaniya ay sinabi ni lia ang nangyari. Ng malaman niya ay napatingin siya kay sia at niyaya kaming sumakay na. "Saan pala tayo?" Tanong ni seb ng makasakay kami. "Sa faehaven po tuturo ko nalang po kung saan don ang bahay namin." Sagot ni sia. Taga doon din pala sila, si lyn kasi taga doon din pero sa pinaka loob pa daw sila sia mas mauuna naming madaan ang bahay ni lyn bago kila sia. Naka hawak lang si sia sa braso ko at naka sandal ang ulo sa balikat ko, magkakatabi kaming tatlo ni lyn sa likod at nasa front naman si lia at si seb nag dadrive. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay nila, pagkapasok sa faehaven village ay nakita namin sa kanan ang bahay ni lyn pero hindi na siya jan nakatira dahil lumipat na siya sa apartment magulang nalang niya ang nanjaan. Dumeretso kami at kumanan and at kaliwa at kaliwa ulet at diretso nasa dulo pala sila, ng makarating kami doon ay sinabihan ko ang tatlo na kami nalang ang baba ni sia at mag antay nalang sila dito. Tumanggo lang sila at lumabas na kami ng kotse ni sia. Malaki ang bahay nila at maganda, binuksan na ni sia ang gate at pumasok kami. Malaki ang pintuan nila at ang ganda ng design napag isip ko tuloy kung sa apartment ko sila patutuluyin ay maliit at hindi ganito kaganda gugustuhin parin kaya nila don? Di bale na. Binuksan na ni sia ang pintuan at pagkapasok namin ay namanghan ako sa ganda at laki ng bahay nila, kung sa labas ay mukang malaki sa loob naman ay malaki rin may mga mamahaling bagay sa gilid gilid at mga kumikinang na crystals nakasabit. Dumeresto si sia sa paglalakad at sumunod lang ako sa kaniya. Umakyat kami sa second floor may apat na kwarto merong kwarto dito malapit sa hagdan sa kanan, yung isa naman katabi netong naunang kwarto ay may pangalan ni sia malamang ito ang kwarto niya at yung isa naman katabi ng kwarto ni sia ay walang nakalagay. Yung nasa dulo ay siguradong doon ang kwarto nila mama at ang asawa niya. Naglakad kami patungo sa kwartong iyon. Ng marating namin ang kwarto sa duto ay kumatok si sia ng dalawang beses. "Mom!" Mejo malakas na sabi ni sia. Wala akong naririnig na away sa loob oh kung ano naman tahimik lang ito. Kumatok ulit si sia ng dalawang beses at bumukas na ang pinto niluwa nito si mama at nagulat ako sa dami ng pasa niya sa braso, at meron din siyang pasa sa kaliwang pisnge niya. Nagulat din siya ng makita ako. "Nak. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni mama. Hindi ako makapag salita para bang napipe ako dahil nakaramdam ako ng sobrang pagkaawa sa kalagayan ni mama. "Dapat sinabi mo nak na pupunta ang kuya mo para nakapag handa ako ng makakain niyo." Sambit ni mama kay sia. Pigil ang iyak niya. "M-mom alis na tayo dito, i-iwan na natin si papa sinasaktan niya lang naman tayo eh" naiiyak na sabi ni sia. Hindi parin ako makapag salita. Napatingin ako kay sia sa sinabi niya. Sinasaktan tayo? Ibig sabihin sinasaktan din siya ng papa niya?. Napansin ni mama ang reaction ko at nag salita. "A-ah... ano ba yang pinag sasabi mo nak. Wag mo siyang intindihin nak nag bibiro lang si sia ok?" Sagot ni mama. Pinagtatakpan niya pa eh halata naman na. Napatingin ako sa kaniya. "Alam kona po ang nangyari sainyo sinabi na sakin ni sia lahat kanina." Sagot ko. Nakapag salita rin ako pinipigilan kong hindi maluha. "Tsaka halata na ho sa itsura niyo, andami niyo hong pasa sa braso at binti meron din ho sa muka ninyo" sabi ko at nangilid ang luha sa mga mata ni mama. "Mom please sama na tayo kay kuya please." Pagpupumilit ni sia. "Saan tayo titira nak? Nakakahiya kung sa kuya mo pa tayo makikituloy" sagot ni mama, at tumulo na ng tuluyan ang luha niya. Mejo naluha din ako, tumalikod ako at pinunasan iyon. Awa ang nararamdaman ko sa para sa kanila. "Mag impake na ho kayo ng mga gamit at isasama kona ho kayo, sa apartment ko nakang ho kayo tumuloy, pero don't expect kasi maliit lang po iyon at hindi maganda" mahabang sagot ko. "Salamat nak" tumingin siya sakin at tumanggo nalang ako. "Dali na nak at mag impake kana baka bumalik na ang papa mo at maabutan tayo baka hindi na tayo makaalis" sabi niya kay sia. Tumanggo naman si sia at pumunta ng kwarto niya para mag impake. Wala pala ang ku**l niyang asawa. "Hintayin ko nalang ho kayo dito sa labas" sabi ko at tumalikod. Pumasok si mama sa loob at nag impake ng mga gamit. Nag inatay ako dito sa labas ng kwarto nila, maya maya aya unang lumabas si sia at dala dala ang isang pink na may mga design na maleta. Napatingin ako sa kaniya at ganun din siya naka ngiti siyang pumunta sa kinatatayuan ko, napangiti ako sa kaniya nakita ko sa kaniya ang kapatid ko sguro kung buhay lang siya ngayon at nakilala niya si sia na kapangalan niya pa ay matutuwa yon. Niyakap ko si sia at hinantay namin si mama na makalabas. "Thankyou kuya ha, alam ko galit kapa kay mama pero thankyou padin dahil tutulungan mo kami" masayang sabi ni sia habang nakayakap sakin. "Wala yon tsaka hayaan mona ang tungkol samin ni mama kami na lang ang bahala don ok?" Sagot ko. Tumanggo nalamang siya. Napatingin ako kay mama nang lumabas iya ng kwarto. Naka jacket na black siya at naka pants at facemask, para matakpaj ang mga pasa niya sa katawan at mukha, may dala siyang maleta na black. Inaya kona silang umalis. "Kumain ho muna tayo sa labas bago umuwi sa apartment ko, wala kasi akong stock ng foods don, mag gogrocery pako bukas" sabi ko habang nag lalakad palabas. Nauna ako at naka sunod lang sila ni sia sakin. "Ok nak salamat, may dala akong pera dagdag mo sa pang gogrocery mo bukas, kung gusto mo ako nalang ang mamili" sabi ni mama. "Hindi na ho ako nalang ang mamimili. itabi niyo nalang muna yan." Sagot ko. Nakalabas na kami ng gate at nasa harap ang kotse ni seb. Lumabas si seb ng kotse at inabot ang mga maleta nila sia at mama, nagulat si mama at inakalang kasimtahan ko si seb. "Goodafternoon po tita, akin napo yung mga dala niyo lagay ko kag sa likod." Sabi ni seb at nag mano kay mama, kinuha niya narin ang mga maleta at nilagay sa likod. "Salamat iho. Ikaw ba ang boyfriend ng anak ko?" Mahinahong tanong ni mama. Mag sasalita pa sana si seb ng bigla akong nag salita. "Ahmm boyfriend ho siya ng kaibigan ko, najan ho sila sa loob" sabi ko. "Ah ganon ba" sabi ni mama. "Sakay na po kayo tita" sabi ni seb. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at nauna akong sumakay, sumunod si sia at huli si mama, lumipat na pala salikod si lyn para mag kasiya kami. "Goodeaftiee po tita, lia nga po pala nash friend" masayang sambit ni lia at nag pakilala. "Ako naman po si lyn kaibigan din po ni nash" sabi ni lyn sa likod. Napatingin si mama sa likod at kumaway. "Hello sainyo, salamat sa pagtulong ha." Sabi ni mama. Papunta na kami sa mall para kumain muna bago umuwi, nag uusap usap naman sila sa kotse at ako tahimik lang. Alam kong napansin nila lyn at lia ang pagakatahimik ko. Kaya hindi na nila ako kinausap dahil alam nila ang dahilan. Nakarating na kami sa mall all nag hanap ng restaurant na pag kakainan namin, kanina sa kotse nakikinig lang ako sa kanila nasabi ni mama lahat ng nangyari sa kaniya/sakanilang dalawa ni sia. Ng marinig ko ang kwento nila ay nakaramdam ako ng awa dahil sa nangyari sa kanila, kahit si sia ay nadadamay sa kanila pinakita ni sia ang mga pasa niya sa binti dahil sa palo ng sinturon ng kaniyang ku**l na ama. Nandito na kami sa kakaininan namin, mang inasal nalang ang napili namin dahil eto ang una naming nakita. Nag uusap usap parin naman sila, at ako kinakausap ako ni sia, masaya daw siya na makakasama niya ako sana daw hindi na sila guluhin ng papa niya. Si mama naman kinakausap siya ni lyn, si lia ata seb nag uusap din magkahawak kamay sila palagi ni sia. Kumain kami at si seb ang nag bayad, nung una sabi ko ako na ang mag bayad pero tumanggi si mama at siya na daw ang mag babayad pero mapilit si seb kaya siya na ang nag bayad. Ng matapos kami ay hinatid na kami nila sia at mama sa apartment ko, 7 na kasi ginabi na kami dahil dumeretso na kami sa grocery store at namili, para daw bukas pahinga nalang daw kami pero sabi ko maiiwan sila ni sia sa apartment ko dahil may pasok ako bukas sinabi ko din kung anong oras ako makakauwi. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa apartment ko, bumaba silang lahat at si seb, kinuha niya ang mga maleta nila mama at pinamili agad ko namang tinulungan si seb at ganundin sila mama. Nasakin ang dalawang plastic na pinamili namin. Nag paalam na kami sa tatlo at ang pasalamat. "Bye mga te, seg thankyou sa paghatid" sabi ko. "Thankyou sa tulong mga iha, iho ingat kayo sa paguwi" paalam ni mama at nag pasalamat. "Thankyou po mga ate kuya sa susunod ulit hehe" sabi ni sia. "Wala po yun, sge next time ulit" sambit ni lyn. "Bye po next time nalang ulit" sagot naman ni lia. "Byee po" sagot ni seb. Tinignan pa namin makaalis ang kotse ni seb at pumasok na sa loob. Nakasunod lang sila sakin, hanggang sa makarating kami sa pintuan ng tinutuluyan ko. Kinuha muna ni mama ang isa kong bitbit para mabuksan ko ang pintuan. Ng mabuksan ko ito ay kinuha ko ulit ang plastic na hawak ni mama. Pumasok na kamat sumeretso ako sa kusina para ilagay ss lamesa ang mga pinamili bukas kona aayusin pag uwi ko. "Akin na ho ang mga maleta niyo lagay ko sa kwarto." Paalam ko at kinuha ang maleta nila ata nilagay sa kwarto. "Salamat sa pag papatuloy mo samin nak ha" pagpapasalamat ni mama. "Ok ho" sagot ko at pinapasok na sila sa kwarto. Nung una sabi ni mama siya nalang dito sa labas at kami sa loob pero di ako pumayag sa huli ako ang nag tagumpay. Buti nalang ay meron akong extra na unan para sa kanila at kumot. Nakahiga na ako sa sofa at sila sia naman at mama ay nasa kwarto tulog na sila, pagod sila kakalakad at kakaiyak kaya alam kong makakatulog talaga sila ng maaga. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na nandito si mama. Isasantabi ko muna ang galit ko sa kaniya. Nag ayaos nako at nag alarm para bukas hinanda kona din mga gagamitin ko bukas, unifrom, shoes, bag, at iba pa. Tinabi kona ang phoen ko at pinatay ang ilaw at natulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD