~~~~
Wala ng laman ang isang bote at yung isa naman kalahati nalang matagal ding naubos ang isang alak pano ba naman malalaki ang boteng nasa table, 1:20am na nag text nadin ako sa boss ko na di ako makakapasok bukas at nag dahilan nalang ako ng kung ano ano, hindi ko alam kung sino ang papalit sakin pansamantala bukas bahala na.
Mejo nahihilo nako, yung dalawang bruha lasing na yung tatlo naman hindi ko alam dahil wala sa mga itsura nila na nahihilo sila, si fynn ok pa naman nasa tamang pag iisip pa ibig sabihin dipa siya lasing, at ok lang yon para may mag dadrive mamaya, si seb naman mejo nahihilo nadin ata katabi niya si lia na halatang lasing na pati narin si lyn, si benj naman hindi pa lasing nakikinig lang sa usapan namin, si jeo naman umalis nung may tumawag sa kaniya emergency lang daw balik daw siya pag tapos mga 11 siya umalis at ngayon 1 na hindi parin siya bumabalik, hindi ko alam kung babalik pa siya or hindi na.
"Labas muna ako, nararamdaman kong lalabas na kinain ko eh" sabi ko sa kanila. Tumanggo lang sila at lumabas nako.
Pag labas ko tumakbo ako sa banyo at sumuka hindi kona kinaya, hindi pa naman ako nalalasing hilo lang at yung lasa ng alak hindi maalis sa bibig ko ang tapang nakakasuka talaga hindi naman kasi ako pala inom kaya tuwing nainom ako ng alak lagi ako na suka, hindi dahil sa lasing ako at hilo kundi sa lasa ng alak.
Pag tapos kong sumuka nag mumog ako at lumabas, pagkalabas ko grabe ang lamig, pero ok lang ang ganito sarap ng simoy ng hangin nakakarelax at etong lugar nato ang ganda daming puno kitang kita ang stars sa langit at ang buwan na nag sisilbing ilaw sa gabing ito ang ganda ganda, pumunta ako sa puno na may katabing upuan, hindi naman nakakatakot dahil merong iilang tao at ilaw dito, nakaupo nako at naka sandal nakatingala ako at nakatitig sa magandang kalangin na maraming stars at ang buwan gusto ko ng ganto, nakakarelax parang ang layo layo ko sa problema.
Napatingin ako sa daan ng may dumating na sasakyan, hindi kona pinansin at pumikit ako at dinama ang malamig na hangin.
"Bakit nandito ka?" Napadilat ako at napatingin sa lalaking nag Tanong sakin.
"Ah ikaw pala, wala naman nag pahangin lang" sabi ko kay jeo, bumalik nga talaga siya.
Umupo siya sa tabi ko mejo napausog ako ng onti, malaki naman ang upuan nato apat ang pwedeng makaupo.
"Hindi paba sila tapos?" Tanong niya.
"Hindi pa eh" sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya.
"Marami paba silang iniinom?" Tanong niya ulit.
"Ubos na yung isa, at nakalahati na namin yung isa" sagot ko.
"Hindi kapaba nahihilo?" Tanong niya ulit ng nakatingin sakin.
"Nahihilo na nga ako eh, kaya lumabas na muna ako" sagot ko at napatingin ako sa kaniya.
"Ok kalang?" Tanong ko, napansin ko kasi na malungkot siya.
"Ah oo" sagot niya. Pero halatang makungkot siya at parang punong puno siya ng problema.
"Problema? Gusto mo pagusapan? Baka makatulong ako." Mahinahong tanong ko.
"Wag na ok lang talaga" sabi niya.
"Sge na wag kana mahiya sakin, tungkol ba saan? Lovelife? Work?" Tanong ko.
Napa yuko siya at hindi nag salita.
"Bukod sa dalawang bruhang kaibigan ko, sayo ko palang to sasabihin." Sabi ko at tumingin ulit sa langit, ganon din siya nakatitig sa mga bituwin, hindi siya nag sasalita nakikinig lang.
"Galit ako sa magulang ko, galit na galit ako sa kanila" seryosong pagkasabi ko na hindi inaalis ang tingin sa kalangitan.
"Alam moba kung bakit?, dahil parehas silang walang kwenta, parehas silang hindi makuntento sa kung anong meron sila nag hanap pa ng iba, mga manloloko" sabi ko, napansin kong napatingin siya sakin.
"Si papa may ibang pamilya na at ganon din si mama, iniwan nila kami at nung iniwan nila kami parang iniwan nadin ako ng lahat ng taong nag mamahal sikin noon" sambit ko. Hindi parin siya nag sasalita nakikinig lang sa mga sinasabi ko.
"Iniwan nadin ako ng taong mahal na mahal ko" sagot ko.
"May boyfriend ka?" Biglang Tanong niya.
Napa tingin ako sa kaniya at ngumiti "wala, pero noon meron mga 1 moth lang siguro tinagal namin, nahuli ko kasi siyang may kasama at nag lalampungan" sagot ko at tumingin ulit sa kalangitan.
"Siya ba yung iniwan ka yung mahal mo?" Tanong niya.
"Hindi siya yon, kapatid ko at lola ko, parehas sila na kinuha na sakin, si lola may sakit kapatid ko naman nag suicide" sagot ko, pinipigilang kong hindi maiyak or maluha, pag ganto kasi ang pinagusapan naiiyak ako palagi.
"Bakit siya nag suicide? Dahil ba sa stress? Bully?" Tanong niya, tumingin ako ulit sa kaniya, mukang interesado talaga siya sa kwento ko.
"Parehas binubully siya dahil sa wala na siyang magulang at sinasabi " din sa kaniya na wala ng mag mamahal sa kaniya, pano ko nalama? Dahil tuwing gabi kakatok siya sa kwarto ko at biglang yayakap sakin at iiyak" mejo naluluha nako pero pinipigilan kong hindi tumulo ang aking luha. "Hanggang sa isang araw pag kauwi ko naabutan ko nakang siyang wala ng buhay sa kwarto niya"
"Nauna bang namatay ang lola mo bago siya?" Tanong niya.
"Nauna ang kapatid kong nawala, sumunod si lola sa hospital siya namatay dahil nga sa may sakit siya, nung nawala sila iyak ako ng iyak wala akong kasama mag isa lang ako sa bahay, isang buwan akong hindi lumabas ng bahay at feeling ko ang malas malas ko sa pag mamahal, dahil lahat sila iniwan ako, number 1 ang dalawang walang kwenta kong magulang, sa kanila nag umpisa ang lahat sguro kung nakonteto lang sila sana nandito pa kapatid ko at lola ko." Mahabang sagot ko.
"Asan na sila ngayon?" Tanong niya ulit.
"Nasan paba edi nasa pamilya nila, si papa nasa america si mama nadito lang sa pinas" sagot ko.
"Ok kana ba ngayon?" Tanong niya.
"Oo ok na ok nako ngayon, buti at dumating ang dalawang bruhang kaibigan ko" sagot ko at tumanggo nalang siya. "Hmm, ikaw ba? Tungkol ba sa famiy yang prob mo?" Tanong ko.
"Oum, ang higpit higpit nila sakin sa edad kong to kinokontrol parin nila ako, para bang wala nakong kalayaan hindi kona nagagawa ag mga bagay na gusto ko, gusto nila sundin ko mga gusto nila." Sagot niya.
"Ano bang gusto nila?" Tanong ko at tumingin siya sakin.
"Ipakasal ako sa taong hindi ko naman mahal at gusto" sagot niya.
"Ayon ba yung emergency kanina?" Tanong ko.
Tumanggo lang siya at tumingin sa kalangitan.
"Gusto ko ng makalaya sa kanila gusto kong gawin ang mga bagay na gusto ko" sabi niya.
"Tulad ng?" Tanong ko.
"Tulad ng pag tutugtog ayaw na nilang sumama ako sa tatlo" sabi niya, sguro sila benj yung sinasabi niya.
"Bakit..." mag tatanong sana ako ng makita kong lumabas ang mga kaibigan namin. "Anjan na sila next time na ulit tayo mag kwentuhan hehe" nakangiting sambit ko.
"Sge next time nalang" sagot niya.
Tumayo na kami at nag lakad papunta sa mga kaibigan namin.
"Hoy ano kaya pa mga te?" Tanong ko sa dalawang bruha ng makarating kami sa kanila, lasing na talaga sila.
"Nashushukza ako" lasing na sabi ni lia, at tumakbo sa gilid samay puno at sumuka.
"Tsk tsk, ikaw te ano kaya pa?" Tanong ko kay lyn, hindi siya makasagot at napapapikit pikit na siya hawak naman siya ni benj.
"Tara na umuwi na tayo" sabi ni jeo na nakatayo sa gilid ko.
"Kunin ko kang bag ko" sagot ko at pumunta na sila lia, seb, benj, at lyn sa kotse ni fynn.
"Ah eto oh sinama kona sa pag labas" sabi ni fynn at inabot sakin ang gamit ko.
"Salamat" sagot ko.
"Tara na" singit ni jeo sa gilid ko. Nag lakad na kami sa kotse ni fynn.
"Sakin ka nalang sumabay nash" sabi ni jeo sa likod ko."
"Sge salamat, pero pwede bang hatid muna natin di lyn sa apartment niya?" Tanong ko.
"Sge tara na." Sabi niya.
Pinababa ko si lyn at inalalayan ko. "Ingat sa pag dadrive fynn, seb ikaw na bahala sa bruhang iyan ha, pag may nangyari sa kaniya lagot ka saken." Sabi ko, napatawa siya at nag ok kang siya.
Nag paalam na kami at nauna na silang umalis sinabihan pako ni fynn na mag ingat kami at tumanggo nakang ako. Nakasakay na kami sa kotse ni jeo, nasa harap siya at nasa likod kami ni lyn inaalalayan ko kasi siya kaya di ako naka pwesto sa harap, ok lang naman sa kaniya, sinabo kona din sa kaniya kung saan namin hahatid si lyn alam nanan na niya agad at kabisado ko din ang daan kaya alam ko kung naliligaw na kami o hindi, nawala nadin ang hilo ko dahil sa pag alalay ko kay lyn ang bit kasi niya.
Hindu naman kami masyadong nag uusap sa kotse tahimik lang kami, napansin ko na hindi masyadong mabilis mag drive si jeo, sguro dahil may kasama siyang iba? Kaya mabagal. Maya maya pa nakarating na kami sa apartment ni lyn, bumaba siya at pumunta sa kabilang pintuan ng kotse.
"Akin na siya ako na mag buhat ikaw nalang mag bukas ng pinto" sagi niya at tumanggo lang ako.
Nag lakakad kami papuntang elevator ako ang nag pipindot, hinanda kona ang susi at pagka bukas ng pinto ng elevator at nauna akong lumabas at pumunta sa pintuan ng tinutuluyan ni lyn binuksan koto at hinawakan para makapasok sila, diretso kami sa kwarto niya at nilapag siya ni jeo sa hingaan niya, binuksan ko ang aircon ni lyn hindi ko nilakasan sakto lang, iniwan ko gamit niya sa tabi niya at lumabas na ng kwarto tulog na tulog si lyn, lumabas na kami ni jeo sa pinaka pintuan ng tinutuluyan niya, ni lock ko muna sa loob bago isara.
Nandito na kami sa kotse nasa harap nako nakaupo hahatid niya daw ako.
"Matagal kana bang marunong mag maneho?" Tanong ko. Para naman may mapag usapan kami.
"16 ako nung tinuruan ako ni dad" sagot niya.
"Ah ok, sana matuto din ako." Sabi ko.
"Turuan kita gusto mo? Madali lang naman mag drive" sabi niya at tumingin siya sakin.
"Jeo may kotse!!!" Sigaw ko. Tumingin siya agad sa daan at iiwas sana siya pero huli na, niyakap niyako at.....