~~~
Nandito nako sa meeting place namin ng mga bruha,
5:20 na malapit na daw si lyn, si lia naman hindi pa nag rereply sa gc, seneseen niya lang yung mga reply namin ni lyn.
Nakaupo ako lang ako sa gilid nag cecellphone habang inaantay si lyn, habang nag aantay ako ay may tao sa likod ko na biglang tinakpan ang mata ko.
Nabitawan ko phone ko at tinatanggal ko ang kamay ng taong ng harang sa mata ko.
“ano ba!” mejo pagalit kong sabi.
TInanggal niya ang kamay niya at…
“Sungit mo naman bestie” sabi niya at umupo sa katapat kong upuan.
“Gaga ka kala ko kung sino na” sambit ko, si lyn lang pala hindi ko nakita na nakarating na pala siya, nakatalikod kasi ako sa pintuan ng 7/11.
“sino ba kasing kausap mo at tutok ka jan?” )⁰ niya.
“sino paba edi kayo, nag tatanong ako sainyo kung nasan na kayo” sabi ko at nilagay ko muna phone ko sa bag.
“Ay ganun, ba asan naba si chaka?” sabi niya --- tinutukoy niyang chaka si lia.
“ewan ko nag seseen lang hindi nag rereply eh” sabi ko.
Nilabas niya phone niya sa bulsa niya, /hoy chaka san kana ikaw nalang wala/ chat niya sa gc.
“sino pala yung mga kakanta mamaya? Sikat ba sila?” sunod sunod kong tanong Habang tutok siya sa cp niya.
“hindi ko alam eh, tsaka hindi sila sikat mga nag cocover lang ng songs” sabi niya. “tsaka may sasayaw pa ata dun” dagdag niya.
“ah ganon ba, asan na si lia? Tagal naman niya” sabi ko at niyaya ko siyang bumili muna ng makakain kahit konti lang nagugutom kasi ako, “ano gusto mo bruha libre ko” sabi ko sa kaniya.
“tubig nalang te hindi naman ako nagugutom” sumagot nalang ako ng cge at kumuha ako ng tubig niya, hindi na siya tumayo ako nalang ang kumuha, donut ang kinuha ko sakin isa lang yung peanut.
Nag bayad ako at bumalik sa pwesto namin.
“Malapit nadaw si chaka” sabi ni lyn, kumakain ako ng donut, tumango lang ako kasi may laman pa bibig ko.
Tapos nako kumain nakiinom nalang ako sa kaniya, nag usap lang kami saglit, napalingon siya sa likod ko ng mag bukas ang pinto ng 7/11.
“tagal mo naman sis” sabi niya at tumingin ako sa likod.
“sorry wala kasi masakyan” sabi ni lia, nakarating na siya.
“walang masakyan or pinuntahan pa si bebe?” pabiro kong tanong habang sinusuot ang bag at tumayo.
“Masakyan nga! Tara na nga may papakilala ako sainyo” sabi niya at pumagitna siya saming dalawa ni lyn at umangkla siya sa braso naming dalawa at nag lakad palabas.
Katapat lang ng 7/11 ang mall na pupuntahan namin, lalakad kalang ng konti at tatawid at doon na.
Nag kukwentuhan kami habang nag lalakad at nag kukulitan hanggang sa makarating na kami sa event kung saan may kakanta at sasayaw daw, 7pm na mamaya nalang daw kami kakain pagtapos ng mga mag peperform, may ipapakilala din daw si lia samin kanina kopa tinatanong kung kaibigan or boyfriend niya yon, secret lang siya ng secret mamaya naman daw malalaman namin.
Meron ng mga tao kakaunti palang, may stage at merong mga harang sa gilid paikot, pwedeng pumasok ang ibang mga manonood pero kung nahuli ka sa labas ka ng harang, buti konti lang ang tao nung dumating kami naka pwesto pa kami sa loob, dito kami sa harap samay gilid nakatayo wala kasing upuan, merong mga tao na nakadungaw kada floor mga manonood din ata, 7:40 daw ang start.
Andami ng tao marami nang nanonood sa taas hanggang 2nd floor, una daw mag peperform ang mga sasayaw hindi ko alam kung anong sasayawin, nasa likod nadaw sila ng stage hindi rin daw sila sikat sumali lang daw may premyo kasi at merong tatlong judges sa harap.
tinawag na ang unang grupo, 8 sila dalawang gay at anim na girls, magaganda at mapapayat sila, sguro kaedad lang din namin sila.
Nag pakilala na sila at pumunta na sa kani-kanilang pwesto, nag umpisa na ang kanta, at ang sasayawin nila ay ang “salamin by bini” hindi ako fan ng bini pero ok naman sila maganda ang boses magaling sumayaw.
…Oh hello there misteryoso
‘Di parin mabasa ang ‘yong tunay na motibo oh
Iba’ng pinapakita taliwas sa’yong salita
Pero ayokong mag duda baka lang sa simula…
Nag umpisa na silang sumayaw.
…Maghihintay na lang na ika’y dumaan
Sana ay maibsan ang aking pangungulila
Trapped in this fairytale
But I don’t wanna wake up in this dream baby…
…Ayokong umasa sa paniniwalang
May pag-asa nga ba
Na baka ang puso ko’y mapagbigyan…
…Mahiwagang salamin kailan ba niya aaminin
Kaniyang tunay na pagtingin
Mahiwagang salamin ano ba’ng dapat gawin
Bakit ang puso’y nabibitin…
…Salamin salamin sa dingding nasa’n ang pag-ibig
Salamin salamin sa dingding pwede mo bang sabihin
Salamin salamin sa dingding nasa’n ang pag-ibig
Salamin salamin kailan niya ba ‘ko papansinin…
Ang gagaling nila sumayaw malalambot ang mga katawan nila magaganda at makukulay pa ang mga suot, sabay sabay din silang sumayaw walang nalalate walang nuuna at wala ding hindi nakakasabay, magaling talaga silang lahat, pinaghandaan talaga nila ang gabing ito.
Patuloy lang sila sa pag sayaw hanggang matapos sila, apat lang daw ang mag peperform, merong nasayaw meron din na kumakanta.
Habang nag peperform ang pangatlong grupo ay nararamdaman kong naiihi ako.
“Te naiihi ako mag cr muna ako” sabi ko sa kanila pero ayaw nila ako paalisin.
“Mamaya na te pag tapos neto malapit na to oh” sabi ni lia.
“tiisin mo muna, wala ka din dadaanan oh dami tao”singit ni lyn, at oo nga wala ako dadaanan, titiisin ko nalang matatapos naman na sguro ito.
“sge” yan nalang nasabi ko at nanood na ulit, mingay sumasabay sila sa kanta may mga nasigaw din at tumitili, pati tong dalawang bruha kong kasama tumitili din sakit sa tenga katabi ko pa naman sila.
Natapos na ang pangatlong grupo sumayaw sila puro lalaki may gwapo may pangit may matangkad at may maliit.
Umakyat na ang huling grupo na mag peperform, ng makaakyat sila sa stage ay nagulat ako, kasi yung dalawang lalaki namukaan ko, tama sila yung dalawa kanina sa café at ang nakabunggo sakin, sino nga ulit sila?, ah basta sila yon kanina bilis ko kasi makalimot ng langalan dapat pala sinulat ko sa notes ko.
4 Sila, lahat sila magagwapo at matatangkad, may mga dala sila yung isa na gwapo maputi mejo payat pero may mascles ay bass ang dala, yung isa naman ganun din pero hindi masyado maputi sakto lang ay stick pata sa drums, yung isa si min ata yon yung kanina guitara parin ang dala niya, at si theo or jeo naman siya ata ang vocalist nila.
Sa kanilang apat sakaniya talaga ako nagwapuhan, crush kona ata siya, oo nga pala kanina nag mamadali sila eto ba ang dahilan kaya sila nag mamadali kanina?---baka nga eto kasi mag hahanda pa sila mag papalit ng damit.
Nag pakilala na sila at grabe ang tilian ng mga tao pati tong mga kaibigan ko lalo na si lia na akala mo single, sinong hindi mapapatili eh ang gagwapo nilang apat lalo na yung crushie ko, mejo humina na ang mga tili nila at biglang…
“go baby seb I love you!!!” sigaw ni lia, nagulat kami ni lyn parehas kaming napatingin sa kaniya hindi lang kami pati yung ibang nakarinig.
“hoy bakla ka may jowa kana landi nito” sabi ko sa kaniya.
“Kaya nga” sabi naman ni lyn.
“bakit? Jowa ko naman talaga yan” sabi niya at tumingin kami ni lyn sa sinasabi niyang jowa niya at hindi na nakatingin samin ang ibang tao.
Nakatingin ang apat dito samin at nag flying kiss yung may hawak na stick, malamang siya yung seb at jowa netong bruhang to.
“Ahhhh!!!” tili naman ni lyn “totoo nga HAHAHAHA” sabi ni lyn.
“naks naka huli ka ate ng gwapo ah” sabi ko.
“syempre ako pa” pag mamayabang niya samin.
Tumingin na ulit kami sa kanila hindi na sila naka tingin samin, nag aayos na sila at mag uumpisa na sila.
Sinabi na ni crushie ang kakantahin nila, “perfect by ed sheeran” ang kakantahin nila.
…I found a love for me
Nag umpisa na siyang kumanta at tama nga ako siya ang vocalist, at shet sabi kona ang ganda ng boses niya sarap pakinggan, napatingin siya sakin or samin ng mag umpisa siyang kumanta at mejo kinilig ako pero hindi ko pinahalata.
“Ahhhh!!! Ahhhhh!!!” sabay na tili ng dalwang bruha hindi lang sila pati ang Iba pang katabi namin, napatakip ako ng tenga ansakit kasi talaga sa tenga ng mga tili nila.
Oh, darlin’, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waitin’ for me… napatingin nanaman siya sa pwesto naman at tili nanaman ng dalawa.
…Cause we were just kids when we fell in love
Not knowin’ what it was
I will not give you up this time
But, darlin’, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes, you’re holdin’ mine
Baby, I’m dancin’ in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass while listenin’ to our favourite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, “Darin’, you look perfect tonight…
Napatingin siya samin saglit at umiwas agad, mejo tahimik na ang mga tao nakikinig nalang sila sa pagkanta ng crushie ko, ewan na love at first sight ata ako sa kaniya, pero crush lang naman eh, diko naman jojowain eh crush crush lang muna.
…Well, I found a woman, stronger than anyone I know
She share my dreams, I hope that someday I’ll share her home
I found a lover, to carry more than just my secret
To carry love, to carry children of our own…
…We are still kids, but we’re so in love
Fighting against all odds
I know we’ll be alright this time
Darling, just hold my hand
Be my girl, I’ll be your man
I see my future in your eyes…
…Baby, I’m dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don’t deserve this
Darling, you look perfect tonight…
…Baby, I’m dancing in the dark
With you between my arms
Barefoot on the grass
Listening to our favorite song
When I saw you in that dress, looking so beautiful
I don’t deserve this
Darling, you look perfect tonight…
…I don’t deserve this
Darling, you look perfect tonight…
Natapos na siyang kumanta at siya namang sabay sabay na nag tilian, nag palakpakan ang mga manonood, ang gagaling nilang apat walang nagkamali ang perfect perfect ng performance nila.
Pumwesto silang apat sa harap at sabay sabay na nag bow, tinawag na ang tatlong grupo na nag perform kanina, dalawang grupo ang sumayaw at dalawang grupo din ang kumanta, magagaling silang lahat mapasayaw or kanta.
Ng matawag na ang tatlong grupo ay umakyat na din ang mga judges na compute na ang mga scores nila,
Yung babae ata ang mag sasabi kung sino sa kanila ang mananalo.
Nag sisigawan ang mga tao, sinasabi nila ang mga grupo na gusto nilang manalo, si lia sigaw ng sigaw ng grupo ng jowa niya, si lyn sa grupo ng 1, ako? Ewan magagaling silang lahat.
Gusto kona talagang umalis kanina pako nag titiis ng ihi ko konti nalang at hindi kona talaga matitiis to.
Nag Salita pa ang judges sa harap hindi kona iniintindi kasi ihing ihi na talaga ako, at sawakas sasabihin na nila kung sino ang mananalo.
“and the winner is…” sabi ng babae.
Nag sisigaw ang lahat ng tao, sinisigaw nila ang mga no. Ng mga grupo, merong 1 merong 2 meron ding 3 pero masmarami akong naririnig na 4 isa na etong katabi kong bruha.
“is… 4!!!” sabi ng babae, at ang grupo ng jowa ni lia ang nanalo, sobrang lakas ng tilian ng mga tao isa na si lia.
“hindi kona kaya te tabi jan” sabi ko at umalis at pumuntang banyo.
Nag excuse ako sa mga taong nakaharang, ng makalabas ako sa tumpukang tao ay kumaripas ako ng takbo papuntang cr, nakarating nako sa banyo at umihi.
Pagtapos kong umihi ay bumalik nako kila lyn at lia, habang nag lalakad ako pabalik ay may humawak sa kamay ko mula sa likod ko.
“kuya!” sabi ng babae na familyar ang boses.
Lumingon ako agad at nakilala siya.
“oh anong ginagawa mo dito sia?” sabi ko sa kapatid ko at niyakap ako, si sia ang step sister ko 18 na siya masmatanda ako.
“dito kami kumain nila mama at papa” sagot niya.
“ah ganon ba” sabi ko
“oum, actually nadaan mo kami kung saan kami kumakain, napansin kita kaya hinabol kita” sabi niya.
“baliw ka talaga, sge na bumalik kana don kumakain pa pala kayo” naka ngiti kong sabi.
“tapos na kami kumain kuya” sabi niya.
“hi nak” biglang sulpot ni mama sa likod ni lia kasama ang asawa niya, napatingin ako sa kaniya at ngumiti lang ng pilit at binaling ko agad ang tingin ko kay sia.
“sge na sia balik nako may nag aantay kasi sakin” pag papaalam ko.
“ah ganon ba kuya sge ingat ka” malungkot na ssbi ni sia.
“galit kapa rin ba sakin nak?” tanong ni mama, yung asawa niya nasa gilid lang niya.
“alis napo ako” sabi ko at niyakap si sia, hindi kona sinagot pa si mama, kumalas ako sa pagkakayakap kay sia, tumingin lang ako kay mama ngumiti at tumalikod na.
Lumakad nako pabalik kila lyn at mejo naluluha ako dahil naalala ko ang tunay kong kapatid noong nabubuhay pa siya, nag kahiwalay kasi ang magulang namin, hindi kami mag kasundo ng mama ko si papa naman hindi ko alam kung asan na siya ngayon at wala nakong pakialam sa kaniya or kung nasna man siya ngayon, galit ako sa kanilang dalawa, pero si sia hindi ko siya dinamay sa galit ko, wala naman siyang ginawang masama sakin, alam niya rin ang nangyari samin ng magulang ko na galit ako sa kanila.
Nakabalik nako at pinunasan ko nadin ang mga luha ko, hinahanap ko na ang dalawang bruha nawala kasi sila sa pwesto, konti nalang din ang mga taong nandito.
/Huy asan kayo?/ reply ko sa gc namin per walang nag seseen.
Sinubukan ko silang hanapin pumunta ako sa likod ng stage baka nandon sila, lumakad ako at pumunta sa likod---wala sila rito may ilang tao pero wala sila pati yung grupo ng jowa ni lia wala, bumalik ako sa pwesto at nag chat ulit ako.
/hoy asan na kayo mga bruha iniwan niyo ko/ reply ko. Nag seen naman na ni lyn at nag reply agad.
/Punta ka sa pwesto natin kanina sunduin kita jan/ reply ni lyn.
/Sge yung bag ko te nadala niyo?/ reply ko. Naiwan ko kasi nung umalis ako para mag cr.
/Oo dala ko, wait moko jan/ reply niya.
/Sge/ reply ko at pumwesto ako sa stage at umupo napagod kasi ako gusto ko muna umupo.
Nakita kona si lyn papunta rito, hindi kona inantay na makalapit siya dito tumayo ako at nag lakad papunta sa kaniya.
“san kayo pumunta te?” sabi ko ng makalapit ako sa kaniya.
“nag cr din ako te, si lia diko alam kung san pumunta sabi ko hintayin tayo dito” sabi niya.
“oh bag mo dinala ko baka kasi makita kita kanina” dagdag niya at inabot sakin ang bag.
“asan na si chaka di nag seseen sa gc eh” sabi ko. Baka nakikipag landian nayon sa bebe niya di man kang kami chinat.
“ewan ko don antayin nalang natin dito” sabi niya at nag anatay kami baka bumalik si lia.
Naupo muna kami at nag antay, at sakto biglang dating ni lia at kasama niya bebe niya.
“hoy mga te hinanap namin kayo kala ko umalis na kayo” sabi ni lia ng makarating siya sa pwesto namin.
“hala sabi ko hintayin mo kami eh” sabi ni lyn.
“dapat chinat mo kami sa gc te kaloka ka” sambit ko.
“namatay cp ko eh hehehe, btw mga te si seb nga pala jowa ko” pag papakilala niya sa jowa niya samin.
“Hello, hi,” sabay na pagbati namin ni lyn.
“ah seb mga kaibigan ko nga pala si lyn at nash” pagpapakilala niya samin kay seb.
“hello nice to meet you sa inyong dalawa, finally nakilala kona kayo” sabi niya ng nakangiti. Ang gwapo niya din at ang ganda ng boses niya.
“nice to meet you too I’m nash 21 years old and I love color rainbow” pag papakilala ko ulit.
“bakit rainbow?” tanong niya.
“kasi gay siya babi” singit ni lia.
“ako naman si lyn 21 years old din at ako ang pinaka maganda saming tatlo” pag mamayabang ni lyn at natawa si seb ng konti.
“Wow ha ako kaya pinaka maganda satin dito” paningit ni lia.
“anong ikaw, ako” sabi ni lyn. Natatawa nalang si seb sa kanilang dalawa, At bago pa sumagot ulit si lia ay inunahan kona ito at baka mag away pa ang dalawang bata.
“hep tama na nayan kumain nakang tayo ano, nagugutom nako eh” paningit ko sa usapan nila.
“oo nga gutom lang yan girls” sabi naman ni seb.
“ok fine ikaw na, punta na tayo kila benj” sabi ni lia. At sino si benj?.
“ok lang ba na sumama kayo sa inuman namin mamaya?” tanong ni seb samin ni lyn.
“Ok lang naman ako wala naman ako gagawin tom” sagot ni lyn.
“ikaw te?” tanong sakin ni lia.
“sasama ako pero konti kang Inumin ko may pasok ako bukas ehh” sagot ko.
“ok sge tara na, pero kain muna tayo” pagyayaya niya at umalis na kami.
Nag lalakad na kami, nasa harap namin ni lyn sila seb at lia sinusundan lang namin sila, papunta kami sa mang inasal andun daw ang mga kaibigan ni seb dun din kami kakain.
Nasa second floor na kami ng mall at natatanaw kona ang kakainan namin, ng makarating kami don ay pumasok na sila at nag dire-diresto sa may likod, at nakikita nanamin ang mga kaibigan ni seb, at shet sila theo at minn ata yon at may kasama silang isa, yun na ata yung benj na sinabi kanina ni lia.
Nakalapit na kami sa kanila at nakita naman din nila kami agad at tumayo sila, shet ang popogi nila sa malapitan.
“mga pre kaibigan ni lia sina nash at lyn” pagpapakilala ni seb samin sa kaibigan niya.
“hello goodevening” pag bati ko.
“hi goodeve” sabi ni lyn.
“hi I’m benj” sabi na kona eh siya yung benj na nag babass kanina eh.
“I’m fynn nice to meet you guys” sabi nung nag gigitara at kasama ni theo kanina, fynn pala ang nickname niya mali ako.
“I’m jeo and sorry nga pala ulit kanina nag mamadali kasi kami kanina last practice kasi namin” Sabi niya sakin, at jeo pala hindi theo, naalala niya pala ako kanina kala ko kalimutan na niya eh tulad nung sa café nalimutan niya ako.
“ah ok lang tignan mo naman nakakatayo pa” sabi ko ng nakangiti.
“nag kita na kayo?” tanong ni lia samin.
“ah oo dalawa kami ni jeo kanina” si fynn ang nag sabi.
“saan?” sa café sa pinag tatrabauhan niya at nabunggo namin siya sa nung pa punta na kami dito” sabi ni jeo at natatandaan niya pala ako nung nass café ako, kala ko limot na niya.
“ah nice, nag kita na pala kayo tara na umupo na tayo at kumain para mamaya party party na tayo” paningit ni seb.
Umupo na kami at kinuha lang namin ang table sa kabilang side at pinag dikit ito, apat apat lang ang upuan kada table kaya pinag dikit nalang namin at syempre nag paalam kami bago namin pinag dikit ang table, bale 8 na upauan na ang nasamin ngayon, nasa dulo ako at katapat ko si lia katabi niya si seb at si jeo, katabi ko naman si lyn at katabi ni lyn ay si benj at fynn.
Nag kukwentuhan kami habang kumakain, at aba mga rich kids pala ang apat, sumali lang daw sila kanina dahil gusto nila makilala sila at sumikat, may sss page, t****k, youtube, at kaniya kaniyang instgram sila, nag katanungan din kami sa edad hindi kopa kasi alam ang edad ng tatlong kaibigan ni seb, si jeo daw 22 si fynn naman 23 si benj 21 kaedaran namin si seb 22 same sila ni jeo, at syempre sinabi rin namin samin.
Napapansin ko na panay tingin ni jeo sakin hindi sa nag fefeeling ako ha tuwing napapatingin ako sa kaniya nakatitig siya sakin tapos lilihis agad ng tingin hmm.
“Tara na inom na tayo” pag aaya ni lia.
“te pag ikaw nalasing pano ka uuwi?” tanong ni lyn.
“papahatid ako kay babi” sabi ni lia sabay hawak sa braso ni seb.
“yak di bagay sayo te” sabi ni lyn.
“tara na nga mag aaway pa eh” pamutol ko sa usapam nila tumayo na kami at nag sinuot ang mga bag at umalis.
Pupunta kami ng bar ngayon, may mga kotse sina jeo at fynn.
“sakin nalang kayo sumakay nash at lyn” sabi ni fynn mag sasalita na sana ako ng mag salita si jeo.
“dito na sila sayo nalang sila seb” sabi niya at mag sasalita nanaman ulit sana ako ng mag salita ulit si fynn.
“wag na sakin na sila” sabi niya. Mag sasalita sans ulit si jeo ng mag salita si benj.
“fynn ako mag dadrive dun kana sumakay kay jeo sakin sila sasabay” seryosong sabi niya.
Walang nagawa ang dalawa kundi sumunod takot sila kay benj ewan kung bakit eh masmatanda nga sila kaysa sa kaniya…