part 2

1961 Words
[Ring ~ ringg ~ ringgg ~ ringggg] Nagising ako na pawis na pawis at kabadong kabado dahil sa ng yari, akala ko totoo na binabangungot lang pala ako, Pero kahit na panaginip lang iyon nandun parin yung takot, para kasing totoo. Pinatay kona ang alarm ko at nag punas ng pawis, pinawisan talaga ako kahit na mejo malakas ang aircon, ewan ko kung bakit, ganito talaga ako pag binabangungot. Pagtapos kong mag punas ay agad nakong tumayo at nag asikaso, nag handa ng uniform para sa trabaho at nag baon din ako ng damit pamalit bago ako umuwi, ng mahanda kona ang uniform ko at extra na damit ay lumabas nako ng kwarto at nag timpla ng kopiko blanca at kumuha ng biscuit, eto lang kinakain ko at iniinom tuwing umaga , mabilisang kain lang din ang ginagawa ko. Natapos nakong kumain niligpit kona ang basura yung mug na ginamit ko nilagay ko lang sa lababo mamaya kona lang huhugasan pag uwi ko. Kumuha nako ng towel at pumunta na ng cr para maligo mabilis talaga ako kumilos, mabilisang kain, mabilisang ligo, ayaw ko kasing malate kahit noong nag aaral pako hindi ako nalalate. Anyways tapos nako mag asikaso naka bihis nako nilabas kona ang bag na ginagamit ko maliit lang at ang laman ng bag ko ay yung pamalit kong damit at charger ng cellphone pitaka na may lamang 2 libo at barya at, hindi kasi ako nag dadala ng madaming pera meron din akong dalang panyo at airpods yan lang lahat laman ng bag ko. Pinatay kona lahat ng nakasaksak sa kwarto at lumabas nako dala ang bag ko, pinatay kona rin ang ilaw sa kusina at sala, kinuha kona ang susi ng apartment ko at lumbas at nilock ang pinto. Nag lalakad nako papunta sa sakayan ng trycicle, trycicle ang sinasakyan ko papuntang kanto at doon ako sasakay ng jeep papunta sa café, dalawang sakay lang trycicle at jeep, pagkababa ko ng jeep ay lalakad tapos tatawid at nandun na yung café. Nakasakay nako sa trycicle nag bayad narin ako para baba nalang ako at papara ng jeep, tinignan ko muna ang cellphone ko 4:50 na, nakita kong nag chat ang dalawang bruha. /happy 5 years of friendship sating tatlo labyou two mwahh/ Reply ni lyn. Wait anong date naba?, august / 26 / 2024, oo nga pala Friendsarry namin ngayon, august 26 kasi kaming tatlo naging magkakaibigan hindi ko nga akalain na aabot kami sa 5 years kasi yung dating kaibigan ko 1 year lang, pumapasok pako sa school non pag tapos ng school year ayun nag kaniya kaniya na, pero etong dalawang bruha nato hindi ako iniwan, masaya ako na umabit kami ng 5 years parang kapatid na nga ang turing ko sa kanila. /happy 5 years satin friends, tagal na nating nag paplastikan/ reply naman ni lia. /happy 5 years satin, san tayo mamaya?eply ko. /HAHAHA ikaw lang naman plastik sating tatlo eh, anyways gala tayo sa mall balita ko may kakanta daw don/ reply ni lyn. /hindi ako plastik noh, at oo gwapo daw yung tatlong mag peperform/ reply ni lia. /Basta gwapo talaga eh alam na alam mo/ reply ko. Bumaba nako ng trycicle at nag lakad, pumara na ako ng jeep sumakay ako at nag bayad. /kaya nga. tandaan mo may jowa kana HAHAHA/ reply ni lyn. /sinabi ko lang naman eh naka post kasi sa f*******: pero diko sila type/ reply ni lia /Sus. ok sge, basta mamaya ha saan tayo mag kikita?/ reply ko. /dun nalang ulit mga 5 ako makakarating/ reply ni lyn. sa may 7/11 ang tinutukoy ni lyn, doon ang meeting place namin palagi tuwing mag kikita kita kami, mejo malapit lang sakin isang sakay at wala pang isang oras ang byahe, nasa 30 mins ata or 40 mga ganon. /baka mahuli ako may dadaan pa kasi ako/ reply ni lia. /sge basta mamaya chat chat nalang/ reply ni lyn. /sge labyou two maya nalang byee/ reply ni lia. /byee mga bruha labyou two too/ reply ko. Nandito nako sa café at sakto kararating lang din ni mark at christine, ka trabaho ko sila, si kuya mark taga serve si christine naman siya ang taga gawa ng order, pag maraming order tinutulungan siya ni kuya mark minsan ako, mabait naman silang dalawa magkasing edad lang kami ni christine si kuya mark naman mas matanda samin ng dalawang taon. Binuksan na ni christine ang café nasa kaniya kasi ang susi, pumasok na kami at nilagay sa likod ang mga dala naming bag, mejo malaki ang café merong anim na table na may apat na upuan kada table--harapan, pagpasok mo ng café kita mo agad ang cashier kung saan ako ang na asign, sa kanan ko naman pag nakatayo ako don ay may pinto doon nakalagay ang mga stocks tulad ng cups, sugar, coffee’s, milk, chocolates, cream, at iba pa na ginagamit namin, malaki don sa likod may lagayan din kami don ng bag, doon din kami pwede mag palit ng damit pag aksidenteng na dumihan ang mga uniform namin, sa kaliwang bahagi ko naman pag nakatayo parin ako don ay nandoon ang banyo, dalawang cr lang girls and boys . Nag handa na kami tinulungan kona si kuya mark mag ayos ng upuan at mag punas ng table, si christine naman abala sa pag linis sa ginagamit niyang mga machine pang gawa ng mag coffee nag lalabas nadin siya ng mga cups at mga maliliit na plates. Dumating nadin ang mga nag dadala ng mga cake, cookies, at cupcakes, hindi kami ang nag babake ng mga iyan, pag naubusan tatawag ulit kami para madalhan kami, hindi din kasi kami marunong mag bake kahit na marunong kami ay kulang naman kami sa tao tatlo lang kami nandito kukulangin kami sa oras. OK na ang lahat nilagay kona ang open sign sa labas ng pinto, nandito narin si ate danika, siya ang bodyguard namin dito sa café nasa pintuan lang siya, siya nadin ang nag bubukas ng pinto pag may customer. May pumasok na dalawang lalaki first customer namin. “goodmorning sir” pag bati ko sa kanilang dalawa, parehas silang may itsura matangkad sila sakin ng konti, mukang kaedaran ko lang sila or sguro matanda sakin ng 1 or 2, 3 taon basta mga ganon. “Goodmorning” pag bati sakin ng nasa harap, at sh*t ang gwapo ng boses niya, sa kanilang dalawa etong nasa harap ko ang lamang ng kapogian sa kanilag dalawa, yung isa gwapo din naman. “can i get your orders sir?” tanong ko. ‘Uhmm 1 hot chocolate and 1 espresso” sambit niya. “1 hot chocolate and 1 espresso, anything else sir?” tanong ko. “That’s all” sabi niya, gwapo talaga ng boses nakakainlab. Nag bayad at sinuklian kona sila nag antay muna sila sa table. Alam kona ang pangalan nila actually nickname ata nila yon, kinuha ko kasi para isulat sa cup nila, yung hot chocolate kay jeo, si jeo yung lamang ng kapogian, kay finn naman yung espresso, may dalang guitara si finn si jeo wala, hmm magaling kaya sila kumanta? Gusto ko marinig kumanta si jeo sa pag salita niya palang kanina ang ganda na ng boses, si finn hindi ko alam kasi hindi ko siya narinig na nag salita kanina si jeo lang ang narinig ko. Sila palang ang customer, tinulungan kona si christine sa order nila ako na sa hot chocolate siya na sa espresso, nag uusap lang sila habang nag aantay mejo nahalata ko na panay ang tingin ni jeo sakin, or baka kay christine masyado lang akong assuming, pero kasi nahahalata ko sakin siya tumitingin, hinayaan ko nalang. Natapos na namin at binigay na ni kuya mark sa kanilang dalawa, umalis nadin silang dalawa pagkabigay ni kuya mark ng order nila, sayang hindi sila nag tagal gusto kopa makita si jeo, ang pogi kasi talaga niya makinis ang mukha, maayos manamit, mabango, sana makita ko ulit siya. Mabilis lumipas ang oras, maraming customer mejo nakakapagod pero kaya pa naman, time check 2:30 na mag sasara na kami, pinalit kana sa close sign yung nakasabit sa labas, pumasok ulit ako at tinulungan ko ulit si kuya mark sa pag lilinis sa mga table punas at taob, si christine naman dun pari siya, si ate danika natulog din sa pag taob taob ng upuan, pagaktapos namin ayus ang table at upuan mag bibis nako, mamaya nalang ako mag chachat sa dalawa may pupuntahan muna ako at dun ako mag papalipas oras. “tine mag bihis lang ako sa likod ha” paalam ko kay christine. “Sge” sabi niya, at pumunta nako sa likod at nag bihis, pagkatapos namin mag linis ng table ni kuya mark ay kinuha lang niya ang bag niya at umuwi na may gagawin padaw kasi siya. Nakapag bihis nako at sinuot kona ang bag ko, lumabas nako si christine naman ang sunod na nag bihis, ng matapos siya ay lumabas na kami at nilock na niya ang pinto ng café, umalis nadin pala si ate danika. “Sge na dito nako nash kita kits tayo bukas” pagpapaalam ni christine sakin. “sge tine see you bukas byee” nag kawayan nalang kami at tumalikod at lakas paalis, sa iba kasi ang daan niya kaya hindi kami nag kakasabay na mag lakad. Pupunta nga pala ako sa fav kong place ang BOOKBAR, dito ako madalas tumatambay pagtapos ng trabaho ko, mahilig kasi akong mag basa habang nakikinig ng music, gustong gusto ko dito ang tahimik malamig at nakakawala ng problema. Sumakay nako ng trycicle papuntang bookbar, ng makarating ako ay bumaba nako at nag bayad kay manong, pumasok nako sa loob at umupo ako sa lagi kong inuupuan--sa may kaliwa sa sulok, nilagay ko lang ang gamit ko doon at kumuha ako ng libro, Bumalik nako sa upuan kinuna ko phone ko at airpods ko nag patugtog ako at nag basa. Inabot ako ng isat kalahating oras sa pag babasa, 4:40 na binalik kona ang libro sa pinagkuhaan ko bukas ko nakang itutuloy mejo mahaba pa kasi, bumalik ako sa upuan kina ko cellphone ko nag chat ako sa dalawang bruha. /Papunta alis na ako/ reply ko sa gc namin, na seen agad ni lyn si lia hindi pa. /Go wait mo kami/ reply ni lyn. /sge/ reply ko at inayos kona ang bag ko. Palabas nako ng BOOKBAR nag lalakad nako papuntang sakayan ng jeep, sa jeep ako sanay sumakay sa bus minsan lang. Habang nag lalakad ako papunta sa sakayan ay mula sa likod ko na bangga ako ng dalawang lalaki na tumatakbo. “Aray!!” sigaw ko ng mapatumba ako sa lupa. “sorry po” sabi ng lalaki bumalik siya at tinulungan ako makatayo. Familyar ang boses niya, pagkatingin ko sa kaniya ay mejo nagulat ako dahil siya yung gwapo kanina sa café pati yung kasama niya kanina, ano nga ulit pangalan nila theo at min? Nakalimutan kona basta sila yon. “Sorry talaga nag mamadali kasi kami” sabi nung theo or jeo ba yun basta yung walang dalang guitara. “Pasensiya napo” sabi ng kasama niya, ang ganda din ng boses ng kasama niya, magaling din kaya siya kumanta? Kumakanta kaya sila?. “Ah ok lang, di naman ako nasugatan” sabi ko ng makatayo ako. “pasensiya na talaga, need namin umalis” sabi niya mukang nag mamadali talaga sila, at kanina paba sila tumatakbo? Pawis na pawis silang dalawa, pero kahit pawis sila mababango parin sila. “ah sge alis na kayo ok lang ako” sambit ko, at teka hindi ba nila ako naalala? Sabagay saglit lang naman sila kanina sa café. “sge una na kami, tara na pre” sabi niya at tumakbo sila ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD