bc

Love life of Sandoval ( Complete)

book_age18+
1.5K
FOLLOW
4.8K
READ
comedy
like
intro-logo
Blurb

Si Sandoval ay isang bakla, ngunit nang naging kaibigan si Aby ang mag babalut na nag susuot ng damit pang lalaki at nag kilos panlalaki ay nag bago ang takbo ng buhay nila nang parehong malasing at parehong nakalimot dahil sa kalasingan ay hindi natandaan na may nangyari pala sa kanila.b

chap-preview
Free preview
Sandoval's lovelife Episode 1
NAKA UPO si Sandoval sa kanyang swivel chair. Nakatulala nakipagtitigan sa bubong. Malalim ang iniisip, hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina at iniluwa mula roon ang kanyang ama si Alejandro. “ Sandoval?” " Sandoval" ulit nito sabay tapik sa kanyang balikat. Napaigtad siya sa pagka bigla “Dad, you made me jumped,” sabi niya sa baritonong boses. “ Ang lalim ata ng iniisip mo? Kanina pa ako tawag sa'yo ng tawag hindi mo ako narinig. What’s bothering you?" umupo ito sa silya nasa harapan ng kanyang mesa. Umiling iling siya.” Nothing dad" " So, tuloy na ba ang plano mo bilhin ang resort na nakita mo sa online?” umupo siya ng tuwid. “ Yes, I will have to look at it later.” Tumikhim ang ama at sumeryuso ang mukha tumingin sa kanya.” Sandoval, you’re already 34 when are you going to give me a grandson?” Napalunok laway siya sa sinabi ng ama. “ How I wish you know what I wanted dad. Bakla ako bakla!" gusto niya sabihin rito, pero naunahan siya ng takot. Nag iisang anak na lalaki si Sandoval. Tatlo silang mag kapatid. Ang panganay na babae, hindi nagkaroon ng anak. Siya ang pangalawa at nag iisang lalaki ngunit siya ay isang bakla. Ang kanilang bunso ay nag asawa na nagkaroon ito ng supling ngunit tatlong marias. Sabik na sabik na ang kanyang ama magka roon ng apong lalaki para dumami ang kanilang apelyedo Agustin. Isa ang kanilang angkan kinikilalang succesful na negosyante. Gusto niyang sabihin sa kanyang ama ang kanyang tunay na pagka tao ngunit nagdalawang isip siya, baka itakwil siya nito. “ Sandoval hindi mo ako sinasagot,” untag ng ama ng matahimik siya. “ S-siguro dad, wagna muna natin ‘yang pag usapan. Wala pa po akong natipuhan dad” na iilang niyang tugon sa ama. Napa kunot-noo ang ama sa sinabi niya“ Lahat ba ng babae dinala mo sa atin wala kang natitipuhan sa mga ‘yon?” hindi maka paniwalang tanong nito “ Dad darating din tayo riyan.” Nakangiti niyang tugon rito. Ibinaling ang mga mata sa pipirmahang papeles nasa ibabaw ng kanyang mesa. Bigla bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at bumungad si Santi napalingon silang mag ama “ Sandy girl!” Bulalas ni Santi sa kanyang palayaw na pangalan. Nakatayo sa pintuan. Sandy ang tawag sa kanya nang mga kaibigan dahil sa pagiging bakla niya Sandy short for Sandoval. Napatingin siya sa kanyang ama na natigilan sa tawag sa kanya ni Santi. Natutup ni Santi ang bibig ng makita nakaupo ang ama ni Sandoval sa harapan ng desk nito. “ Sundy girls out ng mga babae.” Pag dahilan ni Santi ng makabawi sa pagkabigla. Napa kunot noo si Ginoong Alejandro tumingin kay Santi, hindi niya ito nakikita noon at hindi niya inakala na magkaroon ng kaibigan bakla ang anak na si Sandoval.” What are you doing here?” “ Dad, he came here kasi po tinawagan ko po siya. Ni recommend ko po siya sa isa sa mga matatalik ko na kaibigan ikakasal at siya po ang designer ng gown.” Pag salo niya sa natigilang si Santi. Si Santi ay isang sikat na designer ng mga gown. At nagpunta ito sa opisina niya para yayain siyang maglakwatsa. “ Y-y-yes po” pa utal-utal nitong tugon na halatang kinakabahan sa harap ng ama ni Sandoval. “ Bueno, aalis na ako para makapag usap kayo,” ani Alejandro tumayo at naglakad palabas ng opisina niya. “ Kalurke ka bakla, kinakabahan ako ro'n ah!" saad niya ng tuluyang makalabas ang kanyang ama sa opisina. “ Ikaw kasi mamang, bakit hindi mo pa sabihin riyan sa papang mo ang tunay mong pagka tao” ani Santi naka pamaywang. “ Haler! Para itapon ako sa kangkongan?” pina-ikot niya ang kanyang mga mata habang nagsasalita. “ Sister hanggang kailan ka mag tatago?” Napa buntong hininga siya sa tanong ni Santi sa kanya. Sinapo ng dalawang palad ang kanyang mukha.” Ang hirap naman ng kalagayan natin mga bakla. Mabuti pa ang iba tanggap ng kanilang pamilya.” nakasimangot niyang sabi at sinundan iyon ng malalim na hininga. “ Paano kasi, nag iisang lalaki ka." “ Kaya nga eh, alam mo ba dai, tinanong niya kailan ko raw siya bibigyan ng apo. Dios ko! Na stress bigla ang mattress ko” sabi niya sa maarte na boses. Natawa si Santi sa sinabi niyan.” Sabihin mo hindi pa ganap na buo ang mattress natin.” Napa iling-iling siya at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga papers para maka labas na sila ng opisina. Natigil siya saglit sa kanyang ginagawa ng magring ang telepono. Inabot niya iyon at sinagot ang tumawag sa kanya. Ganon nalang ang pagliwanag ng kanyang mukha ng ma bosesan ang nobyo si Jason. ” Napatawag ka baby boy?” sabi niya sa masiglang boses “ Babe napatawag ako birthday kasi ng ermats ko kailangan ko ng pera pambili ng regalo.” tugon ng kausap sa kabilang linya. Napawi ang liwanag ng kanyang mukha sa sinabi nito.” Ilang beses ba mag celebrate ng birthday ang mama mo? Kakabigay ko lang sayo ng pera ah.” angal niya sa hiningi nito. “ Babe, sabihin mo nalang kung ayaw mong magbigay hindi naman kita pipilitin.” mayhimig na pagtatampo ang boses nito. Nahimigan niya ang pagtatampo nito.“ Sige na, kita nalang tayo mamayang gabi.” “ Sabi kuna babe hindi mo ako matiis.” anito sa masiglang boses saka binaba nito ang telepono. “ Ang papang Jason mo iyon?” naka pamaywang na tanong ni Santi sa kanya ng ma ibalik niya ang telepono sa cradle. Tumango tango siya rito.” Birthday raw ng ermats niya” naka ismid niyang tugon at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. " Naku, mamang diba kabibigay mo lang? Naku! namihasa na 'yang lalaking iyan sayo. Kabibili mo lang sa kanya ng motor bike ah.” Angal ni Santi. Napa buntong hininga siya.” Yaan mo basta hindi niya lang ako lulukohin.” tugon niya. " Sana nga lang hindi talaga dahil hindi ko alam ang gagawin ko" sa kaloob looban niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

His Obsession

read
104.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook