Chapter Two

1773 Words
Pumasok ang binata sa opisina ng kanyang kaibigan. Ilang katok lang ang ginawa niya at mabilis niyang binuksan ang door knob. Nagulat siya sa nasaksihang eksena ng kaibigan niya at halatang secretary nito. Kaya pala walang tao sa labas dahil gumagawa pala sila ng milagro. "Nice show man!" malakas niyang saad sabay sarado ng pintuan. "f**k!" rinig pa ng binata ang mura ng kanyang kaibigan kaya naman ay natawa ito. He knows the feeling kung paano ang mabitin, napa-iling na lang ito at hinintay na matapos ang kaibigan sa ginagawa sa loob ng opisina nito. Ilang minuto pa ang hinintay nito bago bumukas at iniluwa ang secretary ng kaibigan nito. Pinasadahan niya ito ng tingin. Gusot-gusot na ang ilang parte ng kanyang damit at maging ang buhok nito ay nagulo na rin. Nang lumabas ito ay tinitigan niya ng mabuti ang babae. Well, she's beautiful and sexy. Bumagay rin dito ang malalaki niyang dibdib na siyang nagustuhan siguro ng kaibigan niya. Ngumiti ito sa kanya at nagpa-cute. He just smirked at her. "Hello sir, pasensya na po sa paghihintay niyo," malandi nitong saad at ngumiti ng ubod tamis. "It's nothing. Hope I didn't disturb you." Makahulugan niya itong tiningnan. Namula naman kaagad ang mukha ng babae. "Hindi naman po, you can go inside na sir," mahina na nitong saad. Tinamaan na siguro ito ng hiya. Mabilis lang din na tumayo ang binata at pumasok na sa opisina ng kaibigan. "So, did you enjoy?" tanong kaagad nito. Tumawa lang ng malakas si Speed at itinuro sa kaibigan ang upuan kaya naman ay mabilis itong umupo roon. "Of course! Kung hindi ka lang dumating ay makakadalawang rounds pa ako!" nakangisi nitong biro kay Knight. "Next time locked your door so anyone can't disturb you asshole!" saad niya rito. Hindi na ito nagsalita pa at may kinakalikot ito sa ilalim ng kanyang mess. Nang umangat ang kanyang mukha ay naging seryoso na ito. "So, what brought you here?" seryoso nitong tanong sa kanya. Napasandal naman ang binata sa kinauupuan nito. "Well, I need your help." Napakunot noo naman ang kaibigan nito. "What kind of help?" tanong ni Speed dito. Napabuntong-hininga naman ang binata. "I can't used my cards for the meantime, so can I borrow your card?" nakangisi nitong pakiusap. Nanlaki kaagad ang mata ng kaibigan niya. "What the hell!" sigaw kaagad nito. Alam kasi ng binata na hindi makakatanggi ang kaibigan niya sa kanya. "Ano bang nangyayari sa 'yo? I really can't believe you!" napo-frustrate nitong sabi. "Ngayon lang 'to! I want to chase someone, tinakasan ko lang si Dad kaya naman ay naka-freeze ngayon ang mga cards ko." Napakamot pa ito sa kanyang ulo. "Huh! Are you serious in that girl?" tanong ulit nito. "I will not chased her if I'm not!" mariin namang saad ni Knight. Napa-iling na lang ang kaibigan nito at mabilis na kinuha ang card nito at ini-hagis sa kanya. "Huwag abusado! For the meantime you can use my condo!" sabi pa nito na siyang ikina-ngiti ng binata. "That's my man! Thank you for this!" sabi nito sabay tayo. "See you!" paalam pa nitong sigaw at mabilis na isninara ang pintuan ng opisina ni Speed. Nakita niya pa ang secretary nitong nagpapa-cute na naman sa binata. Nginitian niya lang ito ay kinindatan at mukhang bibigay na. Napa-iling na lang si Knight at mabilis nang umalis. - Nasa bahay na si Empress at kasalukuyang gumagawa ng report niya sa kompanya ng biglang mag-ring ang cellphone nito. Mabilis niya 'yong kinuha at sinagot. "Hello, Sera?" sagot ng dalaga sa kaibigan niyang si Serafina. "Emp! Pwede mo ba akong samahan?" nakikiusap ang boses nito. Tiningnan ni Empress ang oras at mag-a-alas siete na ng gabi. "Saan naman?" tanong ng dalaga. "Sa may parke lang please?" pakiusap ulit nito. Sabagay wala naman silang pasok bukas dahil weekend na. "Sige, saan tayo magkikita?" sagot niya rito na siyang ikina-tili nito. Natawa na lang siya sa kapraningan ng kanyang kaibigan. "Susunduin na lang kita dyan sa inyo." Matapos 'yong sabihin ay mabilis na nitong ibinaba ang telepono. Sino nga ba si Serafina Monteverde? Siya ay kababata at kaibigan ni Empress. Ang pamilya nito ay nagmamay-ari ng ilang sakahan dito sa Yellowstone. May kaya ang pamilya nito ngunit hindi naman sila mga matapobreng tao. Mabilis na inayos ni Empress ang kanyang gamit at nag-ayos ng sarili. Kumuha siya ng kanyang damit. Isang fitted blouse at jeans lang ang suot niya na pinaresan niya ng maong na jacket. Malamig kasi sa park tuwing gabi. "Ma? Pa? Aalis po muna ako, kasama ko naman si Sera," paalam nito sa kanyang mga magulang na nasa sala at nanonood ng television. Nilingon naman ito ng Mama niya. "Sige anak at mag-iingat kayo ha!" bilin pa nito. Humalik lang ang dalaga sa pisngi ng mga magulang bago lumabas ng bahay nila. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang sasakyan ni Serafina. Hindi naman kasi kalayuan ang mansion ng mga ito. Ibinaba nito ang bintana at mabilis siyang nginitian. "Sakay na bilis!" halata sa boses nito ang pagiging excited kaya naman ay natawa na lang ang dalaga. "Bakit excited ka? May kikitain ka ba?" tanong ni Empress habang nasa daan sila. Ngumisi lang naman ang dalaga rito. Kitang-kita nito ang kinang sa mga mata nito kaya alam niyang in love ang kaibigan. "Atin-atin lang 'to ah! Alam mo namang ayaw pa ni Dad na magkaroon ako ng boyfriend!" nakanguso nitong saad. "M-may boyfriend ka na?" di makapaniwalang tanong ni Empress dito. Napakagat-labi naman si Sereafina kaya napatutop na lang ang dalaga sa kanyang bibig. "Sino?" excited ng tanong nito sa dalaga. "You will know him mamaya!" kinikilig nitong saad. "Ikaw ah! Naglilihim ka na sa akin!" kunwari ay inis nitong saad sa kaibigan. "Bago lang naman naging kami! Matagal ko na siyang crush at nung nag-confess siya sa akin ay hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot ko na kaagad!" muli pa ay tumili ito. "Basta ba ay mag-iingat ka, ayaw kong makita kang nasasaktan," nakangiting saad ng dalaga sa kaibigan nito. "Good girl kaya ako at lalo na ang honey ko!" masaya niya pang saad. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa parke. Bumaba na ako at maging si Serafina. Nakita ng dalaga na may kinawayan ang kaibigan kaya naman ay napatingin ang dalaga sa lalaking ngayon ay papalapit sa kanila. Nakilala niya kaagad ito dahil ito lang naman ang matalik na kaibigan ni Serafina. Nangunot kaagad ang noo ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. "Si Wolfy pala ang boyfriend mo?" mahinang bulong ni Empress dito. Nakangiti namang tumango si Serafina rito. "My one and only best friend and now my boyfriend!" kinikilig nitong saad. Nakalapit na sa kanila si Wolfy. "Hi Hon!" bati nito kay Serafina at kinintalan ng mabilis na halik ang dalaga. Namula naman ang dalaga na siyang ikina-ngiti ni Empress "Ang sweet naman!" kantiyaw ng dalaga sa kanila. "Empress! Ikaw pala!" bati kaagad ni Wolfy sa dalaga. Si Wolfy ay kababata at kaibigan din nila ni Serafina. Nagta-trabaho ang pamilya ni Wolfy sa sakahan ng mga Monteverde. Kaya naging close sila dahil dinadala si Wolfy ng kanyang ina sa mansion nila Serafina at dahil nag-iisang anak lang ito ay mabilis na silang nagkagaanan ng loob. "Wow! Hindi ako makapaniwalang napasagot mo si Sera!" kantiyaw nito sa kaharap. Napakamot naman ito sa ulo at parang nahihiya pa. "Pero Emp! Sekreto lang 'to ah! Ayaw pa naming may makaalam na iba. Alam mo namang ayaw pa nila Dad na magkaroon ako ng nobyo." Tumingin ito sa kaibigan na may lungkot sa kanyang mga mata. "You can count on me! So magiging third wheel ako nito ngayon sa date niyo?" pabirong saad ng dalaga. "Don't worry may kasama naman akong kaibigan eh! Nasabi sa akin ni Sera na sasama ka kaya naman ay nag-sama ako ng kakilala ko," mahaba nitong pahayag. Laglag naman ang panga ng dalagang nakatingin sa kaibigan nito. "Gosh! Alam mo namang ayaw ko sa-" hindi na natapos ng dalaga ang sasabihin nito ng dumating ang kaibigang sinasabi ni Wolfy. Mas lumaki ang mata niyang makilala si Kier. "H-hi Emp!" bati nito sa kanya. Dahil nga nakakahiya naman kung aalis pa ito ay pinakisamahan na lang ng dalaga si Kier ng maayos. "Hello!" ganting-bati ng dalaga. "So, magkanya-kanya muna tayo okay? Alas-dies naman ang sabi kong uwi ko kanila Dad eh! Kaya magkita na lang tayo mamaya rito bago mag alas-dies," mahabang paliwanag ni Serafina. "Ha? Ang tagal naman ng alas-dies!" protesta ni Empress. "Ngayon lang naman please?" pakiusap pa nito. Wala namang nagawa ang dalaga at tumango na lang dito. "Thank you!" at mabilis siyang niyakap ng kaibigan. Una na silang umalis at habang si Kier naman at Empress ay nanatiling nakatayo pa. Binasag ng binata ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. "Emp! Doon tayo sa banda roon!" yaya ng binata rito. Tumango lang ang dalaga at sabay na silang naglakad papunta sa may mga nagtitinda ng pagkain. "Gusto mo ba nito?" tanong ni Kier kay Empress. Marami kasing paninda ang ale kaya naman ay nahirapan itong makapili. "Isaw at saka 'yong lumpia na lang sa akin." Mabilis namang kinuha ng binata ang gusto ng dalaga. Nagbayad kaagad si Kier at dinagdagan niya pa ang pagkain nila at bumili rin ang binata ng juice at bottles water. Umupo sila sa may bench na nakaharap sa may baybayin. "Heto kumain ka na," nakangiting yaya ng binata sa dalaga at ibinigay ang mga pagkaing binili. "Salamat ah!" ngiti nito sa binata. "Wala 'yon!" nagihiya nitong saad habang kinakamot ang kanyang ulo. "May kuto ka ba?" natatawang tanong ni Empress. "Ha? Wala naman, bakit?" takang tanong ng binata. "Kanina ka pa kasi kamot ng kamot sa ulo mo eh!" nakangiti nitong turan at napangiti na rin ang binata. "Nahihiya lang naman kasi ako sa 'yo. Alam ko namang wala akong pag-asa sa isang katulad mo. Isang hamak lang akong tricycle driver kumpara sa mga naabot mo na,'' mahina nitong paliwanag. Para namang hinaplos ang puso ng dalaga sa narinig nito. "Huwag mong hamakin ang pagiging tricycle driver mo. Isa kang mabuting tao Kier at alam ko 'yon. Kaya lang sadya yatang hindi natin ma-kontrol ang puso natin," paliwanag ng dalaga. Napangiti naman si Kier. "Salamat sa pang-unawa mo kahit na nga ba napaka-kulit kong manliligaw mo." Natawa na lang ang dalaga sa tinuran nito. - "Huwag mo akong ipagpalit Hon, dahil hindi ko alam ang magagawa ko," mahinang saad ng binata sa kanyang nobya. "Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. I love you Hon!" madamdaming saad nito. "I love you more!" sabi ng binata at marahang hinalikan ang kanyang nobya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD