Chapter One
"Empress anak! Halika na at handa na ang almusal natin," tawag ni Aling Jewel sa kanyang anak.
"Nariyan na po Inay!" sagot naman ng dalaga. Kabilang si Empress sa matatawag na swerte sa kanyang mga magulang dahil sila ay mapagmahal.
"Ano pong ulam Ma?" tanong ng dalaga.
"Daing at itlog anak, pasensya na at 'yong itlog muna ang baon mo ngayon," mahinahon nitong pahayag.
"Oks na yan Ma, si Majesty pala nasaan?" tanong ng dalaga. Si Majesty ay siyang nakababatang kapatid nito.
"Tulog mantika naman 'yon, pero hayaan mo na at nang makapag-pahinga dahil exam nila kahapon," mahabang paliwanag ni Aling Jewel.
"Ang aga ni Papa na mamasada ah?" muli naman nitong usisa.
"Alam mo namang mahal na ang mga bilihin ngayon at kailangang kumayod ng tatay niyo upang makapagtapos 'yang kapatid mo," paliwanag ulit nito.
"Hayaan niyo Ma at gagalingan ko sa trabaho para maging regular employee ako at mas malaki ang mga bunos ko," nakangiti nitong saad.
"Basta tandaan mo anak, ano man ang mangyari nandito kami parati ng Papa mo," at pinisil nito ang kanyang kamay.
Matapos na kumain si Empress ay mabilis siyang nag-ayos ng kanyang sarili upang makapasok na sa kompanya na pinapasukan niya. Isa kasi siyang receptionist doon. Nag-apply siya bilang secretary pero dahil baguhan pa lang siya ay hindi ito natanggap at bumagsak sa pagiging receptionist.
"Ma, aalis na po ako!" paalam ng dalaga rito sabay halik sa pisngi ng ina.
"Mag-iingat ka anak." Tumango na lang ang dalaga bago mabilis na tumalikod.
Hindi naman kalayuan sa kanila ang kompanya nila kaya naman ay nagta-tricycle lang ito papunta sa kompanya. Nakita niyang nakaparada na sa labas ng bahay nila ang isang tricycle at alam na nito kung sino ito. Lumapad kaagad ang pagkaka-ngiti ng binata ng makita ang dalaga.
"Emp! Hatid na kita!" nakangiting sabi ng binata. Napasimangot naman ang dalaga sa masugid nitong manliligaw na si Kier. Magkababata sila at magkapit-bahay din. Halos araw-araw na pumupunta si Kier sa bahay ng dalaga at minsan pa ay inihahatid niya ito o kaya naman ay sinusundo. Hindi naman pangit ang binata kaya lang ay marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya.
"Ang kulit mo talaga!" pasuplada nitong saad. Nakita niyang napapakamot sa ulo ang binata.
"Hatid lang naman kita," mahina nitong saad. Wala nang nagawa ang dalaga kundi ang sumakay na lang sa tricycle.
Paminsan-minsang lumilingon ang binata sa dalaga at napansin 'yon ng huli kaya nilingon niya ito.
"Sa daan ka kaya tumingin at baka mabangga pa tayo," medyo mataray niyang saad. Nahihiya namang napatingin sa unahan ang binata.
Nang makarating sila ay ibinigay ni Empress ang bayad niya.
"Huwag ka nang mag-abala pa, libre ka parati sa akin," sabi nito at sinabayan pa ng kindat.
"Ang mahal na kaya ng mga bilihin Kier," saad ng dalaga.
"Konting bagay, sige na at mag-iingat ka ha!" paalam kaagad ng binata at wala ng nagawa pa ang dalaga. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kompanya.
-
"Pare! How's life?" tanong kaagad ni Speed sa kanya. He just arrived in the Yellowstone this morning and it surprised him to see his long long best friend Speed.
"It's just the same," kibit-balikat na tugon ng binata.
"Are you here for a work? Or for a woman?" pilyo pang ngumiti si Speed sa kanya. Ikiniling nito ang ulo st saka uminom sa umuusok pang kape niya.
"Let's say, I came here for my work and soon to be my woman." Nakangiti niyang sabi. Speed laugh and tap his shoulder.
"You might chase the wrong one, man!" natatawa pa nitong saad. Natawa na rin maging ang binata.
"I'm already serious bud!" sagot nito sa kaibigan. Ilang oras din silang nag-kwentuhan bago naisipang maglibot-libot muna ni Knight.
Knight Fernandez, a twenty-eight years old hot and yummy engineer. He's very charming and handsome. Every woman chases him because of his undying s*x appeal. But of course he's just playing every woman's heart. But something in this girl get his attention.
Serafina Monteverde, she's a gorgeous lady. She has white skin complexion, a long black hair, she also has a beautiful chinita eyes and her kissable lips is naturally red. They met in the bar. One of his friend introduce Serafina to him.
After that night he already want Serafina to be his. Hindi nito alam kung pagmamahal na ba 'yon or just a lust.
He chased the girl but she's always telling him to stop chasing her.
Hindi makapaniwala si Knight na kaya siyang hindian ng isang babae.
But He is persistent to get what he want.
Until one day, he learned that Serafina resigned to her company, one of her friend told him that she might go back to her town in Yellowstone.
Kaya naman ay walang pagdadalawang-isip na sinundan niya ang dalaga sa Yellowstone. Mabuti na lang at may kaibigan siyang may construction business dito sa Yellowstone at mabilis siyang nakapasok bilang isang engineer.
"I must get you, no matter what!" mariin nitong saad at napatingin sa mga taong nasa baba na busy sa iba't-ibang trabaho nila.
-
Kasalukuyang nagla-lunch break si Empress kasama ang kanyang mga kasamahan.
"Balita ko may bagong engineer na naka-assign dyan sa kino-construct na building sa tapat," kwento ni Pearl.
"So? Tatakbo bang mayor kaya kung maka-react ka para kang kinikilig dyan!" mataray na saad ng dalaga. Inirapan naman ito ng kaibigan.
"Alam mo, ikaw kasi nagbubulag-bulagan ka! Huli ka parati sa tsismis! Napaka-gwapo at hot kaya ng bagong engineer dyan sa tapat!" si Sapphire naman ang nag-salita.
"Pamilya muna ang uunahin ko no! Bago 'yang love-love na 'yan!" nakanguso nitong saad sa kanila.
"Ikaw rin at mapag-iiwanan ka na!" kantiyaw naman ni Pearl.
"Tigilan niyo ako! Kala niyo naman ako lang ang walang jowa! Kayo rin naman," saad nito. Nagtawanan na lang ang magkaibigan.
Parating nakapaskil ang ngiti sa mga labi ni Empress dahil 'yon ang kanilang training, always smile to have a good business.
Nagpalinga-linga naman si Knight habang hinahanap kung saan ang opisina ng kanyang kaibigan.
Mabuti na lang at nakita niya ang receptionist. At first glance ay napahanga kaagad si Knight sa gandang taglay ng dalaga. She's like a dazzling empress, sa isip ng binata. He's checking her out for a minute. He cursed himself repeatedly. Hindi siya pwedeng tumingin sa ibang babae dahil he's chasing Serafina. Pero kakaiba ata ang hatak nitong dalaga sa kanya.
Napansin ni Empress na kakaiba ang tingin nung lalaki sa kanya kaya naman ay bigla itong kinabahan. Gwapo nga ang lalaki ngunit nakakatakot naman ito kung maka-tingin kaya naman ay iniiwas na lang ng dalaga ang kanyang tingin sa binata.
Nang makalapit si Knight ay ubod tamis niya itong nginitian.
"Hello Miss, can I ask?" swabe ang boses nitong tanong.
"Good day sir, what can I do for you?" magalang niyang bati at tanong dito. Nakatulala kasi siya kanina kaya naman ay hindi niya kaagad nabati ang binata.
"Where's the office of Mr. Speed Versoza?" nakangiting tanong ng binata na siyang lalong nagpapa-gwapo rito.
"Do you have an appointment to Mr. Versoza, sir?" muli ay magalang nitong tanong.
"Nope! But I'm his friend, Knight Fernandez," pagpapakilala nito.
"Wait for a minute, sir and I will call his secretary to inform Mr. Versoza that your here," malamyos ang tinig ng dalaga na siyang nagpapabalisa sa puso ng binata.
Kinuha kaagad ng dalaga ang telephone at tinawagan ang secretary ng kanilang amo.
"Hello Miles, can you please tell Mr. Versoza that his friend Mr. Knight Fernandez is here, thank you." Naghintay ng ilang minuto ang dalaga bago ibinaba ang kanyang hawak na telephone.
"25th floor at the left wing, sir." Nakangiting imporma ng dalaga. Napatango na lang ang binata dahil natameme na ito sa simpleng ngiti lang ng dalaga sa kanya.
"Thank you!" tanging nasabi ng binata at mabilis na tinungo ang elevator. Napailing na lang ito sa kanyang ulo.
I must think of Serafina not the other girl.
Sa isip ng binata.