CHAPTER 13

1804 Words
"Right, Eve?" tanong nito sa akin at napataas naman ang kilay ko bago tanggalin ang kamay sa kaniyang balikat at bahagyang dumistansya. Naramdaman ko nang binitawan niya ako kaya naman mas lalo pa akong dumistansya sa kaniya at humarap sa lalaking nagdala sa akin dito sa gitna, nakatingin ito sa akin kaya naman tiningnan ko siya. "Wala akong oras sa mga taong tulad niyo," ani ko bago sila talikuran at umalis na parang walang nangyari kahit na ang totoo ay kinakapos na ako ng hininga dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Aatakihin na ata ako! Mabilis ang paghakbang na ginawa ko hanggang sa makarating ako sa isang malaking puno. Nagtago ako sa likod no'n at do'n sumandal at naghabol ng hininga. Nang makasandal ako ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa hindi malamang dahilan. Sunod-sunod silang lumabas na para bang nag-uunahan sila. Ano na naman ang nangyayari sa akin? Pilit kong pinupunasan ang mata ko pero pakiramdam ko ay wala silang katapusan. Ano ba 'to? Ayos naman ako kanina. Anong nangyayari sa akin? Niyakap lang naman ako ni Dylan... May lumabas na hikbi sa aking mga labi kaya naman natakpan ko ang aking bibig. Pakiramdam ko ay biglang bumalik ang bigat ng dibdib ko, sobrang bigat at 'yong lalamunan ko parang may bara na naman. Sakit ba 'to? Nakakaramdam na naman ako ng sakit? Tumalungko ako at yumuko. Nakakaasar naman. Pumunta kami rito para magsaya. Si Dylan naman kasi. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal umiiyak ng tahimik do'n hanggang sa mapansin ko na lang na nakahinto na ako. Wala ng luha ang bumabagsak sa mga mata ko kaya naman tumayo ako at kinuha ang panyo sa aking bulsa upang punasan ang basa kong mukha. Wala akong dalang salamin kaya naman mas minabuti ko na itali na lang ang buhok ko upang hindi ako magmukhang namulubi rito. Wala e, ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin. Makailang ulit pa akong huminga nang malalim bago mapagpasyahan na hanapin na lang sila Ate Cony at sa kanila na lang sumama kahit na third wheel ay okay lang basta 'yong alam kong mag-e-enjoy ako ngayon. Nagsimula na akong maglakad upang hanapin sila Ate Cony, palinga-linga ako at nagbabakasakali na makita ko ang anino nila. Bakit ba kasi ako pumayag na ako ang hahawak ng project na 'to? Si Atreus, Engineer din naman siya. Sa kaniya unang inalok 'to ni Rein 'yong gawain na 'yon at kung no'ng oras na sinabi sa akin ni Atreus ang tungkol sa bagay na 'to, p'wedeng-p'wede ko siyang tanggihan. E di sana, nasa bahay na lang ako. Kasama sila Maxine at Charlie pati na rin ang iba kong kapatid, p'wedeng ngayon ay nagba-bonding-bonding kami. Hindi sana ako umiiyak. Hindi rin sana ako nakakaranas ng ganitong sakit. Mas okay na ata na hindi ko na lang nalaman na si Dylan pala ang magiging asawa ni Rein. "Callista!" Lumingon ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Kuya Robert na tinatawag ang pangalan ko. "Bakit ka nag-iisa? Nasaan si Architect?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Naghiwalay po kami, gusto ko po kasing mapag-isa," wika ko at pinilit na iningiti ang labi. "Gano'n ba? E, kung gusto mo sumama ka na lang sa amin. Alam namin na gusto mong mapag-isa pero kapag kasi natunugan ka nilang dayo ka lang ay baka mapag-initan ka ng mga tao rito," sabi ni Ate Cony sa akin. "'Yon na nga rin po ang plano ko, ang totoo po niyan ay hinahanap ko po talaga kayo." "Tara na, medyo lumalalim na ang gabi kaya siguro maya-maya lang ay uuwi na tayo." Nagsimula ulit kaming maglakad. Kung saan-saan ako dinala nila Ate Cony, mayro'n na pinakain nila ako ng sikat na pang-himagas dito sa La Union. Mayro'n pang pumunta kami sa nagtitinda ng mga souvenir kaya naman bumili ako para sa mga kapatid ko at para na rin kila Jade. Nang matapos kami da paglilibot namin ay huminto kami sa isang upuan upang hintayin si Dylan na hindi na lumitaw kanina. Sa tuwing naaalala ko ang pagyakap na ginawa sa akin ni Dylan ay nahihigit ko na lang ang aking hininga. Alam ko na gusto niya lang akong ilayo sa lalaki na 'yon pero alam ko naman na kilala niya ako, alam ko na alam niya na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko kahit na wala akong katulong. "Nag-enjoy ka ba, Callista?" tanong sa akin ni Ate Cony kaya naman ngumiti ako rito. "Opo, sulit po ang pagpunta natin dito," nakangiting wika ko. Sulit na sulit dahil hindi lang saya ang naramdaman ko. "Halata nga na nag-enjoy ka, ang aliwalas ng mukha mo. Dapat ay lagi ka na lang ganiyan, lagi mo na lang itatali ang buhok mo." Hinawakan ni Ate Cony ang ulo ko. "Kailan ba ang kasal niyo ng pinsan ni Madam Rein?" tanong nito sa akin at hindi ko napigilan at hindi matawa. Si Rein talaga puro kalokohan. "Dati po ay muntik na kaming ikasal pero n*matay po kasi ang Papa ko kaya naudlot 'yon." Na ipinagpapasalamat ko. "Kung gano'n pala ay ang Mama mo na lang ang kasama niyo?" tanong naman ni Kuya Robert at ngumiti ako sa kaniya bago umiling. "Wala na rin po si Mommy, ulila na po kami," sabi ko rito at nagulat naman sila sa sinabi ko. "Bata pa lang po ako ay nawala na si Mommy dahil sa isang aksidente at si Papa naman po ay nawala tatlong taon pa lang po ang nakakalipas." "Nako, pasensya ka na, hindi namin alam na wala ka na palang mga magulang," saad ni Ate Cony at winagayway ko naman sa ere ang aking kamay. "Wala po 'yon, at saka alam naman po namin na masaya na sila ngayon kung nasaan man sila ngayon." Tatlong taon na rin pala. Hindi ko alam pero may parte sa akin na nagpapasalamat na nawala si Papa dahil kung hindi ay baka wala ako rito, nasa ibang bansa pa rin siguro ako at may sarili ng pamilya kay Atreus. "Ayan na pala si Architect." Hindi na ako nag-abalang lumingon sa likod ko nang sabihin 'yon ni Kuya Robert. Yumuko na lang ako at hinintay na makalapit siya sa amin. "Mukhang nagsolo ka, Architect," saad ni Kuya Robert. "Si Callista ay sa amin na sumama." "Hmm, that's good," aniya. "Tara na umuwi na tayo at malalim na ang gabi para naman makapagpahinga na rin kayo." Nagsimula na kaming maglakad. Si Dylan ay nauunang maglakad, sunod sila Ate Cony at ako naman ang nasa dulo. Nagtatawanan sila Kuya Robert at Ate Cony ako naman ay nakayuko lang habang naglalakad. Nilalamig na ako. Nilagay ko sa bulsa ang mga kamay ko para naman kahit na ito na lang ang mainitan. "Hay, bumalik kayo sa fiesta, ha?" Tumingin ako kay Kuya Robert nang magsalita siya. "Masaya rito, p'wede rin kayo magsama ng mga kaibigan kung gusto niyo." "Oo nga para naman mas masaya tayo," sambit ni Ate Cony kaya naman tumango ako. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang bahay nila Ate Cony. "Sa wakas, nakarating din." Pumasok kami sa loob kaya naman agad akong naupo sa sofa na nasa sala nila Ate Cony. "Napagod ka ba sa paglalakad, Callista?" tanong sa akin ni Kuya Robert kaya naman nakangiti akong tumango. "Medyo matagal na rin po kasi no'ng huling nakapaglakad po ako ng gano'ng kalayo," tugon ko. "Nako, kailangan mong masanay, mananakit ang mga tuhod mo kapag madalang makakapaglakad ng gano'n kalayo," ani Ate Cony kaya naman bahagya akong natawa. Sumakit nga ang mga binti ko dahil pataas at pababa ang nilakaran namin. "Maiwan ko muna kayo," sabi ni Kuya Robert at umalis upang lumabas mg bahay. Kaming dalawa na lang ni Ate Cony ang naiwan. "Gusto mo bang maligo?" tanong nito sa akin kaya naman napahinto ako bago pasimpleng amuyin ang sarili ko. Medyo amoy pawis ako. "Sige po, maliligo po ako para presko po ang pagtulog ko," sagot ko rito. "May dala ka bang damit?" tanong nito sa akin at tumango naman ako. "Opo, nasa kotse po ang mga gamit ko, sandali lang po at kukunin ko," sabi ko at tumayo upang puntahan ang sasakyan ko na nakaparada sa tapat ng bahay nila Ate Cony. Paglabas ko ay agad akong dumiretso sa kotse ko pero bago ko pa man mabuksan 'to ay napahinto na ako dahil sa usok na naaamoy ko. Sininghot ko pang muli 'yon at napatakip sa ilong nang masigurado kong usok 'yon ng s*garilyo. Umikot ako sa kabila at nakita kong may nakasandal sa kotse ko habang naninigarilyo. Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil napalingon siya sa akin. Saktong pagharap niya sa akin ang pagbuga niya rin ng usok kaya naman napaiwas ako at tinaas ang kamay upang paypayan ang usok sa harap ko. "Sa isang araw pa ako uuwi," sabi nito kaya naman napataas ang kilay ko. Ano naman ngayo sa akin? "Ikaw na muna ang bahala riyan," wika niya habang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umaaalis dito sa harap niya lalo na ang nakakalanghap ako ng usok mula sa s*garilyong nasa bibig niya. Bukod pala sa alak dinagdagan niya na rin ang bisyo niya. "Tch," anito bago ako irapan at maglakad palayo sa akin. "Basta ay d'yan ako uuwi, paggaling ko rito." Umawang ang mga labi ko dahil nagsalut siyang muli. May kausap pala siya sa cellphone. Akala ko ako ang kausap niya. Asyumera rin pala ako. Umiling na lang ako bago kunin ang susi ng kotse ko at buksan ito upang kunin ang bag na baon ko. Pagkuha ko nito ay bumalik na ako sa loob ng bahay nila Ate Cony. "Ayan na pala, Callista. Sige na, maligo ka na," utos sa akin ni Kuya Robert. "Iwan mo na rin ang bag mo riyan at iaakyat ko na lang sa taas 'yan, sa magiging k'warto mo," wika niya pa kaya naman bahagya akong yumuko rito at ibaba ang bag at kumuha ng damit bago pumunta sa banyo. Hindi naman ako nagtagal sa banyo dahil inaantok na ako at nararamdaman ko na rin ang pagod. Paglabas ko ng banyo ay agad na bumungad sa akin si Ate Cony na nasa lababo. "Sige na, umakyat ka na sa taas." "Salamat po, Ate Cony," sabi ko rito. "Walang ano man, hija," saad nito kaya naman naglakad na ako. Wala naman akong nadatnan na tao sa sala kaya naman dumiretso na ako sa taas ng bahay nila Ate Cony kung saan may dalawang k'warto. Sabi ni Ate Cony na ang unang k'warto ang sa akin kaya naman dito ako pumasok. Nandito na ang gamit ko kaya naman humiga na ako sa kama na nandito. Paglapat ng likod ko ay agad na bumigat ang talukap ng mata ko hanggang sa makatulog na ako. Sobra akong napagod sa araw na 'to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD