"Ito, tikman mo." Inilapit ni Ate Cony sa akin ang sandok na may laman na sabaw ng sinigang.
Hinipan ko ito bago tikman.
Nilasahan ko ito bago tumingin kay Ate Cony.
"Hmm, ang sarap po," ani ko rito dahil masarap nga talaga.
Sakto lang ang asim nito.
Ngumiti ako kay Ate Cony bago bahagyang dumistansya sa lutuan nila dahil umusok 'yon.
De kahoy lang ang lutuan nila kaya naman kahit na gustuhin ko mang tumulong sa pagluluto kay Ate Cony ay hindi ko magawa dahil mausok nga baka atakihin ako ng hika.
"Paborito mo ba ang sinigang?" tanong sa akin ni Ate Cony.
"Hindi naman po sobrang paborito pero gusto ko po kasi ang asim ng sinigang," sagot ko rito.
"Gano'n ba pero matanong ko nga, matagal na ba kayong magkakilala ni Architect?" biglang tanong sa akin ni Ate Cony kaya naman nawala ang ngiti sa aking mga labi. "Para kasing natutulad ka sa ikinuk'wentong kaibigan sa amin ni Architect."
Napalunok ako bago tumingin kay Ate Cony na nakakunot ang noo.
"Sa tuwing magkakak'wentuhan kasi kami rito ay lagi niyang nababanggit ang kaibigan niya raw na umalis," ani pa nito.
Hindi, hindi lang naman ako ang kaibigan ni Dylan.
Mayro'ng Marco, Icom, Ruby at matami pang iba.
Hindi lang ako at imposobleng ako 'yon dahil alam ko na may sama ng loob si Dylan sa akin.
"Natatawa na nga lang ako dahil sa tuwing nagkuk'wento si Architect ay para bang hibang siya," natatawang wika ni Ate Cony kaya naman napalunok akong muli.
Ito na naman ang dibdib ko na para bang may nagkakarerahan.
"Ano nga ulit ang pangalan no'n?" Umakto si Ate Cony na parang nag-iisip kaya naman ako ay hindi na naman mapakali. "Ah! Si—"
"Ate Cony?" Sabay kaming napatingin ni Ate Cony sa lalaking bigla na lang sumulpot dahilan para mapahinto sa pagsasalita si Ate Cony. "Pinapatanong po ni Kuya Robert kung nasaan daw ang susi ng bodega niyo?" tanong nito kay Ate Cony.
Ako naman ay lihim na nagbubuga ng malalalim na hininga.
'Para na naman akong aatakihin.'
"Ayy, ito—sandali." Tiningnan ko si Ate Cony habang kumakapa-kapa sa kaniyang bulsa. "Nako, sandali lang Architect, nasa k'warto ata namin, teka at hahanapin ko muna." Binigay sa akin ni Ate Cony ang sandok na hawak niya bago kami iwan dito.
Tiningnan ko si Ate Cony hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
Tiningnan ko ang hawak kong sandok bago malipat ang tingin ko kay Dylan na nakatingin din sa akin.
Tiningnan ko siya bago malipat muli sa sandok na hawak ko.
Inabot ko sa kaniya ang sandok na hawak ko na agad naman niyang ipinagtaka.
"Oh," sabi ko habang inaabot ang sandok sa kaniya.
"Anong gagawin ko riyan?" tanong niya sa akin kaya naman lihim akong napairap.
"Kung makakain mo, Dylan. Sige kainin mo," ani ko rito bago tumayo at ipahawak ng sapilitan ang sandok at sumunod kay Ate Cony sa loob dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang tumagal na kasama si Dylan sa iisang lugar, 'yong kaming dalawa lang.
Hindi ko naman talaga alam kung nasaan si Ate Cony kaya naman mas minabuti ko na lang na lumabas ng bahay kung saan nakita ko ang araw na papalubog na.
Umupo ako sa upuan sa may puno sa may gilid at pinagmasdan ang paglubog ng araw.
Pati ang ulap ay nagkulay kahel na rin dahil sa papalubog na araw.
Mahangin din sa labas kaya naman hinahangin ang buhok ko.
Ang payapa sana ganito na lang lagi.
Sana ganito na lang lagi ang nararamdaman ko.
"Engineer." Tumingin ako kay Kuya Robert nang tawagin niya ako.
"Kuya Robert," tawag ko rin sa kaniya.
"Bakit ka nag-iisa rito? Nasaan si Architect?" tanong niya sa akin.
"Nasa loob po ata nagluluto," sagot ko rito dahil ang pagkakatanda ko ay iniwan ko siya kasama ang sandok.
"Ah, ano pala ang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka makisali kay Architect?" tanong na naman niya sa akin.
"Okay lang po ako rito, at saka katulong na rin po niya si Ate Cony kaya baka hindi na niya po ako kailangan," sagot ko rito.
"Matagal na ba kayong magkakakilala nila Architect?" biglang tanong ni Kuya Robert kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Napapansin ko kasi na parang ang dalang niyong mag-usap kaya naman naiisip ko na baka nito lang kayo nagkakilala."
Yumuko ako at sinipa ang maliliit na bato sa aking paanan.
"Siguro po ay matagal na rin?" hindi siguradong sagot ko rito. "Hmm, hindi lang po talaga namin hilig ang mag-usap." Natawa si Kuya Robert sa sagot ko.
"Palabiro ka pala, Engineer."
"Callista na lang po, wala naman po tayo sa trabaho."
"Sige, Callista," banggit niya sa aking pangalan. "Hindi kayo nagkakalayo ng ugali ni Architect." Gusto kong kilabutan dahil sa sinabi ni Kuya Robert.
'Yong tao na 'yon? Hindi nalalayo sa akin ang ugali? Wew.
"Mabait din si Architect na tulad mo, minsan ay nagbibiro rin siya 'yon nga lang ang pinagkaiba niyong dalawa ay ikaw madalas kitang makitang nakangiti samantalang si Architect ay sobrang dalang," k'wento niya sa akin ay may naramdaman ako sa aking dibdib.
Para akong nagi-guilty sa hindi malamang dahilan.
"Sana ay lagi ka lang nakangiti, Callista. Ang ganda-ganda mo sa tuwing nakangiti ka at sa maniwala ka man o hindi ay mas gusto ko ang ugali mo kaysa kay Madam Rein," anito na agad kong ipinagtaka.
"Ha? Bakit naman po?" tanong ko rito. "Mabait naman po si Rein," sabi ko pa.
"Oo, mabait naman si Madam Rein pero may parte pa rin sa akin na para bang pakiramdam ko ay hindi naman talaga siya totoo sa mga ginagawa niya," sabi nito.
"Kuya Robert," tawag ko rito.
"Jusko! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko, pasensya na, Callista, hija. Medyo pasmado ang bibig ko," natatawang wika niya.
"Hay, kanina ko pa kayo hinahanap, tara na at kumain, pupunta raw tayo sa plaza sabi ni Architect." Biglang sumulpot si Ate Cony kaya naman naputol ang pagkuk'wentuhan namin ni Kuya Robert.
"Sa plaza ba kamo? Tara na at kumain." Tumayo si Kuya Robert at sumama kay Ate Cony sa pagpasok sa loob ng bahay.
"Ikaw? Wala ka bang balak na kumain?" Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot niya. "Pasok."
Tumaas ang kilay ko sa kaniya pero wala na rin naman akong nagawa dahil nagugutom na rin ako at gusto ko ng kumain.
Pumasok na lang ako sa loob at naramdaman ko naman na sumunod sa akin si Dylan.
Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko ro'n sila Ate Cony at Kuya Robert na nakaupo na sa lamesa at handa ng kumain.
"Hija, maupo ka na para makakain na tayo," saad ni Kuya Robert kaya naman bahagya akong yumuko sa kaniya bago maupo sa isang bakanteng upuan.
"Ipapasyal tayo ni Architect sa plaza kaya kumain ka ng marami," ani Ate Cony at ngumiti na lang ako sa kaniya.
Tumingin ako kay Dylan na kakapasok lang sa kusina.
Lumapit ito sa hapag kainan at naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko.
Akala ko ay may gagawin siya? Gagala lang pala.
Kukuha na sana ako ng pagkain nang makita kong nakapikit silang lahat at magkalapat ang mga palad kaya naman binitawan ko muna ang sandok na hawak ko at yumuko na lang din upang magpasalamat sa pagkain na nasa harap namin.
"Oh, siya, kumain na kayo. 'Wag kayong mahihiyang kumain, kain lang nang kain. Ikaw rin, Callista," ani Ate Cony kaya naman sinimulan ko na ang pagkain.
"Eh, bakit wala si Madam?" biglang tanong ni Kuya Robert kaya naman tumingin ako sa kaniya habang ngumunguya.
Oo nga pala, wala siya rito kanina nang umalis sila Rein.
"May biglaan daw pong photo shoot kaya kinailangan niyang umuwi ngayon kasama ang 'yong partner niya na si Patrick," sagot nitong katabi ko.
Hindi naman ako nagsasalita dahil wala naman akong dapat na sabihin.
"Gano'n ba? Sayang naman kung gano'n pero masaya pa rin ako na may bagong dalaga ka na ipinakilala sa amin, Architect." Ngumiti akong muli kay Kuya Robert nang tumingin siya sa akin. "E, Callista. May nobyo ka na ba? Sigurado ako na mayro'n ka ng nobyo, sa ganda mo pa naman na 'yan ay sigurado akong maraming magkakagusto sa'yo."
"Wala po," sagot ko sa kaniya at binigyan sila ng isang alanganin na ngiti.
"Totoo ba?" tanong ni Ate Cony kaya naman tumango ako.
"Opo, may mga n-nanligaw naman po sa akin pero.... Wala po akong nagustuhan sa kanila," sagot ko rito.
"Pero sigurado naman ako ay may nagustuhan kang lalaki noon?" si Kuya Robert naman ngayon ang nagtatanong sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot ko.
Para lang pala silang sila Ruby at Emerald na salitan ako kung tanungin.
Nakakatuwa.
"Syempre naman po," sagot ko rito habang nakangiti. "'Yon nga lang po ay medyo minalas," natatawang wika ko sa kanila.
"Sabi ko na nga ba, sige na kumain ka na ng maayos," utos ni Kuya Robert kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagkain ko.
Napuno ng tanungan ang naging kainan namin.
Naiintindihan ko naman sila dahil nabanggit nila Kuya Robert na hindi raw sila biniyayaan ng anak dahil hindi na raw p'wedeng magkaanak si Ate Cony dahil nakunan ito at hindi na ulkt p'wedeng magbuntis kaya naman sabik na sabik sila sa amin.
"Kung nabuhay lang ang anak namin no'n, ayy sigurado ako na maganda siyang babae!" sabi ni Ate Cony habang naglilinis na kami ng aming pinagkainan.
"Sayang nga lang po, pero sigurado naman po akong lagi siyang nasa tabi niyo at binabantayan kayo," wika ko rito.
"Ganiyan din ang lagi naming sinasabi ni Robert sa isa't-isa sa tuwing naiisip namin siya."
"Malay niyo po ay mabuntis ulit kayo, 'di ba." Natawa sa sinabi ko si Ate Cony.
"Ayan ang malabo ng mangyari dahil wala ng matres ang Ate Cony mo," sabi nito.
Tinapos lang namin ang aming ginagawa bago mapagpasyahan na sumunod na kila Dylan sa labas na naghihintay na sa amin.
"Ayos na ba kayo?" tanong sa amin ni Kuya Robert nang makita niya kaming dalawa ni Ate Cony.
"Opo, nakapag-ayos na po kami," sagot ko rito.
"Kung gano'n ay tara na," wika ni Kuya Robert bago lapitan ang kaniyang asawa at hawakan ito sa kamay.
Nauna silang naglakad kaya naman nagtaka ako.
'Hindi ba kami gagamit ng sasakyan?'
"Nako, Engineer! Walang pagpa-parking-an ang mga sasakyan do'n kaya maglakad na lang tayo at saka malapit lang naman 'yon." Nagulat ako sa sinabi ni Ate Cony.
Nakakabasa siya ng isip?
Hanep.
Napakibit-balikat na lang ako bago sumunod sa kanila.
Nauuna silang maglakad habang ako ang nakasunod at ang nasa likod ko ay ang abnong si Dylan.
"Sigurado ako na matutuwa kayo," saad ni Kuya Robert. "Malapit na mag-fiesta sa bayan namin kaya naman sigurado ako na marami tayong makikita sa plaza."
"Sana nga lang ay nandito kayo sa araw ng fiesta rito dahil may sayawang pambayan ang ginaganap dito tuwing fiesta," sabi naman ni Ate Cony.
"Sayawang pambayan po?" tanong ko rito dahil ngayon ko lang narinig ang bagay na 'yon.
"Oo, 'yon 'yong pupuntahan ng mga lalaki ang mga dalaga sa bahay nito upang yayain na maging kapareha nila sa sayawan pero minsan naman ay ang babae na ang nag-aaya sa mga lalaki." Natawa kami dahil sa sinabi ni Ate Cony. "Pero kapag wala kang kapareha ay hindi ka makakapasok sa sayawan."
"Kaya kapag walang nag-aya sa'yo ay mas mabuti na lang na matulog ka na lang sa bahay niyo!" sambit ni Kuya Robert.
Parang ang saya naman no'n pero ang problema nga lang ay wala akong makakapareha.
"Kailan po ba ang fiesta rito?" tanong ko dahil babalik ako rito.
Mukhang masaya rito kapag fiesta.
"Sa isang linggo pa naman, bakit Callista gusto mo bang dumalo sa sayawang pambayan?" tanong sa akin ni Kuya Robert kaya naman agad na nag-init ang mukha ko.
"A-ahh.... E... U-uhmm..."
"Kung gano'n ay bumalik ka rin dito, Architect. Para naman may makapareha si Callista sa sayawan." Nagulat ako sa sinabi ni Ate Cony kaya naman agad akong napailing.
"H-hindi na po," ani ko rito.
"Oo nga naman, baka gusto niyong dumalo sa sayawan. Minsan lang ipandiwang ang bagay na 'yon kaya naman samantalahin niyo na ang pagkakataon," gatong pa ni Kuya Robert kaya naman napapalunok na ako.
Gusto kong dumalo sa sayawang pambayan pero ayaw kong makapareha ang lalaking 'to.
Ayaw na ayaw.
"Hindi po ata mangyayari ang bagay na 'yan," biglang sambit ng lalaki sa likod ko at nakita ko na sumabay siya sa paglalakad sa akin.
"E, bakit naman, Architect?" kunot-noong tanong ni Ate Cony kay Dylan.
"Balak ko na po talagang dumalo sa sayawang pambayan at si Rein po ang balak kong isama ro'n total ay siya naman po ang magiging asawa ko," tugon nito at kahit na ako ay napatango dahil sa sinabi niya.
Tama siya.
Tama.
"E, paano naman si Callista?" tanong ni Kuya Robert.
Lihim akong napapikit at napalabi dahil sa sinasabi nila.
"May kasama naman po ako pagbalik ko rito, kaya hindi ko na po kailangan si Architect, may sarili po akong kapareha," sabi ko sa kanila ata agad na gumuhit sa kanilang mga labi ang isang matamis na ngiti.
"Kung gano'n pala ay hihintayin na lang namin kayo sa fiesta, magpapakatay ako ng isang baboy para naman marami tayong mailuto," masayang sambit ni Ate Cony. "Nasasabik na ako," bulong pa nito kaya naman napailing ako habang nakangiti.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at napapansin ko na medyo marami rin kaming nakakasabay na maglakad kaya naman naisip ko na sa plaza rin ang punta nila.
Napapansin ko rin na pataas na ang kalsada na nilalakaran namin kaya naman mas nagiging maingat na ang aking paglalakad dahil ayaw kong gumulong pababa.
"Malapit na tayo," sambit ni Kuya Robert at nagpatuloy sa paglalakad kaya naman sumunod lang kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa tuktok ng nilalakaran namin ay namangha ako sa aking nakita.
Mailaw, maingay at mataong paligid ang aming naabutan.
Magulo ang paligid pero mababakas mo rito ang kaligayahan.
Kung ano-anong paninda ang nasa paligid namin, mga souvenir at kung ano-ano pa.
"E, 'wag na nga lang kayo hihiwalay at baka madali kayo ng mandurukot," natatawang wika ni Kuya Robert. "Kami ni Misis ay hihiwalay muna, kayo na ang bahala riyan."
Hindi na kami nakapagsalita nang umalis na sila Kuya Robert sa harap namin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Dylan.
"Tch!" anito bago irapan at iwan sa kinalalagyan namin.
"H-hoy..." Tatawagin ko pa sana siya pero patuloy siya sa paglalakad kaya naman napabuntong-hininga na lang ako.
Nilibot-libot ko na lang ang aking paningin bago magsimulang malakad-lakad.
Akala ko ay sila Ate Cony ang magpapasyal sa amin pero magsasarili pala sila.
Peste naman ang kasama pa naming isa, halatang ayaw niya akong kasama kaya naman mas minabuti na lang niyang umalis.
Ha! Anong akala niya? Na hindi ko kaya sarili ko? Tch, hindi ako tulad ng mga babae.
Hindi ko napigilan ang mga kilay ko na magsalubong dahil sa inis.
Ang gulo, may mga nakakabunggo sa akin pero hindi ko na lang 'yon pinapansin.
Ang wallet at cellphone ko naman ay sigurado akong hindi makukuha dahil sa dibdib ko nilagay ang mga ito.
Naaaliw ako sa mga nasa paligid ko.
"Oh!" Nagulat ako nang may biglang sumigaw sa nilalakaran ko. "Miss beautiful, bili ka na. Masarap 'to," sabi nito at ngumiti kaya naman sinilip ko ang paninda niya at tumango.
Hindi familiar sa akin ang tinitinda niya kaya naman mas pinili kong magpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa parang nakarating na ako sa pinakagitna ng plaza kung saan may isang banda na kumakanta.
May mga iilan ding couple ang nagsasayaw.
Nakakaindak nga naman kasi ang tugtog ng mga ito.
"Tara na~ tara na~ oh tara naaaaa~"
Lumapit ako sa isang puno at sumandal do'n habang nanonood sa mga taong nagsasayaw sa harap ko.
"Isayaw mo ako~ oh tara na~ tara na~ tara na~ Hawakan mo ang aking kamay at ang aking balakang~ sumabay ka sa aking paggiling~"
Napapangiti ako dahil sa ganda ng kanta na naririnig ko.
Ang saya ng kanta pati na rin ang mga taong sumasayaw sa gitna.
Ang akala ko ay mapayapa akong makakapanood sa mga taong nagsasayaw pero bigla na lang may humigit sa akin at dalhin ako sa gitna ng sayawan.
"Bago ang maganda mong mukha rito, dayuhan ka ba?" tanong nito sa akin habang umiindak-indak.
Tumaas ang kilay ko lalo na nang makita ko ang kaniyang mukha.
Mukha siyang abno.
G'wapo pero alam ko na agad na g*go.
Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya at tinulak siya upang malayo siya sa akin.
Sobrang lapit niya.
"H'wag mo akong hawakan, hindi kita kilala," ani ko sa kaniya at ang loko nginisihan lang ako bago ako ulit higitin sa baywang kaya naman kumibot na ang gilid ng labi ko.
"Dayuhan ka nga, bakit ba mukhang nagmamadali ka? Samahan mo muna akong sumayaw, ang ganda-ganda kaya ng tugtog," bulong nito sa akin at naramdaman ko na bumaba ang kaniyang kamay sa balakang ko.
Sinubukan ko siyang itulak pero masyado ng mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
Inilibot ko ang aking paningin at nagbabakasakali na may makita ako kahit na isa sa mga kasama ko.
Ayaw kong gumawa ng eksena pero kung pipilitin ako nitong lalaki na 'to ay wala akong magagawa.
"D*mn you, kapag hindi mo ako binitawan sinisigurado ko na mababalian ka ng buto," bulong ko rito at narinig ko ang kaniyang mahinang pagtawa.
"H*ll, you're my type," bulong nito.
Handa na sana akong gumalaw nang may maramdaman na namna akong kamay na gumapang sa aking baywang.
Nanindig na ang aking mga balahibo sa oras na 'to.
Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
Walang kahirap-hirap niya akong nahigit papunta sa kaniya.
Nakita ko ang gulat sa lalaking nakayapos kanina sa akin.
Ilang ulit akong napalunok lalo na nang simulan niya akong igalaw na para bang sinasayaw ako.
"Let her go, hindi nagbibiro ang isang 'to. Hindi uobra ang tulad mo sa kaniya," anito at nakaramdam ako ng kiliti nang tumama ang mainit niyang hininga sa likod ng tainga ko..
T*ngina, 'yong puso ko!
Bigla na lang niya akong inikot paharap sa kaniya kaya naman bigla na lang akong napakapit sa balikat niya.
"Right, Eve?"