CHAPTER 11

2627 Words
"Ito, kumain ka pa." Muli akong inabutan ng tinapay ni Ate Cony kaya naman bahagya akong yumuko rito at nagpasalamat. Nandito na kami sa loob ng bahay nila at nakaupo habang umiinom ng malamig at fresh na buko. Pero ang pinagtataka ko kung bakit kaming dalawa lang ni Dylan ang kumakain at umiinom ng mga hinandang meryenda ni Ate Cony. Muli kong tiningna si Rein na nakatingin din sa akin. "Gusto mo ba?" tanong ko rito at pilit naman siyang ngumiti bago umiling kaya naman napatango ako bago inumin ang hawak kong buko. "Ano ho bang mayro'n at napasyal kayo rito?" tanong ni Ate Cony kila Dylan kaya naman hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. "Pinatingnan po kasi namin ang lupa na pagtatayuan ng bahay namin," ani Dylan. Nilunok ko ang kinakain ko at tumingin sa kanila. "Siya po kasi ang magiging Engineer namin." Tinuro ako ni Rein kaya naman muli akong ngumiti kay Ate Cony at yumuko. "Aba'y Engineer niyo pala siya? Ang akala ko ay kaibigan niyo siya, kaganda naman pala ni Emgineer." Hindi ko alam kung nambobola lang ba si Ate Cony kaya naman nginitian ko na lang siya. "Yeah, she's one of my friend din naman po, siya 'yong lagi kong naikuk'wento sa'yo, Ate Cony. 'Yong kaibigan ko sa ibang bansa," ani Rein. Nakakatuwa naman si Rein. "Siya ba 'yong tinutukoy mong magiging cousin in law mo!?" gulat na tanong ni Ate Cony at kahit ako ay nagulat kaya naman nabilaukan ako. Agad naman na may nag-abot sa akin ng inumin kaya naman ininom ko agad 'yon. Grabe naman magk'wento si Rein. "Opo/hindi po." Nagkatinginan kami ni Rein nang magkasabay kami sa pagsagot kay Ate Cony. Pinanlakihan ko siya ng mga mata pero inirapan niya lang ako. 'Reinnnn!!!' "Ang ganda-ganda mo naman pala talaga sa personal," muling pagpuri sa akin ni Ate Cony kaya naman ramdam ko na ang biglang pag-init ng mukha ko. Si Rein talaga. "Nako, sigurado ako na magaling ka rin maging Engineer, hindi na ako makapaghintay na madalhan kayo ng pagkain sa site," ani Ate Cony kaya namna ngumiti ako sa kaniya. "Ako rin po, hindi na rin po ako makapaghintay na matikman ulit ang gawa niyong tinapay," nakangiting wika ko sa kaniya at nakita ko na namula ng bahagya si Ate Cony. Naik'wento niya kasi sa akin nang minsan daw na nadestino rito sa lugar nila si Dylan at siya ang nagdadala ng pagkain dito lalo na at dahil naging tauhan ni Dylan si Kuya Robert na asawa ni Ate Cony. Magiging tauhan ulit ni Dylan si Kuya Robert sa gagawin naming trabaho. Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang may biglang kumatok dito at isang lalaki ang nakatayo rito. "Magandang araw ho," ngumiti ito pagkatapos na sabihin ang mga salitang 'yon. "Patrick!" Agad na tumayo si Rein at lumapit sa lalaki na nasa pintuan upang makipag-beso rito. "Hi, Rein," bati rin nito kay Rein at biglang nagtama ang mga paningin namin. Tiningnan ko lang siya hanggang siya na mismo ang umiwas ng tingin. Sino ba siya? "Architect, good afternoon," bati nito kay Dylan kaya sa lalaki nalipat ang tingin ko at nakita ko na nakatingin lang din ito sa lalaking kararating lang din. "Oh, hijo, Patrick, tuloy ka muna at magmeryenda. May tinapay ako rito at malamig na buko," alok ni Ate Cony sa lalaki na tinawag niyang Patrick. "Gustuhin ko man pong magtagal dito ay bawal na po dahil baka gabihin kami ni Rein sa daanan," anito kay Ate Cony at muli akong tiningnan kaya naman tinaasan ko na siya ng kilay dahil panay ang tingin niya sa akin. "Gano'n ba? May punto ka rin naman, medyo malayo nga ang uuwian niyo, e aalis na ba kayo? Gusto niyo ba na ipagbalot ko kayo ng tinapay?" tanong ni Ate Cony at sasagot na sana si Patick nang biglang sumingit sa usapan si Rein. "'Wag ka na pong mag-abala, Ate Cony. Baka po hindi na namin makain 'yan dahil hihinto rin po kasi kami sa mga fast foods para kumain kung magugutom po kami," mahabang lintaya ni Rein na mas lalong ikinataas ng kilay ko. Wow, tinanggihan niya ang masarap na gawang tinapay ni Ate Cony. "Sigurado kayo?" paninigurado ko dahil kung hindi naman nila babaunin ang mga ito, uubusin ko na lang. "Oo, Cally. By the way, this is Patrick. He's one of my friend and siya rin ang ka-partner ko kapag nagsho-shoot kami," wika ni Rein kaya naman napatango ako bago tingnan ang lalaki sa gilid niya. Ngumiti sa akin 'to kaya naman tinanguan ko siya bago ibalik sa pagkain ang paningin. Gutom pala ako, hindi pala ako nakakakain kanina ng maayos. "Aalis na ba kayo?" biglang tanong ni Dylan at tumayo. "Hahatid ko na kayo," anito bago maglakad papalapit sa kaniyang nobya. "Aalis na ba kayo? Sige, sasama ako. Ihahatid ko rin kayo sa labas," ani Ate Cony kaya naman sa kaniya naman nalipat ang aking paningin. "Aabangan ko na rin si Robert sa labas." At tuluyan na nga nila akong nakalimutan. Iniwan nila akong lahat dito mag-isa. Pero okay lang at least may tinapay sa harap ko. Hinintay ko na lang silang bumalik at nagpatuloy sa pagkain. Kung ganito ba naman kasarap na tinapay ang araw-araw kong kakainin ay hindi ako mananwa. Napangiti ako at handa na ulit kumagat sa tinapay na hawak ko nang mapatingi ako sa kusina ni Ate Cony nang may lalaking biglang sumulpot dito kaya naman sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako at nabitawan ang hawak kong baso na naging dahilan ng pagkabasag nito. "Ano ka bang bata ka, p*patayin mo ako!" anito habang nakahawak sa kaniyang dibdib. "P-pasensya na po, nagulat l-lang ako," sabi ko rito at yumuko. Nako, nabasag ko pa ang baso nila Ate Cony. "Jusko, Engineer! Anong nangyari sa'yo riyan!" rinig kong sigaw ni Ate Cony na mukhang papasok na sa bahay kaya naman agad akong umupo at pinairal ang k*tangahan. Sino ba naman kasing matinong tao ang hahawal sa basag na baso? Kaya ang ending. "Ano ka ba! Bakit mo dinampot ang bugbog!" Lumapit sa akin ang lalaking sumulpot sa kusina. Hinawakan niya ang kamay ko na may maliit lang namang sugat pero grabe magd*go. "Tara nga rito at hugasan muna natin." Hinila niya ako papunta sa kusina upang mahugasan ang kamay ko. Lumapit kami sa lababo at tinapat niya ang kamay ko sa gripo kung saan lumalagasgas ang tubig. "Okay naman po ako, malayo po sa bituka," ani ko rito. "Kahit na, hanggang patuloy ang pagdurugo niyan ay hindi ka pa rin ligtas," sabi naman niya kaya naman pinanood ko na lang ang ginagawa niya. "Engineer!" Tumingin ako sa likod ko nang marinig kong muli ang pagsigaw ni Ate Cony. "Ate Cony," nakangiting tawag ko rito. "Jusko, anong nangyari sa'yo!? Bakit ka may dugo!?" nag-aalalang tanong nito bago lumapit sa akin at hawiin ang lalaking kasama ko. "Jusko, kailangan bang dalhin ka sa Hospital!?" Natawa ako nang bahagya dahil kay Ate Cony. "Ayos lang po ako, maliit na sugat lang naman po 'yan," sabi ko bago bawiin ang kamay sa kaniya. "Hinawakan niya kasi ang baso na nabitawan niya kaya nagkasugat siya," sabi ng lalaking nasa likod ni Ate Cony. "Robert, nand'yan ka na pala!? Kailan ka pa dunating!?" Robert? Tiningnan kong muli ang lalaking kausap ngayon ni Ate Cony. Kung gano'n ay siya pala ang asawa ni Ate Cony. "Kararating ko lang, dito ako dumaan sa likod bahay at mukhang nagulat ko pa 'yan," wika nito na ako ang tinutukoy kaya naman napakamot ako sa batok. Hindi naman ako magugulatin pero kasi puro siya putik. Napatingin ako sa may pinto ng kusina nang para bang may gumalaw rito pero wala naman akong nakitang tao. "Hay, jusko kayo, sandali lang, Engineer. Kukunin ko muna ang first aid kit namin para tumigil na sa pagdurugo ang kamay mo," sabi ni Ate Cony bago kami iwan ni Kuya Robert dito sa kusina. Tumingin ako kay Kuya Robert at nakita ko na nakatingin din siya sa akin kaya naman bahagya akong ngumiti rito. "Magandang araw po, Callista nga po pala," sabi ko at inabot ang kaliwang kamay. "Magandang araw din, ako si Robert, asawa ako ni Cony," anito at tingnan ang aking kamay. "Puro putik ang kamay ko, hija." Pinakita niya sa akin ang kaniyang kamay kaya naman binawi ko na lang ang kamay ko. Sumandal ako sa lababo at tiningnan ang kamay na patuloy pa rin sa pagdurugo. Akalain mo, sa tinagal-tagal nang panahon na-injured ka na naman. Napailing na lang ako bago tumingin sa pinto ng kusina. Wala si Dylan, baka nasa labas pa rin sila Rein. Pero wala naman akong pakialam, kahit na sa labas na siya tumira ay okay lang. Tumingin ako kay Ate Cony na galing kung saan, may bitbit na siya g isang maliit na box na sa palagay ko ay first aid kit. "Tara sa sala para magamot natin 'yan." Pumunta kami sa sala at naabutan namin si Dylan na nakaupo sa sofa nila Ate Cony habang nagce-cellphone. "Oh, Architect, nandito pala kayo?" agad na bati ni Kuya Robert dito nang makita ito. Ako naman ay naupo sa sofa at hinayaan na gamutin ni Ate Cony ang kamay ko. Kamalas naman. "Kailan pa kayo dumating, Architect?" Rinig kong tanong ni Kuya Robert dito sa lalaki. Hindi ko sila makita dahil medyo nakap'westo sila sa likod ko. "Kanina lang po, sinilip po kasi ni Engineer ang lupa na pagtatayaun namin ng bahay para naman daw po maiguhit na niya ang plano at masimulan na ang pagtatayo rito," sagot naman ni Dylan. Bahagya naman akong nagulat nang madiinan ni Ate Cony ang kamay ko kaya naman bahagya akong nakarandam ng kirot. "Pasensya na," bulong ni Ate Cony sa akin. "Okay lang po, medyo nagulat lang po ako." Ipinagpatiloy ni Ate Cony ang paglilinis sa aking kamay habang sila Dylan ay patuloy sa pagkuk'wentuhan sa likod ko. "Tuloy na tuloy na talaga ang kasalan, imbitado ba kami riyan?" natatawang tanong ni Kuya Robert kay Dylan. Tiningnan ko ang kamay ko nang makita kong mabendahan na ito ni Ate Cony. It's a very long time no see, benda. "Oo naman po, Kuya Robert. Kailangan ay nando'n kayo para naman masaya ako," ani Dylan. Umayos ako ng upo upang mapaharap sa kanila. "Nako, Miss Engineer, pagpasensyahan mo na ang biglaang pagsulpot ko kanina," sabi sa akin ni Kuya Robert kaya naman bahagya akong ngumiti sa kaniya. "Wala po 'yon," wika ko habang napapakamot sa ulo. Nakakahiya. "Ikaw pala ang Engineer na madalas maik'wento sa amin ni Madam Rein, masaya naman akong makita ka sa personal, hija." Ngumiti sa akin si Kuya Robert kaya naman ngumiti rin ako sa kaniya. "Ang ganda-ganda mo naman pala." "Salamat po." "Oh siya, anong gusto niyong ulam ngayong gabi? Para naman maipagluto ko kaya at bukas ay aalis na pala kayo," biglang singit ni Ate Cony kaya ako na ang nagsalita. Isa pa ay may gusto talaga akong kainin ngayong araw. "Sinigang." Ngumiti ako kay Ate Cony. Sabay na sagot namin. 'Gaya-gaya na naman 'tong isang 'to.' "Parehas pala kayo ng gusto, mabuti naman para mabilis kong maluto 'yan. Sige, maiwan ko muna kayo, d'yan muna kayo," wika ni Ate Cony habang tumatayo. "Hoy, Robert. Samahan mo muna 'yan sila Architect d'yan at mamimitas lang ako ng mga gulay sa baba." Agad akong napatingin kay Ate Cony nang marinig ko ang sinabi niya. "Ate Cony, baka po gusto niyong samahan ko na kayo?" tanong ko rito at agad naman niyang iwinasiwas ang kamay. "'Wag na! Mamahinga ka na lang d'yan, Engineer. Hintayin niyo na lang ako." "Okay lang po, hindi naman po ako pagod, at saka gusto ko rin pong maglakad-lakad," pagmamatigas ko. Ate Cony, isama mo na ako. Gusto kong mamitas ng gulay. "Sigurado ka ba? Kung gano'n ay halika na." Agad akong tumayo nang sabihin 'yon ni Ate Cony. "Maiwan ko muna po kayo, Kuya Robert. Samahan ko lang po si Ate Cony," saad ko at bumaling sa lalaking kausap ni Kuya Robert. "Bahala ka na riyan," mahinang sabi ko bago muling ngumiti kay Kuya Robert at ngumiti. Sumunod ako kay Ate Cony na sa likod bahay pala dumaan. "Napakaganda mo talaga, Engineer. Ang bait-bait mo pa," ani Ate Cony habang naglalakad kami pababa. "Salamat po, Ate Cony. At saka Callista na lang po ang itawag niyo sa akin, wala naman po tayo sa trabaho," wika ko rito. "Ay, sige ba. Ang ganda naman pala ng pangalan mo." Napakamot na lang ako sa aking batok. Lahat na lang maganda sa akin. "Saan po pala tayo pupunta?" tanong ko kay Ate Cony. "Sa taniman namin dito sa baba." Tinuro ni Ate Cony ang isang malawak na taniman sa may baba nga. Mataas ang lupa na kinalalagyan ng bahay nila Ate Cony at may hagdan na lupa pababa. "Ang ganda naman po ng lugar niyo," ani ko habang inaalalayan si Ate Cony habang pababa kami. "Oo, buti naman ay nagustuhan mo rito, gusto mo ay rito ka na lang tumira," natawa ako sa sinabi ni Ate Cony. Kung p'wede lang ay baka hindi ko na talaga uuuwian ang mga kapatid ko pero may maliit pa kasi akong kapatid. "Kung p'wede lang po, kaso ay bawal po kasi may mga kapatid pa po ako," sabi ko rito. "Gano'n ba, okay lang, matagal ka naman mananatili rito." Tumango akosa sinabi niAte Cony. Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa makarating kami sa mismong taniman nila at habang namimitas ay nagkuk'wentuhan pa rin kami ni Ate Cony. "Kapag si Madam ang kasama ni Architect ay hindi sila kumakain dito, lagi silang nasa restaurant ni Madam at do'n kumakain pero kapag minsan naman ay magugulat kami pupunta rito sa bahay namin si Architect at nakikikain," k'wento sa akin ni Ate Cony. Kinuha ko ang gulay at inaabot niya sa akin at inilagay iyon sa bilao na hawak ko. "Kahit na minsan din ay hindi natulog dito sila Architect." Agad na nangunot ang aking noo dahil sa sinabi ni Ate Cony. "Kung gano'n po ay ngayon pa lang po makikitulog si Dylan dito?" tanong ko rito at tanging ilang naman ang isinagot niya sa akin. "Hindi, si Architect ay madalas na nandito sa La Union at madalas niya ring hindi kasama si Madam kaya madalas na sa amin nakikitulog si Architect." Napatango ako sa sinabi niya. Si Rein hanggang dito pinapairal niya ang kaselanan niya. "Tama na ang mga ito, bumalik na tayo sa bahay baka naiinip na 'yong dalawang 'yon," natawa ako bago muling alalayan si Ate Cony paakyat sa bahay nila. Nang makarating kami sa bahay ay si Ate Cony ang naunang pumasok ako naman ay pinagpagan pa ang mga paa dahil sa alikabok. "Ayaw maalis," sabi ko at muling pinagpagan ang mga paa bago maisipan na maghugas na lang sa banyo nila Ate Cony. Dinala ko ang mga gulay at pumasok sa bahay dala ang mga bahay. Sa kusina ako dumiretso at nilapag ang mga gulay sa lamesa bago lumapit sa pinto ng banyo pero hahawakan ko pa lang sana ang pinto nang kusa na itong magbukas at lumabas do'n si Dylan na basa ang mukha. Ibubuka ko pa lang sana ang aking bibig upang makiraan pero kusa na siyang umalis at nilagpasan ako. Natigilan ako saglit bago tumuloy sa pagpasok sa loob ng banyo. Pagpasok ko ay hinugasan ko lang ang paa ko bago muling lumabas sa kusina kung saan naabutan ko si Ate Cony na naghuhugas na ng mga gulay na pinitas namin kanina. Bago ako tuluyang makalapit sa lamesa kung nasaan si Ate Cony ay bahagya pa akong sumulyap sa sala kung saan namin iniwa sila Kuya Robert pero wala na sila ro'n. Nagkibit-balikat na lang ako bago lumapit kay Ate Cony at tulungan ito na maghanda ng mga gulay para sa lulutuin niyang ulam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD