Napatingin ako kay Dylan at nakita kong nakatingin ito kay Rein nang banggitin niya ang mga salitang 'yon. Huminga ako nang malalim bago maglakad papalapit kay Jade. "Ganda, ah. Sino date mo?" tanong nito sa akin kaya napailing ako, nagsisimula na naman siya. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglabas ng bahay, naabutan ko sa labas ang lahat ng kapatid ko. Mula kay Kuya Chase hanggang kay Maxine, nakaayos na silang lahat pati na rin sila Ate Cony. Napatingin ako sa babae na nakahalukipkip sa isang gilid, napangiti ako, she's pretty. "Ang ganda mo naman engineer," puna ni Ate Cony sa akin nang mapansin na nila ako. Nag-init ang pisngi ko kaya narinig ko ang hagikhikan ng mga kapatid ko sa isang tabi. That's why I hate wearing a dress. Nasanay sila na ang lagi kong

