Nagising ako na parang pinupukpok ang ulo ko. “Ahh…” ungol ko bago bumaling. Hindi ko alam kung paanong higa ang gagawin ko dahil sa sakit ng ulo ko. Nakapikit ang mga mata ko na kinuha ang isang unan sa tabi ko upang itakip sa ulo ko pero nang makuha ko na ito at maamoy ay natigilan ako. ‘Amoy lalaki— Amoy Dylan.’ Idinilat ko ang aking mata at muling inamoy ang yakap kong unan dahil baka nananaginip lang ako pero no’ng muli ko ‘tong maamoy, do’n ko napagtanto na kaamoy nga ni Dylan ang yakap kong unan kaya nakakunot ang noo ko no’ng bumangon ako mula sa pagkakahiga. Hindi pa rin kasi nawawala ang sakit ng ulo ko. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng silid na kinalalagyan ko at ilang beses akong napapikit nang makitang wala ako sa k’warto ko. ‘Nasaan ako?’ Naitanong ko na lan

