Lahat kami ay nakabihis na, ultimong si Maxine ay nakabihis na rin— mabuti na lang at may mga damit na binili si Marco na para kay Maxine at nagkasya naman ang lahat ng ‘yon sa kapatid ko. Hinihintay na lang namin si Marco na bumaba sa kaniyang kowarto dahil siya ang huling naligo dahil pinaghugas muna siya ng plato ni Icom. Nakakatawang isipin na kahit na isa na siyang piloto, hindi pa rin siya umuobra kay Icom kaya no’ng sabihin ni Icom na maghugas siya ng plato ay wala siyang nagawa kung hindi sundin ang lalaki. Ako na lang sana ang pinaghugas nila. “Ang ganda ng damit mo, bagay na bagay sa ‘yo,” sabi ni Icom habang nakangiting nakatingin sa akin. Nag-init ang mukha ko bago mapayuko at tingnan ang suot kong damit. Hindi ko alam kung bakit ito ang sinuot ko— si Marco kasi ay pinilit

